Chapter 3:

17 1 1
                                    

•Sam's P.O.V

*Kriiiiiiiiiiiiiiiing*

*yawn*
"Aaargh! ang ingay naman!"

Pinatay ko ang alarm clock. Tsk ang ingay. Matutulog pa sana ako kaso wala na, nawala na antok ko.

Bumangon na ko para maligo at gawin ang morning rituals ko.

Pagkatapos kong gawin lahat. Nakabihis na ko ng pang uniform. Ganda ng uniform huh? Sinuot ko na rin ang thick glass ko. Tinignan ko mukha ko sa salamin. As usual, nerdy like. Nakapony tail din buhok ko.

Kinuha ko ang ilang manga ko na babasahin at nilagay sa bag para di bored pag nasa school ako.

Lumabas ako ng room at bumaba, dumiretso na ko sa Dinning area.

Nakita ko na sila Tita sa Dinning Table. Nakakunot noo ni Tita at Jungkook ng makita ako.

Bakit? May marumi ba ko sa mukha? Umupo na lang ako

"Iha, Bat ganyan itsura mo? Nerd ka ba?" -Tita Jane

Hindi siguro nakwento ni Mom toh

"Oo nga, mas mukha kang tao kahapon kesa ngayon na..." -Jungkook

Tinignan niya talaga itsura ko na parang napapangitan. Tsk as ever naman

"Ganito lang talaga ako kapag nasa School" -ako

Simpleng sagot ko sa kanila. Nagsimula na rin kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumain ng Almusal hanggang sa matapos. Nakababa na rin ang gamit namin.

"Ingat ka Baby" -Tita Jane

Sabi ni Tita Jane kay Jungkook. Nagpigil naman ako ng tawa. Baby daw haha.

Napatingin sakin si Jungkook kaya napatigil ako.

"Sam iha ingat rin sayo." -Tita Jane

Tumango lang ako at lumabas na kami. Sumakay na rin kami ni Jungkook sa kotse. Kaya pinaandar na ni Manong Driver ang kotse. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse.

Kinakabahan ako, baka bully-hin ako sa new school ko. Nagulat naman ako ng may kumalabit sakin. Napatingin naman ako.

"Bat ba talaga ganyan itsura mo?" -Jungkook

Nakapoker face ako ngayon. Tsk ganun ba ko kapanget at di siya makapaniwala sa itsura ko ngayon?

"Kasi nga ganito na talaga itsura ko kapag nasa school ako okay?" -ako

Sumandal siya sa upuan na nakatingin sakin

"Ang ganda mo kaya kapag di ganyan suot at itsura mo" -Jungkook

Di ko alam pero parang uminit pisngi ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ayoko magpahalata sa kanya noh.

"Sa bahay lang ganon itsura ko"

Sabi ko ng nakatingin sa labas. Baka namumula mukha ko kaya ayoko pakita sa kanya.

"Ahh... Buti naman" -Jungkook

Di ko narinig sinabi ni Jungkook sa dulo kaya tumingin ako sa kanya.

"Ano?" -ako

"A-ahh wala" -Jungkook

Tumango lang ako, at katahimikan na ang bumalot sa loob ng kotse hanggang sa makarating na kami sa school

Yeongwonhi University•

Inayos ko ang salamin ko bago ako bumaba. Pero nagulat ako ng ansama ng tingin sakin ng mga estudyanteng babae dito ngayon na nakapalibot sa kotse.

Napalunok naman ako ng laway. Ngayon ko lang naalala sinabi ni Tita na K-pop Idol si Jungkook at kilalang kilala sa buong mundo.

"Who's that nerd na bumaba sa kotse ng asawa ko?"

"Kapal ng mukha ng nerd na toh sumabay kay Jungkook ko"

Karamihang naririnig kong di magandang salitang bumungad sakin.

Bigla namang bumaba si Jungkook at hinila ako palayo.

Mas lalo tuloy ako nakarinig ng mga salitang di maganda. Nakayuko ako, hinayaan ko lang si Jungkook na hilahin ako.

Kailangan ba talaga akong sabihan ng di maganda? wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Di porket kasabay ko pumasok pinapantasya nilang idol, kailangan na nilang gawin yon? di ko napansin na nasa loob na kami ng principal office dahil sa kakaisip ko.

Nakayuko lang ako. Naririnig kong kinausap ni Jungkook ang principal. Ayoko magsalita, alam ng nasa loob ko ang nararamdaman ko. Takot. Dahil baka bully-hin nga ko dito. Kakapasok ko pa lang dito. Di na maganda bungad sakin.

Nagulat naman ako ng bigla na naman akong hilahin ni Jungkook. Napatingin naman ako sa kanya.

"J-jungkook"

May halong panginginig ang pagkakasalita ko ng pangalan niya. Oo na mahina na ko, Iyakin ako. Di ako palaban, hindi ako bitch.

Huminto naman si Jungkook at humarap sakin. Walang gaanong tao ang hinintuan namin.

"Okay ka lang ba?" -Jungkook

Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango lang ako bilang sagot.

"Wag kang mag-alala. Akong bahala sayo dito sa school. Tsaka nga pala..." -Jungkook

Napatingin naman ako sa inabot niya at kinuha ito

"Schedule mo yan dito sa university. Tsaka parehas tayo ng schedule kaya magkaklase tayo,  mababantayan at lagi kitang masasamahan. Kita ko sayo na natatakot ka dahil sa mga sinasabi ng mga fans ko. Gwapo ko kasi kaya wag mong pansinin" -Jungkook

Natuwa na ko sa sinabi niya. Pero nawala rin dahil sa dulong sinabi niya.

Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil kaklase ko sya tsaka mababantayan niya daw ako at makakasama siya lagi. Ewan ko pero parang bumilis tibok ng puso ko? Napailing na lang ako

"Tara na, papakilala rin kita sa mga kaibigan ko." -Jungkook

Tumango lang ako. At naglakad na kami papunta sa room namin.


*****

I Am Living With A Kpop Idol [BTS Jungkook FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon