Dying 9 His Assistant
--
Ilang linggo na ang nakakalipas magsmula noong na food poison si jared kaya naman mas naging extra ang pag-aalaga ko sa asawa ko. Sinisigurado kong ang bawat luto ko ay malinis, maging ay bahay ay madalas ko ng linisin ang mga kutsara din ay binababad ko na sa mainit na tubig para sigurado ang seguridad ng asawa ko.
Pero kagaya ng dati lagi nalang galit ang asawa ko. Uuwi syang mainit ang ulo o minsan naman ay lasing, ganoon pa man ay hindi ako nagsawang alagaan ang asawa ko. Isa pa okay na din naman ako dahil na tanggal na lahat ng bandages sa katawan ko.
Nagluto ako ng fried rice at bacon bilang agahan ng asawa ko, pinagtimpla ko din sya ng paborito nyang kape. Hindi ko alam pero masigla ako ngayong araw lumalaki na din kasi ang tyan ko dahil sa maglilimang buwan na ito, kaunti nalang at makikita ko na ang anak ko.
Bahagya akong lumayo sa lamesa ng marinig ko ang yabag ng asawa kong nagmamadaling bumaba, bakit kaya? maaga pa naman. Akma akong papasok sa kwarto ko ng tawagin ako ni jared
"Hoy malandi maghanda ka sasama ka sakin" napalingon ako sa sinabi ng asawa ko na ngayo'y abala sa kanyang pagkain. Bahagya naman akong nakaramdam ng tuwa maglilimang buwan na din akong hindi lumalabas ng bahay kaya naman hindi maitago ang excite mo ko.
"Saan tayo pupunta?" malumanay kong tanong sa asawa ko. Tipid at diretso ang nga salitang ginagamit ko sa tuwing kausap ko si jared ayokong paiinitin ang ulo ng asawa ko gayong madami itong inaasikasong rehearsals at paperworks sa kanilang company.
"Sa trabaho ko" tipid nyang salita. Hindi ko na napigilang mapangiti sa sinabi ng asawa ko sa tingin ko ay unti-unti ng nagbunga ang pagsuyo ko sa asawa ko sana lang ay magtuloy-tuloy na ito.
Tumango ako bilang tugon sakanya at nagmamadaling nag-ayos ng sarili. Finally makakalabas na din ako pero walang tatalo sa sayang nararamdaman ko kasi isasama ako ni jared sa kanyang trabaho! May posibilidad na ipakilala nya ako sa kanyang mga katrabaho!
Inabala ko ang sarili ko sa pagligo at pag-aayos ng sarili. Tama na siguro itong plain t-shirt at plain black maong pants. Wala na kasi akong ibang damit bukod sa mga bestidang pambahay ang iba naman ay itinapon na ni jared namumuhi daw sya kapag suot ko ang mga binili nyang damit kaya ang resulta ay ito nalang ang natira sa akin.
Tuwang-tuwa akong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin dahil sa halata na ang umbok sa aking tyan, sabik na akong makita ang anak ko panigurado ay kamukha ito ni jared. Naglagay ako ng polbo at kaunting lipstic ayos na siguro baka pagalitan pa ako ni jared kapag nag-ayos ako masyado—
—marahas na kumalampag ang pinto sa aking silid dahil sa inip na pagtawag ni jared. Bahagya naman akong nagitla at nagkukumahog na lumabas. Sumalubong sa akin ang inis na inis na mukha ng asawa ko pero kahit ganoon pa man ay lalo yata syang gumagwapo. He's wearing a fitted ripped jeanes and a black t-shirt pinaresan pa nya ito ng itim na sapatos at wayfarers sobrang simple pero ang lakas ng dating, hindi na nakapagtataka kung bakit madaming mga fans ang nahuhulog sa asawa ko.
"Paki dala ang maleta" malamig nyang utas habang di man lang ako tinatapunan ng tingin. Dumako ang paningin ko sa isang maleta at malaking bag na nasa aming pintuan, mukhang mabigat pero walang paspag-aalinlangan ko itong dinala, siguro ay ilalagay nya ito sa kanilang agency dahil ubos na ang kanyang spare clothes ganyan kasi ang ginagawa nya noong trainee days palang nya ako pa nga ang madalas mag-impake ng kanyang nga gamit.....pero noon yon.
Pinatunog nya ang kanyang sasakyan at pumasok na sa drivers seat dumiretso naman ako sa likod para ilagay ang mabigat nyang bagahe sa compartment nitong sasakyan.
"Ano ba? ang bagal bagal mo!" singhal nya akin, hindi ko kasi alam kung papaanong buhat ang gagaein ko dahil sa bigat nitong gamit nya. Hindi pa nakuntento ang asawa ko at bumusina pa ito ng pagka-lakas lakas na syang nagpagutla sa akin.
BINABASA MO ANG
A Wife's Moribund Love
Short StoryA Ziej Llaura Licaroz Story of her dying love for her husband. She lost everything because of him. Everything.. She became the great Ziella the battered wife. Will you love him until nothing was left from you? Is he worth the risk, is he worth the...