Chapter 8

66 1 0
                                    

Haaay,MONDAY na naman.Pasok na naman.Wala naman iba sa araw na 'to.Ganun pa din ang routine sa loob ng room.

Recess na. 

Si Sam naman kinukulit ako kung anung meron daw kahapon.

"Lumabas kami ni top."

"Sinong top?"

"Si Sebastian"

"Ikaw lang kaya tumatawag ng ganun sa kanya."

"Oh?Talaga.Adik talaga yun."

"San kayo pumunta?"

"Sa PowerHouse."

"Eh diba monthsary nyo kahapon ni Renzo?"

During our conversation.May nagvibrate sa bulsa ko.

*bzzzt*

1 new message 

From: Babe Renzo<3

I'll pick you up at your school after your class.

Hindi ko na nireplyan si Renzo.Kasi kahit magreply ako ng kung ano wala naman akong magagawa eh.

Papasok na kami ng classroom,pinauna ko na si Sam pumasok.Nakita ko kasi si Top may kausap ata sa phone.

Malapit ng mag-ring yung bell at magstart na yung next class hindi pa rin tapos makipag-usap si Top. 

Hindi ko na sya inintay,dumeretso na ako sa upuan ko at umupo na.

Pumasok na sya ng room tapos umupo na din sya.Bakit parang may iba sa kanya?Kasi araw-araw simula pa lang ng umaga kinukulit na nya ko eh.

Antagal dumating ng teacher namin kaya kinausap ko muna sya.

"Top,sino yung kausap mo sa phone kanina?"

"Ah.Wala."

Sabay yumuko sya pag katapos nya sumagot.Grabe naman 'to eh,kausap ko pa sya.

Kinalabit ko sya ng maraming beses,wala pa din.Dumating na yung teacher namin kaya hindi ko na sya kinulit.

Tumunghay na sya.

Ilang minuto lang,bigla nyang nilabas phone nya.Tapos nagtetext na sya.

For the first time!Nakita ko syang nagtetext during class hour.

"Bawal yan ah."

Hindi na naman nya ko pinansin.Daig pa nito may period eh.SUNGIT! :-x

Natapos na lahat ng klase namin sa buong araw.Kaya eto palabas na ako ng school.

Si Top medyo nauna ng konti sa akin paglabas.

"SOOOPHIEE!!!"

Hinanap ko yung sumigaw ng name ko. 

Halos lahat hinanap yung sumigaw kahit si Top napatingin.

Tapos nakita ko na lang si Renzo sa labas.Siya pala yung sumigaw.Then naka-smile sya.

Nung nilapitan ko si Renzo at kiniss nya ko sa cheeks.Hindi ko na nakita si Top.

"babe,tara na (: "

Napaisip ako,anung nakain ni Renzo at tinawag nya akong babe ulit at nagsmile na din sya.

Nag-date kami ni Renzo.Biglaang date.Nagdate kami ng naka-uniform pa ko.hehe

Masaya naman ako na unti-unti ng bumabalik sa dati bf ko.Pero hindi pa rin ganun kasaya,kasi hindi mawala sa isipan bat ganun si Top ngayong buong araw.

"babe,is there something wrong?"

Napansin siguro ni Renzo na medyo wala ako sa mood.

"Hatid mo na ko sa bahay.May pasok pa ko bukas eh."

Haaay,TOP.Hindi ko naenjoy date namin ng bf ko kakaisip sa'yo.

You're not Mine but I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon