Chapter 9

619 23 1
                                    

Sunday morning, maaga kaming nagising ni Hero. Ngayon kasi kami pupunta sa Sunday pinasaya. Makikipagkita pa kami kay Gabbi. Gusto ko kasing sabay kaming pumunta doon. I dont know....pero kinakabahan ako. Kasi after 8 years, babalik ako sa lugar kung saan nahubog ang acting skills ko. Pero tinalikuran ko lang lahat. Pero hindi naman sa nagsisisi. Gusto ko ang buhay ko ngayon with Hero. At wala na akong hihilingin pang iba.

"You know what Ate Glai. Sobrang excited na akong bumalik ka sa studio ng Sunday Pinasaya. But I know na ayaw mong ipakita ka sa tv. And I understand why."sabi ni Gabbi. Nasa dressing room nya na kami ngayon. Si Hero na busy lang sa phone nya na naglalaro.

"Thank you. Actually, namiss ko din naman to. Ang tagal na din kasi ehm"sabi ko. Naaalala ko yung mga panahong magkakasama kami sa dressing room. Nagkukulitan. Kwentuhan. Asaran. Lahat namimis ko na.

"Bakit kasi hindi ka pa bumalik sa showbiz? May audition ka Ate Glai sige na. May bagong palabas ngayon eh. At alam ko naghahanap pa sila ng isang karakter na babae. Fit ka doon Ate Glai."mahabang litanya ni Gabbi.

"Glai, okay na ako sa buhay ko ngayon....."

"Pag-isipan mo Ate please."pangungulit nya sakin. Naiiling nalang ako sa kakulitan nitong si Gabbi eh. Haha. "Silence means Yes. Yehey. Aasahan ko yan ha."dagdag nya pa. Hindi na ako sumagot kasi alam ko namang hindi nya ako titigilan. Saming apat na sanggre noon......kahit mahinhin tong si Gabbi sya ang pinakamakulit.

"Love....."napatingin ako sa pumasok. It was Ruru. "Oh Glai. Nandito ka pala."sabay beso nya sakin.

"Inaya ako ni Gab manuod ng SP eh. You know...namiss ko din naman. At tsaka para ma-experience naman ni Hero."

"Good for you. Sana bumalik ka na din."isa pa tong si Ruru eh.

"Yun nga ang sinasabi ko sa kanya love eh. Pumayag na sya na mag auditon."

What? Kelan ako pumayag? Lokong Gabbi to ha. Pinapahamak ako. Nakakaloka talaga.

Nagsimula ang show. Kumakanta si Julie Ann San Jose at Alden Richards. Grabe.... hanggang ngayon nandito pa din sila sa show na to. Napakaloyal. Ang balita ko ni minsan hindi sila nagtangkang lumipat sa ibang network. Pagtapos nilang kumanta sumunod na lumabas sila Ruru at Gabbi na with Ms.AiAi. uma-acting silang mag-iina.

Napansin kong tawa lang ng tawa si Hero sa tabi ko. Mukhang nagustuhan nya ang pagpunta namin dito sa studio ah.

"GUUUUUUYS."napatingin ako sa stage ng biglang sumigaw si Gabbi. Nasa gilid lang kami. "May bumisita satin dito sa studio. For sure. Miss nyo na syang mapanuod sa tv."alam ko na. Gabbi talaga oh.

Lumapit sya sakin at hinila ako sa stage. Narinig ko yung sobrang lakas na sigawan ng mga tao sa loob. Kahit mga writers at directors nakisigaw. Gosh. How I miss this crowd. Sobrang namiss ko talaga to. Kahit yung mga kasamahan ko sa trabaho. After 8 years, narinig ko ulit ang sigawan nila everytime na lalabas kami ng stage. May naririnig pa akong sumisigaw ng pangalan ko. Ang sarap sa pakiramdam. Parang gusto kong bumalik sa showbiz. But hindi pa ako ready for that. At ayaw ko ng isara ang chance if ever man.

"Namiss nyo ba sya? Grabe Ate Glai...sobrang namiss ka namin dito."sabi ni Gabbi sabay sigaw ng mga tao. Sobrang lakas na sigawan na akala mo ay guguho yung studio.

"Hi sa inyo."yan lang nasabi ko. Nakakahiya. Haha.

"Ay. Shy type sya Love. Hahaha."biro naman ni Ruru. "Anyways Guys. Hindi sya nag-iisa...kasama nya ngayon ang kanyang baby Hero....."sabay lapit nya kay Hero. Finucos kat Hero at Ruru yung camera. Lalong nagwala ang crowd ng makita nila si Hero sa monitor. Gosh. Artistahin pala ang anak ko eh. Haha. "Say Hi to them Hero."

"Hi po."sabay ngiting genuine ni Hero at nag-wave ng kamay.

"You wanna join us sa stage? Acting tayo dali."sumama naman si Hero kay Ruru. "Oh Glai, ready tong anak mo sa acting-an ha."

Fixing Our Family | COMPLETEDWhere stories live. Discover now