Glaiza's POV
"Mom, Sky nalang ang name ng baby sister ko please."si Hero.
"Pero Lovey, yung Sky panlalaki eh. Babae ang baby natin diba?"si Marx.
Kanina pa silang mag-ama na nagtatalo sa pangalan ng baby sister ni Hero. Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa. Hanggang kailan ko kaya sila makikita na ganito? Yung masaya lang. Lalo na si Marx.
8 months....8 months ka ng nasa tyan ko Sky. Malapit ka ng lumabas at excited na kaming makita ka. Yun eh kung makikita kita. Sana makasama ka pa ni Mommy kahit saglit lang. Kahit saglit lang.
"Ganto nalang, ako ang mamimili ng pangalan nya ha......hahaha."natawa ako sa reaksyon ng dalawa. Talagang kailangan seryoso sila at nakatingin sakin? "Gusto ko.........Maria Skarlette Ysabelle ang ipapangalan natin sa baby."nakita ko yung ngiting sumilay sa labi ni Marx. "At ang nick name nya is....Sky."dugtong ko.
"Yehhheeeeey."masayang nagtatatalon sa kama si Hero. Pinagbabawalan sya ni Marx dahil daw baka tamaan nya ako.
Napangiwi ako ng makaramdam ako ng kirot sa tyan ko.
"Aaaah."teka. Sumasakit lalo. Napahawak na ako sa tyan ko.
"Glaiza, a-anong nangyayari? A-anong masakit sayo? Manganganak ka na ba?"natatarantang tanong ni Marx. Pero hindi ko sya masyado. Masyado ng masakit.
"Mommy, I'm sorry. Sorry."nakita kong umiiyak si Hero.
"Aaaaaah."
=
Isinugod ni Marx sa hospital si Glaiza. Hindi sya mapakali dahil namimilipit na sa sobrang sakit ang asawa nya. Kahit na anong gawing pakalma ni Marx sa sarili ay walang nangyayari. Habang nasa byahe ay tinawagan nya ang mga magulang ni Glaiza para puntahan si Hero dahil walang bantay sa bata. Tanging mga yaya lang nito ang kasama sa bahay.
Pagdating sa hospital ay agad na ipinasok sa operating room si Glaiza. Nakita ni Marx na maraming dugo sa bandang hita ng asawa kaya naman mas lalo syang kinabahan.
8 months palang lord diba? B-bakit ganito? Bakit kailangan magkaganito?
Umupo si Marx sa upuang nasa gilid ng operating room. Hindi kasi sya pinapasok ng mga doctor doon dahil lubhang maselan ang lagay ng asawa at anak nya.
"Kuya Marx."
Napalingon sya sa mga nagdatingan. Nandoon sila Sanya, Gabbi at Kylie. Maging sila Rocco at Ruru. Dumating din si Alchris.
"How's my sister?"tanong ni Alchris habang nakatingin sa pinto ng operating room.
"I don't know."pinipigilan ni Marx ang emosyon nya. Ayaw nyang panghinaan ng loob. Kailangan sya ni Glaiza. Napayuko sya. "8 months palang. Ang saya pa namin kanina. Ang saya pa namin. Ang dali namang bawiin yung saya namin."naiiyak na sambit ni Marx.
Hinawakan sya ni Ruru at Rocco sa magkabilang balikat nito bilang suporta nila.
"Marx, ipagdasal mo nalang ang sitwasyon ng mag-ina mo. Para maging maayos sila parehas."sambit ni Sanya na nanginginig na din ang boses.
![](https://img.wattpad.com/cover/106999764-288-k992155.jpg)
YOU ARE READING
Fixing Our Family | COMPLETED
FanfictionHi this story is for AzPiren fans. Its just a fanfiction story. Hindi po ito totoong nangyayari sa kanila sa totoong buhay. Thanks