HUWAG MA-ALARMA MADAMI ITONG ERRORS. PLEASE ENDURE AND UNDERSTAND THANK YOU
Dying 1 Her Undying love
--
Isang malakas na sampal ang gumising sa akin, napakasarap na breakfast naman nito.
Labag man sa loob kong bumangon dahil nananakit pa ang buo kong katawan mula sa mga bugbog ni jared sa akin kahapon ay pinilit ko pa ding kumilos. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko na handang handa ng salubungin ang nag-aalab na mga mata ng aking pinakamamahal na asawa.
" Anong tinitingin tingin mo babae? Anong oras na tulog ka pa jan ha! Wala akong makain peste ka! wala kang silbi sa pamamahay ko!" singhal sa akin ni jared na syang nagpabalik sa aking ulirat. Alas quatro y media na pala at wala pa akong nahahandang pagkain para sa aking asawa maaga pa naman sya ngayon!
"Pasensya n--akkhhh.. Jared nasasaktan ako ahhhhk-tama na--" hindi ko alam kung hahawakan ko ba ang tyan ko o ang ulo kong pataas na hinihila ni jared mula sa pagkakahiga.
"Magluluto na ako teka-aaharay!" walang habas akong kinaladhad ni jared mula sa kwarto ko hanggang sa kusina hindi ko malaan kung paanong yakap ang gagawin ko sa tyan kong medyo may umbok na.
Laking pasasalamat ko nga sa dyos na sa kabila ng pambubugbog sa akin ni jared sa nakalipas na buwan ay safe padin ang dinadala ko.
"Dalian mong malanding babae ka nagugutom na ko!" saka nya ako pabalag na binitawan sa kusina. Ramdam ko ang sakit ng labi ko sa pagkakahampas ko sa malamig na tiles ng aming kusina, unti-unti kong nalalasahan ang dugo mula rito. Sobrang sakit ng buong katawan ko nitong mga nagdaang buwan nagkasabay siguro ang oagbubuntis ko at ang pananakit ni jared.
Nakaramdam ako ng sakit ng puson kagabi dagdagan pa ng ginagawa sa akin ni jared ngayon kaya naman pagod talaga ang katawan ko. Wala akong lakas na bumangon wala pa yata ako sa huwisyo, napahawak ako sa tyan ko ng maharamdam ako ng kaunting kirot dito, napapadalas na nga ang pagkirot nito na syang ikinabahala ko, hindi pa kasi ako nakakapagpa check-up sa ob ko
"Sige halikan mo yang lupa bagay sa iyo yan! Agang aga pinapainit mo ulo ko!" halos mapaiyak ako sa sigaw na ginawa sa akin ni jared. nakakabingi. nakakairita. Gusto ko mang umiyak sa nararanasan ko ngayon ay pilit ko itong pinipigilan, sa tuwing iiyak ako ay lalo pang nasisiyahan ang aking asawa.
Ang kanyang nakakatakot na sigaw ang bumabalot sa aming bahay sa pang-araw araw na ginawa ng diyos. Ang bawat kagamitan sa bahay na ito ang saksi sa pagmamahal ko sa aking asawa, pagmamahal na handa kong tiisin hanggang kamatayan.
"Maupo ka muna jan habang hinahanda ko ang almusal mo" malumanay kong sabi sa aking asawa narinig ko pa syang nagmura bago umalis at naupo na sa aming dining table. Maingat akong tumayo dahil sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan.
Mabuti nalang at may bahaw pa akong naitabi at hindi naman ito panis agad akong nagisa ng bawang sa butter. Paborito kasi ng asawa ko ang fried rice at sunny side-up egg sa umaga kaya ito nalang ang niluto ko. Agad kong kinuha ang mga rikados para naman sa soup na gagawin ko para mainitan ang tyan nya dahil alam kong magiging busy sya ngayon sa trabaho nya.
Sa pagmamadali ko sa pagluluto ay kamuntikan pa akong madulas buti nalang at naituon ko ang braso ko pero napangiwi ako sa sakit ng itinukod ko ito namamaga ang braso kong pinangigilan ni jared kanina.
Huminga ako ng malalim bago inihain sa asawa ko ang mga niluto ko. Nagawa ko pang hipan ang mainit nyang fried rice.
"Tumabi ka nga jan, peste ka eh" nagitla ako sa ginawang pagtabig ni jared sa aking mukha, maigi nalang talaga at nagkabalanse agad ako kundi ay sakit sa balakang na naman ang aabutin ko. Kinuha ko nalang ang tubig sa ref dahil baka nauuhaw na ang asawa ko mahirap ng mahuli baka uminit na naman ang ulo.
BINABASA MO ANG
A Wife's Moribund Love
Short StoryA Ziej Llaura Licaroz Story of her dying love for her husband. She lost everything because of him. Everything.. She became the great Ziella the battered wife. Will you love him until nothing was left from you? Is he worth the risk, is he worth the...