SB9

13 0 0
                                    

Suga's POV,
Nang makababa kami wala kaming ginawa ni Sarina kundi manuod ng TV.

"P-papa" rinig kong sabi nya.Takot sya sakin kaya nautal sya.

"Hmmm?" Ako

"Papa gusto ko po makita si Uncle V..."

Sinamaan ko siya ng tingin at sya namang walang magawa kundi ang yumuko.

Ako na nga nandito,iba pa hinahanap niya!

May napansin akong tumulo.Ewan pero nakita ko talaga sa singkit ng mata ko.

Tahimik lang syang umiiyak.Nakahawak lang sya sa laylayan ng dress niya.

Ano bang gagawin ko sa batang ito?First day namin dito pero hinahanap niya agad si V.Sya ba ama ha?Ako diba!!!

"Baby?" Napatingin ako sa hagdanan at nakita ko na nakabalot sya at sobrang namumutla.

Lumapit si Sarina sa kanya.Napatingin naman sakin si Camille ng makita nyang umiiyak si Sarina.

"Why are you crying baby?" Tanong ni Camille.Lumingon sakin si Sarina.

"Kasi po masaya ako kasi kasama ko na si P-papa" Nabigla ako sa sinabi ng bata.Ganun rin si Camille.

"Ako rin,masaya akong nakasama natin si Papa mo" sabi ni Camille at iwas ng tingin.

As if namang hindi rin ako masaya na nakasama ko sila----Wala akong sinabi!Wala talaga!Aish  Im Insane!Where's my swag dude?!

"Tara punta tayo sa room mo..." Sabi ni Camille kahit nanghihina na sya.Masyadong paawa to!Haist kaya ayoko sa kanya eh!

Camille's POV,
Kaya ko kinuha si Sarina at pinapasok sa kwarto kasi nga medicine time niya na.Mahirap na baka umatake na naman.

"Baby..." Napansin ko kasing malungkot siya.

"Mama....si Uncle V po gusto ko makita" Nagulat ako.Miss nya na nga Uncle V niya.Sumama kaya kami bukas kay Suga?Sa shooting para sa Run Episode*toot* nila ng makapagbonding ulit sila.

Pinatulog ko ulit si Sarina at bumaba.Nabigla ako sa nakita ko...

Nagluluto siya....Si Suga nagluluto.At first time ko syang nakitang magluto.

Ano ba this?Parang bumabalik na naman?!

Kantahan niyo ako ng 'Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig'Okay im so cheesy!

"Ano yang niluluto mo?"Sabi ko sabay upo at pinagmasdan siya.

" Buckwheat noodles....Nagugutom kasi ako"ayt!Akala ko para sakin!Magluluto na nga lang ako for myself.

Tatayo na sana ako ng ilapag ni Suga sa harapan ko yung niluto niya.Napatingin naman ako sa kanya.

"Ano to?" Sabi ko.Ayst!Ano ba Camille pagkain yan!Babarahin ka talaga ni Suga dahil sa kashungahan mo!

"Pagkain!Bulag ka ba?O gusto mo subuan kita?" Nagulat ako.Ano daw?Susubuan niya ako?Talaga?

"At as if namang susubuan kita!May kamay ka diba?" Sabi ko nga!May kamay ako at ako lang ang magsusubo sa sarili ko.

Nagsubo ako ng kunti habang nakatingin kay Suga.

Omo!Omo!Ang shereppp!Grabe!Hindi ako makapaniwalang ganito sya kasarap magluto!Grabe!Mas magaling pa sya sakin.

"Grabe ang sarap!" Sabi ko kaya napalingon siya sakin at ngumisi

"Ako pa?!Mas masarap pa ako magluto kay Jin!" Pagyayabang niya.

"Psh.Yabang" bulong ko at buti nalang di nya narinig.

"Ohh ok ka na ba?Wala ka na bang lagnat?" Napahawak ako sa leeg ko checking if mainit pa ba ako.

"Im kinda fine na" sabi ko.

"Hali ka nga!" Sabi niya at kinagulat kong nilagay nya yung kamay niya sa leeg ko.

Feeling ko talagang naging slowmotion ang lahat.Nag-iinit na rin mukha ko.Wahhh!Yoongi ano ba!Unti unti na nga akong nakakamove-on sayo eh!Pinapabalik mo!Gago you Fo!

"Wala na!Grabe ganun na ba kasarap yung luto ko?Sana pala ako na nagluto kanina!" Gusto kong tusukin ng chopstick yung gums niya at the same time masaya ako kasi araw-araw ko na siyang makakasama kahit alam kong paalisin nya kami.

"Ah Suga si Sarina pala gusto pumunta kay V.Pwede ba kaming suma----"

"Hindi!" Tipid niyang sagot.

"Dalaw lang naman namimi----"

"Alam niyo pupunta punta kayo dito sa Sokor galing Nokor para hanapin ako tapos gusto niyong makasama si V?Oh ede sana nagkunwari kang anak yan ni V!"

Isang sampal ang binigay ko sakanya!At tumulo na ang luha ko!

"Psh!Palibhasa kasi ang landi ako pinagtripan!"bulong niya pero ang lakas ng pagkakarinig ko.

*Pak*Sinampal ko ulit sya ngayon mas malakas.Wala syang karapatang tawagin akong malandi kasi minahal ko siya nun!

Tinitigan ko sya kahit di ko masyado maaninag mukha dahil sa luha ko.

" Hindi paglalandi yun!Minahal lang naman kita tapos wala lang sayo?!Binaboy mo ko wag mo akong tawaging malandi kasi minahal kita nun!"sigaw ko sa pagmumukha niya at umalis.

Pumunta ako sa may likod ng bahay.Ang sakit.Ang sakit pagsabihan ng malandi kahit minahal naman talaga sya.Ang sakit sakit!Madali lang sa kanyang sabihan yun kasi di sya ang nasaktan,hindi sya ang binaboy!Kung di niya talaga kami tanggap kahit lang yung anak ko!Uuwi nalang kami sa Nokor!Sumosobra na sya.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa manghina ako at di namalayang nakatulog na ako.

V's POV,

"Hyung namimiss ko na si Sarina wala na akong kalaro" Jungkook

"Ako nalang laruin mo!!" Jimin sabay sexy dance.

"Ulol mo ayoko sayo!" Sabi ni Jungkook sabay walkout.

"Wahhh!Huhuhuhu I miss Sarina na my bebeh girl!Kahit di pink fave color nun she always call me Queen Pink Mario!Huhuhuhu!" Jin sabay kunwari punas sa luha niya kahit wala naman.

"Sya laging nagsasabi sakin na dapat always be careful sa lahat ng bagay" Namjoon

"Yah!Yah!Sya lang sumasakay sa likod ko at ginagawa akong kabayo" Hoseok.

Lahat kami matamlay kasi wala na si Sarina....also Camille.

"Sya rin nagpapasaya sakin..." Lahat lumingon sakin.What?Seryoso yun!

"Sino?Si Sarina o si Camille?" Tanong ni Jimin sabay taas baba ng kilay.

"Both!Ano ba?!"nagsitawanan sila sakin kaya binatukan ko silang lahat pwera kay Jin reyna daw kasi sya kaya sinampal ko nalang.

" Kung ano kaya.....bisitahin natin sila?"Sabi ni Jungkook.

"Jungkook,baka kasi masanay yung bata na lagi tayong makikita nun.Syempre kailangan din nilang magbonding mag" pamilya" para masaya diba?"sabi ni Jimin may akbay effect pa.

"Magpapaalam naman tayo kay Pdnim eh kahit ngayon lang"Jungkook

Gusto ko ring pumunta dun.Miss ko na si Sarina,miss ko na sya.Kahit ilang oras pa kaming di nagkita.

" Sana bukas isama ni Suga yung mag-ina para pangpalaks energy pag nandun si Sarina"Masayang sabi ni Hoseok.

"Yeah sana nga..."

Suga's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon