Chapter 16

601 19 13
                                    

Maybe this time






Nasa gilid na kami ngayon nakapwesto kasama sila Rocco. Katabi ko si Hero na excited sa paglabas ni Marx. Mukhang may alam din tong anak ko sa mga nangyayari eh.

"At magbabalik pa ang Sunday....PINASAYA."




Commercial break muna daw. So I have more time to talk with Marx. Hinanap ko sya sa dressing room pero wala daw sya. Lumabas na daw. Hinanap ko din sya sa ibang dressing room pero wala din. Nasaan kaya yung taong yun? Saglit nalang at mag-uumpisa na naman ang show eh.



Habang pabalik ako ng studio, nakaramdam na naman ako ng sakit sa kaliwang dibdib ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Ganito din ang nararamdaman ko noong nagkasakit ako. Bakit ganito? Akala ko ba wala na? Hindi kaya nagkamali na naman ang doctor? Ayaw kong baliwalain itong nararamdaman ko. Kailangan kong makasigurado. After the show pupunta nalang ako ng doctor. Pero paano si Hero at Marx, sigurado ako na magtatanong ang dalawang iyon.



=



General's POV





"Glaiza, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap ni Hero. Magsisimula na."si Rocco.



"Si Marx?"sya agad una kong tinanong.



"Nasa likod. Hindi mo ba sya nakita?"



"Hindi ko sya napansin."tila nanghihinang sambit ni Glaiza na agad naman napansin ni Rocco.



"May problema ba Glai? Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?"umiling si Glaiza bilang sagot nya. Tumango nalang din si Rocco dahil magsisimula ng lumabas ang mga artista na kakanta sa stage.



Unang lumabas si Julie Ann San Jose na kumakanta ng Destiny.


Sumunod na lumabas si Alden Richards na sya namang kumanta ng God gave me you. Sobra ang tilian ng mga audience sa paglabas nya. Halatang hindi pa din kumukupas ang charm ng binata kahit na nakapareha sya sa iba at hindi sa original loveteam nya.



Sumunod na lumabas si Gabbi Garcia at Ruru Madrid. Sabay silang naglalakad at magkahawak ang kamay habang kinakanta ang Born for you. May pasulyap-sulyap pa silang effect na bentang-benta sa mga GabRu fans nilang nasa studio. Alam na alam na kasi ng lahat ang sa relasyon nila kaya ganun nalang ang suporta nila sa dalawa.



Tila may iba namang nararamdaman si Glaiza sa mga kinakanta ng mga artista. Dama nya ang bawat lirikong sinasambit ng mga ito. Damang-dama habang iisang tao lang ang naiisip nya. Si Marx. Napapasulyap sya kay Hero at nagta-thumbs up ito sa kanya habang ngiting-ngiti. Masaya sya kapag nakikita nyang masaya ang anak. Niyakap nya ito at hinalikan sa ulo.



At sa wakas, ang susunod na kakanta ay si Marx. Solo nya lang ang paglabas. Ang buong akala ni Glaiza ay kasama nito ang ka-loveteam nya sa serye nitong si Rhian Ramos.



Habang papalapit sa harap, kinakanta nya ang Maybe this time. Puro hiyawan at tilian ang mga tao sa studio. Napapangiti naman si Glaiza dahil hindi nya mapagkakailang malakas nga ang karisma ni Marx sa mga babae.





"Go Daddy!! Go."pagcheer naman ni Hero kay Marx na syang kinangiti ng huli.



Kumaway si Marx sa ibang audience na syang lalong nagpatili sa mga fans nya.



Pagdating nya sa chorus, nilingon nya si Glaiza. Napangiti sya ng makitang nakatitig sa kanya ang babaeng pinakamamahal nya.





Fixing Our Family | COMPLETEDWhere stories live. Discover now