Dying 17

71 0 0
                                    

Dying 17 Now or never

Sa dami ng pinagdaanan ko sa kamay na bakal ni jared hindi ko alam kung bakit ang sampal na iyon ang nagpagising sa akin.

Tama na siguro. Ayoko na...

Unang beses kong sumagot sakanya ng ganoon, pero tila ba minaliit nya lang ako....

I'm empty

I'm not sad nor happy.....just...empty

I stared at the white cieling of my room. Iniisip ko kung gaano ako katanga.

Ang sakit lang kasi, na yung taong minahal mo ng higit pa sa buhay mo ay babaliwalain ka lang na para bang isa kang uod sa hardin ng mga rosas.

Hinayaan kong bumigat ang aking talukap at nagpadala sa antok.

Huli na ito, tama na ayoko na. Matapos lang ang event bukas ay titigilan ko na ito...

--

Binuksan ko ang pintuan ng aking silid ng may kumatok rito. Laking gulat ko ng sumalubong sa akin ang isang babaeng nasa mid-40s na.

Nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid at walang bakas na kahit kung sino man. Hindi ko na muling nakita si jared kahapon matapos naming mag-away.

Ayoko na din. Huli na siguro ito..

"Ma'am ako po iyong pinadala ni Mr.Cervantes. Ako po ang make-up artist nyo para sa event mamaya" masiglang sabi nya. Tumango lang ako bilang pagtugon, mabuti nalang pala ay nakaligo na ako kanina.

Dumako muna ang paningin ko sa wallclock ng aking kwarto alas quatro na pala ng hapon at mamayang gabi pa ang launching. Medyo mahaba-haba ang biyahe.

Umupo ako sa aking dresser habang nagpeprepare ang make-up artist sa kung ano-anong mang panlagay sa mukha. Nakahanda na din ang black backless dress ko, hindi naman ito gaanong ka showy pero bumabagay daw ito sa mga buntis.

"Ma'am, ang dami nyo naman hong pasa" sambit ng make-up artist habang pinupunasan ang mukha ko. Napatitig ako sa salaming nasa harap ko, tama nga ang asawa ko tila ba mas bumabagay sa akin ang mga pasa sa mukha.

"Clumsy ako" malamig kong utas.

"Ganoon ba ma'am? Naku! Dapat ay mas mag-ingat pa po kayo lalo na't buntis ho kayo---Ako nga po pala si Brei"

"Ziej Llaura, call me ziel or ziella"

**
[ ZIEJ pronounce as zeyj]
[ LLAURA prounounce as LORA not lawra]
**

"Sige po ma'am ziella....Naku ma'am eh ang ganda nyo po pala lalo kapag nawalan kayo ng mga pasa sa mukha" tapos na akong lagyan ng foundation at hindi ko maipagkakailang umayos nga ang itsura ko with my almond eyes, narrow nose and plump lips nasasabing maganda nga ako, pero lahat iyon nawawala kapag lumapat na ang kamay na baka ni jared sa aking mayuming mukha.

"Ayan ma'am! You look dazzling shimmering!!" Iniikot nya ang upuan at halos mapanganga ako sa sarili kong repleksyo. I am indeed pretty as hell.

"S-salamat brei" mahina kong sabi

"Osya ma'am magbihis na po kayo nag-aantay na po ang driver na kinuha ng asawa nyo para sa inyo" taka naman akong napatingin sakanya, ibig sabihin ay hindi kami sabay?

"Nasan daw si jared? Hindi kami magsasabay?"

"Naku ma'am nandoon na ho sya kanina pa hong umaga. Hindi nya po ba nabanggit sa inyo?"

"A-ah...hindi nakalimutan ko lang kasi" palusot ko. Mabuti nalang at mukhang naniwala naman sakin si brei. Maigi nga din at alam nyang asaw ako si jared hindi bilang amo ko sya. Marahil ay piling tao lamang ang nakakaalam nito na kami'y mag-asawa.

A Wife's Moribund LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon