• Sam's P.O.V •
Kanina pa kami sa classroom ni Kookie at malapit na magbreak time. Pero heto, hindi ako pinapansin ng loko at Minsan tulala. Problema neto?
"Pst. Jimin" -ako
Tumingin naman siya sakin at napatingin din si V. Nasa harap ko lang kasi si Jimin at katabi niya si V.
Tinuro ko naman si Jungkook at tulala na naman ang loko.
"Bakit ganyan yan?" -ako
Napakibit balikat naman siya. Tinignan ko si V at ganun din ang ginawa niya. Napabuntong hininga naman ako.
"Ano bang nangyari kanina?" -Jimin
Napaisip naman ako sa nangyari kanina.
"Ang alam ko lang kumain kami ng sabay sabay nila Tita, pero bago ako kumain kiniss ko si Tita Jane sa cheeks. Eh nainggit siguro siya kasi Mom niya lang kiniss ko, kaya kiniss ko rin siya sa pisngi at kumain na kami. Pagkatapos ayun hanggang sa kotse parang zombie, wala sa sarili at hanggang ngayon" -ako
Napatingin ako kay Jungkook kung naririnig niya. As Expected hindi siya nakikinig. Napapoker face naman ako.
Napatingin naman ako sa dalawa na tumatawa. Oh problema ng mga toh? May nakakatawa ba sa kinuwento ko?
"HAHA!" -VMin
Napatingin na samin yung mga classmate ko, sa lakas ba naman tumawa ng dalawa. Pero karamihan sa babae, alam niyo na masama ang tingin. Hindi ko na lang pinansin katulad ng sinabi nila. Nainggit siguro ang mga bitch nato kasi napatawa ko ang dalawa. *iling iling*
At sa wakas, nasa wisyo na si Kookie at napatingin sa dalawa na tumatawa.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
Sabi ko na nakapoker face. Wala naman nakakatawa dun ah?
"Oo, alam na namin kung bakit ganyan yan! haha" -V with matching turo pa kay Kookie
"Oo nga, pft haha" -Jimin
Napakunot noo naman ako sa dalawa.
"Eh ano??"
Curious na tanong ko. Syempre sila alam agad ako hindi? unfair.
Nagkatinginan naman silang dalawa tsaka nilapit ang mukha nila sa pigitan namin ni Kookie. Magkatabi kasi kami niyan.
"Dahil sa kiss mo" -VMin
Bulong nilang dalawa na kami lang ni Kookie ang makakarinig.
Napatigil naman ako at parang nag-iinit pisngi ko. Gosh bakit parang ngayon ko lang narealize ginawa ko??
Napatingin naman ako kay Kookie, inambahan niya yung dalawa. Tawa pa rin kasi ng tawa tong dalawa. Pagkatingin naman niya sakin, bigla siyang umiwas ng tingin. BIG DEAL ba yung kiss na yun? Nakakahiya tuloy kausapin si Kookie hayst.
Hindi dumating ang teacher namin kaya Breaktime na. Parang gusto kong mapag-isa? Ewan nahihiya kasi ako bigla.
Nauna ulit umalis sila Jimin at V. At heto kami ngayon ni Jungkook, naglalakad papuntang canteen. Di pa rin ako pinapansin. Napabuntong hininga naman ako. Napatigil naman ako sa paglalakad at si Jungkook naman naglalakad pa rin paalis hanggang sa hindi na siya makita ng paningin ko.
Buti na lang walang gaanong tao sa hinintuan ko. May nakita naman akong stair paakyat at di na ko nagdalawang-isip na umakyat doon. Hindi na ko gutom.
"Kasalanan ba yun?"
Hayst kinakausap ko na sarili ko. Napatigil naman ako at napamangha sa dulo ng stair na toh.
It's a Garden.
Nilibot ko ang Garden ng school na toh. Akala ko sa Anime lang meron ganito pero wow ang ganda talaga.
Mahangin din dito. Gusto ko ng tumambay dito. Umupo ako sa isang bench at tinignan ko ang paligid. Gusto kong pumitas kahit isang bulaklak pero nakakahinayang kasi ang ganda ng view.
"I love this Garden"
Nasabi ko na lang. Para akong nasa paradise. May mga iba't-ibang klase ng bulaklak at puno.
"Love this Garden huh?"
Napatingin naman ako sa nagsalita.
"Y-yoongi?"
*****
BINABASA MO ANG
I Am Living With A Kpop Idol [BTS Jungkook FanFic]
FanfikceMy First Story BTS Fanfiction!! Hope you guys love and support it! Mwaps~❤❤