Dying 2

56 0 0
                                    

Dying 2 Accept

--

"Sino ba iyon" pabulong kong sabi ng marinig ko ang ilang pagtunog ng doorbell namin. Wala naman akong inaasahang bisita at kabilinbilinan din ng asawa ko na huwag akong nagpapapasok ng kahit na sino pero panay kasi ang pag tunog ng doorbell baka importante.

Labag man sa loob ko ay napilitan akong bumangon at gumising mula sa pagkakatulog. Baka kasi secretary iyon ni jared at may pinapaabot ito sakin. Nagpuyod muna ako ng buhok bago tinungo ang daan papalabas alas singko na pala ng hapon napasarap yata ang tulog ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at mula sa aming grills style gate ay nakita ko namang walang  tao rito kundi nakaparadang sasakyan lamang. Lumapit ako sa gate ngunit wala yalagang tao. Naiinis akong tumalikod muli para pumasok baka nanloloko lamang iyon, hahakbang na sana ako papasok ng bahay ng marinig ko ang pagtawag ng isang napaka pamilyar na boses.

Tila ba nagtuod ako ng unti-unti akong humarap sa lalaking nasa labas...

Hindi ko alam pero nangatal ang buong pagkatao ko ng makita ko sya. Ang lalaking sumira ng buhay naming mag-asawa. Siya ang dahilan kung bakit kami nagkasira, sya ang dahilan kung bakit naging ganoon ang asawa ko ang pinakamamahal kong asawa mas piniling maniwala sakanya kesa saakin.

" Zeus" mumunti kong bulong sa lalaking kaharap nasa labas. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko namumuhi ako.

Namumuhi sa kanya.

Walang pasabing pinasok ni zeus ang bahay namin para magkalapit kami. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko tila ba na blanko ang utak ko. Sht Anong ginagawa nya dito kapag nalaman ito ni jared bugbog na naman ang abot ko.

I stiffened when he hold my face and caressed my hair.  Mariin nya akong tinitigan na may awa sa kanyang mga mata.  Bumaba ang hawak nya mula sa aking ulo pababa sa aking mga hamay,  parang tangang nagtatatambol ang puso ko hindi dahil sa kilig kundi sa takot papatayin ako ng asawa ko kapag nakitang narito si zeus.

Ang walanghiyang zeus.

" Ziella.. "

"Z-Zeus a-ano bang ginawa mo dito bawal ka dito" Bakas ang panginginig sa boses ko ng sinabe iyon kay zeus hindi ko maiwasang tignan ang paligid kahit alam kong gagabihin ang asawa ko ay kinakabahan pa din ako.  Pilit akong umiilag sa mga haplos ni zeus sa akin, ang kanyang malalagkit na haplos!

"I don't care ziel, you look sick for pete's sake. Sumama ka na kasi sa akin, ituturing kitang prinsesa sumama ka lang sa akin" hinawakan nya muli ang mg pisngi ko. Pilit ko mang umiwas ay mas malaks sya sa akin. Walanghiya ka! Ang kapal ng mukha mong magpakita saakin matapos mong sirain ang buhay namin!

Ng makaipon ako ng lakas ay lakas loob ko syang sinampal. Walang sinoman ang pwedeng humawak sa akin ng ganyan maliban sa asawa ko! At anong sinasabi nya? aalis? Eh punyeta naman bakit naman ako sasama sa lalaking sumira ng relasyon namin ng asawa ko!

Nakita kong nagtangis ang bagang nya sa ginawa kong pagsampal sakanya. Kulang pa iyan! Kulang na kulang pa iyan sa ginawa ming pagsira sa buhay namin!

"Maliit na bagay lamang yan kumpara sa nararanasan ko dahil sayo zeus" singhal ko sakanya. Tila hindi naman sya natinag muli syang bumalin sa akin na may nanlilisik na mga mata. Napaatras ako sa mga titig nyang nakamamatay mas halang pa ang kaluliwa ng zeus na ito kumpara sa asawa ko! Akma na sana akong hahakbang paatras ay ganoon nalamang ang bikis nya at nahagip ang palapulsuhan ko.

Nagpumilit akong makaalis sa kanya pero higit na mas malakas sya sa akin, nasasaktan mann ako sa paraan ng paghawak nya ay  hindi ko ito pinahalata dahil alam kong sasamantalahin nya ito

A Wife's Moribund LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon