Dying 16 Dying
-Ziej Llaura-
Pinahid ko ang luha ko at naisip na magluto nalang ng agahan. Wala namang mangyayari kung iiyak ako maghapon. Hindi naman sya magbabago, alam ko....
Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa bigat ng mga nararamdaman ko. Nasanay lang siguro talaga ako. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay huwag sukuan ang asawa ko. I love jared at wala ng makakapagpabago roon.
Nagising ako banda ala una y media ng hapon. Naglaba muna ako at naglinis ng cr bago naligo, ayaw na ayaw kasi talaga ng asawa ko ang makalat na bahay saka isa na rin ito sa paraan ng paglalambing ko sakanya.
Suot-suot ang daster na palagi kong suot ay lumabas ako ng aking kwarto. Malinis naman ang bahay pero lilinisin ko nalang ulit to, wala din naman akong gagawin.
Inipit ko ang nga takas kong buhok sa likod ng aking tenga at saka nahsimulang magwalis.Hindi ko alam pero sa bawat pasada ko ng walis sa aming tiles ay para bang hiwa sa aking puso. Naaalala ko na naman ang nangyari, ang pambababae ni jared.
Pinahid ko ang luha at nagpatuloy nalang sa pagwawalis. Araw-araw kong iniiyakan ang sitwasyon ko...araw araw akong humihiling na sana, nasa sana'y paniwalaan na ako ng asawa ko.
Nasa gitna ako ng paglilinis nang magutla ako ng biglangpumasok si jared sa bahay at inihagis ang kanyang mga gamit. Taka naman akong napatingin sa orasan alas quatro na pala ng hapon
"N-nanjan ka na pala, maaga yata ang uwi mo?" itinigil ko muna ang pagwawalis at tinuon ang atensyon ko sa asawa kong tinatanggal ang kanyang tie.
Matalim syang tumingin sa akin tila ba bawat salita na sabihin ko ay isang kasalanan. Tumungo nalang ako sa pagkakapahiya, bawat sambit ko nga pala, bawat galaw ko nga pala ay kinamumuhian ng asawa ko
"Magbihis ka aalis tayo"
Napatingala ako at nagliwanag ang mukha. Totoo ba ito? Lalabas kami ng asawa ko? Nakaramdam ako ng sobrang tuwa at hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang buwan na din kasi akong hindi nakakalabas ng bahay
"T-talaga?"
"Wag kang ngingiti-ngiti jan walang nakakatawa"
"K-kung g-ganoon ay magbibihis na ako" malumanay konf sabi pero hindi ko maitago ang saya na naramdaman ko. Lalabas kami ni jared!!
Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko at nagbihis. Isang plain v-neck shirt at leggings lang ang suot ko, lahat kasi ng damit ko ay tinapon ni jared. Pero ayos na ito! Lalabas naman kaming dalawa! Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nag polbo lamang.
Napatigil ako ng mapako ang tingin ko sa salamin. Malalim na ang nga mata kk bagsak ang timbang at punong-puno ng pasa sa aking mukha at braso. Huminga ako ng malalim at pilit na iwinaksi sa isipin ko ang mga bagay na iyon, dapat ay masaya lang ako.
Nagitla ako ng kumalabog ang pintuan ng kwarto ko. Nagmamadali naman akong ayusin ang sarili ko, napaka mainipin pa naman ng asawa ko.
"Andyan na jared!" Lumabas ako at nakita ko ang asawa kong nakakunot ang noo. Hindi ko maiwasang pagkatitigan ang matipuni nyang pangangatawan, broad shoulders handsome face and a seductive body. Napakaswerte ko talaga sa asawa ko.
"ANO BANG TINITIGNAN MO JAN HA?!" Singhal nya. Napatungo naman ako sa malakas nyang sigaw. Eto na naman sya.
"W-wala"
Narinig ko pa ang pagmumura nya bago tumalikod sa akin. Wala naman akong nagawa kundi ang tumungo at sumunod nalang sa asawa ko.
Kagaya ng dati ay doon ako sa shotgun seat nakaupo. Iba din ang ginamit naming sasakyan ngayon, siguro ay para sa katahimikan nya. We're using another car which is cherolet malayong-malayo sa nakagisnang sasakyan nya in public na Mercedes benz.
BINABASA MO ANG
A Wife's Moribund Love
Short StoryA Ziej Llaura Licaroz Story of her dying love for her husband. She lost everything because of him. Everything.. She became the great Ziella the battered wife. Will you love him until nothing was left from you? Is he worth the risk, is he worth the...