Dying 11

43 0 0
                                    

Dying 11 Endure

Nagising ako sa kalampag ng mga plato na nanggagaling sa kusina. Pilit kong tinanaw ito kahit pa hanggang ngayon ay masakit pa din ang buong katawan ko.

Nagluluto si jared.

Nilibot ko ang paningin ko ng magbalik ako sa huwisyo, wala na ako sa sala ngayon kundi nasa stock room na ng aming bahay. Madilim at maalikabok ang lugar dahil hindi ito madalas nalilinis at napupuntahan mga gabundok na box ang nakapalibot sa akin rito. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero nakaposas pa din ito ganoon din sa aking mga paa.

Pakiramdam ko ay sa bawat pag-kilos na ginagawa ko ay mamatay ako sa sakit. Sa bawat pulgada ng katawan ko ay nagsusumigaw ng hapdi.

I need to understand jared. Ito ang sinumpaan ko at paninindigan ko ito. Mahal ko ang asawa ko kaya handa akong maghintay.

Nakaramdam ako ng gutom nang maamoy ko ang nilulutong cornbeef ng asawa ko. Kahit ganito ang nararanasan ko sakanya ay nanghihinayang padin ako dahil hindi ko sya napagsilbihan ngayong umaga para kasing may kulang sa sistema ko.

Ipinagpaliban ko nalang ang gutom ko ng mapatingin ako sa limang buwan kong tyan. Malaki na ito at hindi na  maitatago pa, sa tuwing nasa bahay ako ay ayaw na ayaw makita ni jared ang nakaumbok kong tyan kaya madalas ay naka dress o kaya oversized shirt ako.

Kamusta ka na anak? Ayos lang naman si mommy mo dito ikaw ang inaalala ko, alam mo ba anak sobra akong natuwa noong sumipa ka alam kong safe ka riyana—

"Lamon!" nagitla ako sa paaglabag ng pino at sa biglaang sigaw ng asawa ko. Padarag nyg binitaway ang plastik na platong may lamang pagkain. Hindi na sya nag-abala ng oras na lingunin man lang ako basta nalang nya ako iniwan roon at umalis na ng bahay.

Isang mabigat na laghinga ang nagawa ko ng marinig ko ang kotse ng asawa ko paalis. Thursday nga pala ngayon kaya nasa office sya. Napatingin naman ako sa pagkain na nasa harap ko kung sa ibang pagkakataon siguro ay matutuwa ako dahil pinagluto ako ng asawa ko pero nasa ibang posisyon ako eh, ibang iba.

Pasalamat nalang ako at sa harap nakaposas ang nga kamay ko, mabilis kong kinuha ang plato at sinunggaban ang pagkain wala na akong pake-alam sa mga natapong kanin basta ang mahalaga ay makakain kani ng anak ko ngayon. Mag mula pala kahapon ay hindi pa ako nakakakain.

Halos isubsob ko na ang bibig ko sa plato para lang makain ng lubos dahil sa sobrang gutom, kahit pala papaano ay may paki-alam pa din pala sa akin ang asawa ko. Ayos na siguro ako sa katiting nyang pag-aalaga, masaya na ako roon.

Para akong nagmarathon ng matapos akong kumain dahip sa pagkahingal ko nakaramdam naman ako ng uhaw kaya napagdesisyunan kong tumayo ang pumunta sa kusina.

Hirap man ay pinilit kong makalakad kahit pa naka posas ang aking mga paa. Dahan-dahan at naging mabagal ang paglalakad ko–I am almoat at the kitchen ng natilapid ako at nawalan ng balanse dahil sa nakakalat na toycar collection ni jared. Sa takot kong baka maipit ang tyan ko ay pinilit kong itinuon ang aking kanang braso–

Halos mapaiyak ako sa sakit dahil sa ramdam ko ang pagkadislocate noon. Parang umusli ang buto.

"Aaaaahh sht!" nakahiga na ako ngayon sa sakit habang iniinda ang bali sa kanang kamay ko, sa takot kong baka maipit ang anak ko ay handa akong ibuwis ang sarili ko.

"Tulooong aaah! sht ang sakit!" sigaw ko na para bang may makakarinig sa akin nataranta ako ng nakita kong namamaga na ang bahaging nabali lalo lang tumindi ang sakit nito hanggang sa napaiyak nalang ako.

Unti-unti ay nanghihina ako sa sobrang sakit. Wala na akong lakas para sumigaw kahit pa masakit. Umikot ang buong paligid kasabay ng pagsakit ng nabaling buto sakin, maging ang mga talukap ko ay bumibigat na din–hindi ko na napigilan ang sarili ko unti-unti ay naramdaman ko ang pagsarado ng ng aking mga mata.

A Wife's Moribund LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon