Glaiza's POV
Masaya ako sa nakikita ko sa mga oras na ito. Nakikita ko lang naman ang mag-ama ko na nagtatawanan at masaya. Lalo na si Hero. Yes, alam na nya na tunay nyang ama si Marx. Akala ko nga hindi sya maniniwala. Pero....nagulat kami ng bigla nalang syang tumalon kay Marx at mahigpit na niyakap. Hindi nga ako nagkamali....alam kong magiging masaya si Hero.....kung nakita nyo lang kung gaano sya kasaya kanina......
"Hero?"
"Yes Mom? You look so worried po. Why?"nag-aalalang tanong nya sakin. Napangiti naman ako dahil kahit may sakit na sya, ako pa din ang inaaalala nya.
"Nothing baby. May gusto lang akong itanong sayo."tumingin ako kay Marx na nasa kabilang gilid ng bed nya.
"What is it Mom? Ito na po ba yung surprise nyo sakin? Tell me Mom. Tell me."excited si Hero. Nagtatatalon pa sya.
"Hero, wag kang tumalon. Baka mapagod ka na naman. Gusto mo bang mag-alala na naman si Mommy mo?"hawak ni Marx si Hero sa bewang para mapigilan. Umupo si Hero sa bed nya. Nakatitig lang sya sakin.
"Yung.....wish mo tuwing birthday mo."ano ba yan....nakakacurious naman ang tingin ng anak ko. Titig na titig lang sya sakin eh. "Hmmm. You wanna meet him?"
Lumaki naman ang mata nya dahil sa sinabi ko. Anak ko nga ang batang to. Natatawa nalang ako sa naiisip ko. Ayan lang ba ang nakuha nya sakin? Ang mata nya?
"Baby, yung Daddy mo......"
"Sino Mommy? Sino po? Excited na akong makilala sya. Sana katulad sya ni Tito Marx. Mabait.....at mahal ka.....Ooops."sabay takip nya ng bibig. Tumingin pa sya kay Marx.
Natawa naman ako sa reaksyon ni Marx. Pati sya nanlaki ang mata. Gusto nya katulad ni Marx. So hindi na sya mahihirapan na mag-adjust.
"Hero....yung Daddy mo....si"tumingin ako kay Marx. Nakatingin sya sakin tapos tumango. Hinawakan nya ako sa kamay. "Si Tito Marx mo."
Nagulat naman ako sa reaksyon ni Hero. Talagang nagtatatalon sya at kay Marx. "Really Mommy? Si Tito Marx ang daddy ko? Wow. Wala pa yung birthday ko pero natupad na ang wish ko."sabay yakap nya kay Marx.
Nakatingin sakin si Marx habang yakap-yakap sya ni Hero. "Thank you."sambit nya sakin. Naiiyak ako sa nakikita kong eksena ngayon. Finally, buo na si Hero. Meron na syang tatay.....na matagal na pala nyang gustong makasama.
"Si Mommy ba walang yakap?"
Lumapit sakin si Hero at niyakap din ako. Inaya ko si Marx para makisali samin sa hug. "Thank you Mom, Dad..for making my life complete."yung totoo? Bata ba talaga tong si Hero?
"Let's talk."seryoso kong sabi kay Marx. Nakatulog na ulit si Hero kaya kaming dalawa nalang.
Ito na siguro ang chance para malinaw samin ang lahat.
"What about? Akala ko okay na tayo?"
Umupo ako sa sofa at tumabi sya sakin. "Yeah. We're fine. May gusto lang akong linawin....."hindi sya nagsalita. Nanatili lang syang nakatingin sakin. "Ngayong alam na ni Hero ang totoo. Paano kayo ni Max. Baka maguluhan ang bata sa sitwasyon natin."
"Teka. Teka."naiiling na putol ni Marx sa sinasabi ko. Umayos sya ng upo at humarap sakin. "What do you mean paano kami ni Maxene?"kunot noong tanong ni Marx sakin.
"Paano ang relasyon nyo. Paano tatanggapin ni Hero na ang tatay nya ay may ka......"
