3 days after break up
Sabi daw hanggang 4 days lang daw ang pagmu-move on,
pag lumampas na dun nag-iinarte ka na lang daw.
Wala pa pala ako sa deadline.So,hindi pa ko nag-iinarte.
It's Saturday morning.
Mag-isa lang ako sa bahay.
Si mom and dad may inaasikaso sa Makati.
Si David naman may practice daw sa school.
Nababagot na ako.
Kaya umalis na ko sa bahay.
Hindi ko nga alam san ako mapupunta sa paglalakad na ginagawa ko.
BEEEP!!!
Tae,wagas maka-busina 'to.
"Uy,saan ka punta?"
Dama nya talaga ako eh.Pag kailangan ko ng kasama susulpot agad sya.
"Oh,Top?Ahm punta ko sa PH."
"Eh di lalo mo lang maaalala yun kung dun ka pupunta?Sakay ka na sa kotse may puntahan tayo."
Oo nga nuh?Tama sya.
Sumakay na ko sa kotse.
Ang linis ng loob ng car.Bango pa.Ngayon ko lang din sya nakita na sobrang porma bukod nung acquaintance ha?
Kahit naka-tokong sya yung uso ngayon at naka-tshirt na may black and white stripes lang sya pero fashionable ang dating.Yung shoes nga din pala nya yung neon color(red).
"Ahm,sa'yo 'tong car?"
"Yap.Ikaw nga unang una kong naisakay dito na girl except my Mom and sister."
Ako ang una?May sister pala sya.
"Kala ko yung Bella.Saka sino yung sister mo?"
"Bat mo nasabing si Bella?Hm,si Ate Tin-Tin yung sister ko."
Tin-Tin?Hala yun ba yung..
"Sabi ni ate ikaw daw yung nakausap nya nung naiwan ko yung phone ko."
"Ah.Oo.Hm,kaya ko pala nasabi na si Bella yung una mong nasakay kasi nakita ko kayo sa parking lot sa mall dati."
"Baliw ka nuh?Red car yun.Black 'to si Asher."
"Asher?"
"Name ng car ko.Hehe."
Arte may pangalan pa yung car.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa festi."
"Ahm,Top gusto ko uminum."
"Sige."
Wow.Pumayag sya.
"Pero mga 4pm na tayo pumunta sa bar maglibot muna tayo."
"Mga 6pm na tayo pumunta."
"Osige.You want to watch a movie?"
"Ayoko."
Wala talaga akong gana gawin ang kahit ano.
Paikot-ikot lang kami sa festi.
Niyaya ko na lang sya sa National Bookstore.
"Umiiyak ka na naman.
L*nghiya talaga wala ka bang ibang alam.
Namumugto mga mata.
Kailan ka pa kaya ikaw magsasawa?
Sa problema na iyong pinapasan.
Hatid sa'yo ng EXboyfriend mo na di mo maintindihan.
May kwento kang pandrama na naman.
Parang pangtv na walang katapusan.
Hanggang kailan ka ba ganyan.
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan.
Ang pagtiyaga mo dyan sa EXBOYFRIEND MONG T*NGA!
Na wala ng ginawa kung hindi ang paluhain ka.
Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y magkasama,
Iilang ulit pa lang kita nakitang masaya.
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya,
Siguro ay hindi nya lang alam ang iyong tunay na
HALAGA."
Yung feeling na bigla na lang sya kakanta.
Kahit alam ko yung pinaparating ng song ay wag kong sayangin ang luha ko kay Renzo at wag ko sya pag-aksayahan ng oras,nakabawas ng bigat ng pakiramdam yung pagkanta nya.
Aaraw-arawin nya ata yung pagharana sa akin.
"Thanks ha?"
BINABASA MO ANG
You're not Mine but I'm Yours
No FicciónFirst time to make a story at nagmatapang pa ako na gumawa ng love story kahit never pa na nakaka-experience the true love thingy.. This story can make you laugh and realize how happy to be inlove :) Hope you like my story.Happy reading :)