Continuation

547 21 26
                                    

Toooooooooooooooooooot













October 6,2025











1:21 am












Time of death









=






"Glaiza......Lovey.....gu-mising ka please. Gumising ka. Huwag kang pumikit. Nandito lang ako."




Parang hindi na kakayanin ni Marx ang nakikita nya. Bumagsak ang isang kamay ni Glaiza. Wala ng malay ang asawa nya. Ang masakit doon ay sa kanya nakatingin si Glaiza bago ito tuluyang pumikit.




"Marx, puntahan mo muna si Hero. Kailangan mo syang makita."si Ruru







Kahit hindi kayang umalis ni Marx dahil ayaw nyang iwan si Glaiza ay tumayo sya para puntahan ang anak nito. Bago tuluyang lisanin ang kwarto ni Glaiza ay tinignan nya ito. Pumikit sya at tila ba ipinagdadasal na gumising ito.




Pagdating nya kay Hero naabutan nya itong wala na ring malay. Lalo pa syang nanghina habang papalapit sa anak.


"Hero? Si Daddy to. Gumising ka na oh please. Gumising ka na. Pupuntahan pa natin si Baby Sky."


Hindi gumigising si Hero. Napahiga nalang ni Marx ang ulo nito sa kama ni Hero. Kung matutuyuan lang sya ng luha ay siguradong wala ng umaagos ngayon sa mata nya. Magang-maga na ang mata nito.


Lumapit ang nanay ni Glaiza kay Marx. Niyakap nya ito. Sa mga panahon na iyon ay tanging suporta ng magulang ni Glaiza ang meron si Marx. Nawawalan na sya ng pag-asa.







=

















"3 years.......... 3 years na simula ng kunin ka sakin. Ang tagal na din no? Pero hanggang ngayon hindi pa din kita makalimutan."

ibinaba ni Marx ang bulaklak sa lupa.

"Paano kaya kung hindi ka nawala? Sigurado ako na......masaya tayo ngayon. Miss na miss na kita. Bakit kasi kailangang umalis ka agad? Kung nandito ka lang...mas masaya sana tayo."

biglang tumulo nalang ang luha ni Marx. Pakiramdam nya ay bumabalik ang nakaraan nya.

"Kamusta ka na dyan? Alam ko naman na masaya ka na kung nasaan ka ngayon eh. Tahimik na ang buhay mo. Bantayan mo kami lagi ha. Huwag kang mag-alala. Ako ng bahala sa sarili ko. Mahal na mahal kita."


Hinaplos ni Marx ang lapida na may pangalang....
























"Crisalda Agustin."





-


"Wow....Daddy ang galing mo naman pong mag-act."niyakap ng limang taong gulang na si Sky si Marx. Nakaupo lang sila sa sala habang pinapanuod ang ending ng show ni Marx. "Sayang hindi po napanuod ni Kuya Hero. Ano po bang oras uuwi si Kuya galing po ng school, Dad?"



"I'm here."sabay na napalingon sa pinto sila Marx at Sky.


Tumakbo si Sky sa Kuya Hero nya. "Kuya, tapos na yung show ni Dad. Sayang po hindi mo na naabutan."sabay yumakap ito kay Hero.

Fixing Our Family | COMPLETEDWhere stories live. Discover now