"Wala kaming relasyon ni Maxene."hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol na naman nya. Pero wait? Totoo ba ang narinig ko? Wala silang relasyon ni Max? "Totoo ang aking sinabi Glaiza. Wala kaming relasyon ni Maxene. Matagal na. At ni minsan hindi kami nagkabalikang dalawa. Totoong nagkikita pa kami. Pero hindi totoo ang nababalitang nagkabalikan kami o nagdidate. Maniwala ka sakin....simula noong sinabi ko sayong mahal kita."hinawakan nya ako sa kamay. "Simula na noon, ikaw na talaga. Wala na akong ibang minahal. Wala na..bukod sayo at sa anak natin."
Gusto kong maiyak sa sinabi nya. Hindi ako nagkamali na patawarin sya at bigyan sya ng isa pang chance. Dahil sa galak na nararamdaman ko, niyakap ko nalang sya ng mahigpit. Sobrang higpit na para bang gusto kong bawiin ang walong taong nawala samin na dapat ay magkasama na kami. Kaming tatlo. Kaming pamilya.
==
Kinabukasan, nakauwi din si Hero. Kailangan nya lang ng pahinga. Buti na lamang at sabado ngayon. Bu monday maaari na syang pumasok sa school. Pero mababawasan ang mga activities na pwede nyang gawin.
"Glaiza, saan to ilalagay?"
Nakita ko si Marx na nahihirapan sa dami ng bitbit nya. May dalawang malaking bag. At may mga paper bags. Nakalimutan ko na syang balikan. Sabi ko ihahatid ko lang sa loob si Hero eh. Pero eto na sya ulit...nasa loob na sya agad.
"Ibaba mo nalang. Sabi ko naman sayo diba, hintayin mo ako sa labas at tutulungan kita."nilapitan ko sya. Kinuha ko yung ibang gamit na dala nya.
"Ayaw kong mapagod ang hara ko."
"Haha. Talagang Hara ha? Seriously Marx, ang tagal na ng Enca. Pero Hara pa rin?"
Lumapit sya sakin. Niyakap ako sa bewang at pinagmasdan nya ang muka ko. "Bakit ko naman kakalimutan ang palabas kung saan ko nakita at nakilala ang babaeng minamahal ko hanggang ngayon."shocks....yung boses nya. Nakakatindig balahibo. Napakagat labi ako ng tignan nya ako sa labi ko. Naiilang ako. Nagawa na namin ang higit sa halik pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Umayos ka nga Glaiza.
Nakita ko...kitang-kita ko sa mga mata nya ang pag-nanais na halikan ako sa oras na ito. Unti-unti....lumalapit ang mukha nya. Konting-konti nalang talaga.....ayan na....ayan na...
"Mommy....Daddy....."
Ayan na ang panggulo.
Nasambit ko nalang sa isip ko.Naitulak ko si Marx palayo sakin. Pinanlakihan ko sya ng mata ng makita ko syang natatawa.
"What are you doing Mom, Dad?"inosenteng tanong ni Hero samin habang pinagsasalit-salit ang tingin samin ni Marx.
"Ikiki......"
"Nothing Baby. Na...napuwing lang si Mommy. Iniihipan lang ng Daddy mo yung mata ko."tumango si Hero.
Pinandilatan ko na naman si Marx. Bakit ba sya natatawa? Kanina pa sya tawa ng tawa. May nakakatawa ba talaga? Mayayari sakin tong lalaking to pag wala si Hero eh.
"Hero....."tinignan ko si Marx. "Ayaw ni Mommy na ikiss ako."sabi ni Marx at nagpout.
Nagkatinginan naman kami ni Hero. "Hoy lalaki......"
"Mom, ikiss mo si Dad please....."
"But Hero....."
"Please Mommy."nagpout na din si Hero. Hays... ang hirap pala nito. Pinagtutulungan na nila ako ngayon palang.
Lumapit ako kay Marx.
Nakangiti ka pang loko ka.
Bago ko sya halikan sa labi may ibinulong muna ako. "Mamaya ka sakin."tapos hinalikan ko sya sa labi ng as in smack lang.
"Ready ako dyan Glai."sabi nya bago ako tuluyang lumayo sa kanya. Nakita ko pa syang nakangiti ng parang nakakaloko. Ano bang iniisip nitong si Marx? Nakakainis!!
![](https://img.wattpad.com/cover/106999764-288-k992155.jpg)
YOU ARE READING
Fixing Our Family | COMPLETED
FanfictionHi this story is for AzPiren fans. Its just a fanfiction story. Hindi po ito totoong nangyayari sa kanila sa totoong buhay. Thanks