"Teka. Teka lang Lovey."bumitaw si Marx. Pinakatitigan nya si Glaiza. Walang kurap na tinitigan nya ang mga mata ng babaeng kaharap nya. "Se....seryoso ka ba?"nauutal na tanong ni Marx. Hindi sumagot si Glaiza. Napangiti lang ito sa nakitang reaksyon ni Marx. "Ta....tama ba ang dinig ko? Tama ba? Gu.....gusto mo ng mag....magpakasal tayo? Hindi na natin hihintayin ang birthday ni.....Hero?"sunod-sunod na tanong ni Marx.
Hinawakan nya si Marx sa magkabila nitong pisngi. "Seryoso ako Marx. Pagbalik natin ng maynila. Lets get married."
Niyakap ni Marx si Glaiza. "Thank you for making my dream come true. Yung pakasalan ang babaeng pinakamamahal ko."
"I love you Marx."
"I LOVE YOUUUUUU GLAIZA."sigaw ni Marx. Wala na syang pakielam kung may ibang makarinig sa kanya. Ang mahalaga sa kanya ay ang sila ni Glaiza.
=
"Lovey? Lovey, wake up."niyugyog ni Glaiza si Marx. One week na rin after ng makauwi sila galing batangas. Mas lalo pang nanghina ang katawan ni Glaiza.
Pupungas-pungas pa ng mata si Marx ng magising ito. "What's wrong Glai?"tinignan ni Marx ang oras sa phone nito. "3:30 palang. Bakit nagising ka na?"
"Look."pinakita nya ang mga buhok na nasa kamay nya. "N-nalalagas na ang buhok ko. Lovey"tinignan nya si Marx.
Hinawakan naman ni Marx ang kamay ni Glaiza na nanginginig pa. "Shhhh. Huwag kang mag-alala, Lovey. M-magpahinga ka na muna. Paggising natin bukas pupunta tayo agad ng doctor. Magpapacheck up ka ulit ha."niyakap ni Marx si Glaiza. Pilit nyang nilalakasan ang loob nito. Ayaw nyang ipakita kay Glaiza na kahit sya pinanghihinaan na din ng loob. Alam kasi nya na sa kanya at kay Hero kumukuha ng lakas si Glaiza.
Inalalayan ni Marx si Glaiza na humiga. "What if......"napahinto si Glaiza. Ayaw man nyang isipin dahil kahit sya nasasaktan. "What if hindi ako gumaling? Mas lalong lumala ang sakit ko?"
Niyakap ng sobrang higpit ni Marx si Glaiza. "Please. Huwag kang magsalita ng ganyan. Gagaling ka Glai. G-galing ka. Sisiguraduhin ko yan."naiiyak na sambit ni Marx.
=
"We need to take some test sayo Ms.Galura. May nakita kasi kaming some cells sa left breast mo na hindi na talaga healthy para sa katawan mo. Kumbaga sa virus....kumakalat na yung sakit. Kaya ka nakakaramdam ng panghihina."ibinaba ng doctor ang resulta ng test ni Glaiza.
Huminga ng malalim si Glaiza at napatakip ng mukha. Humagulol sya sa pag-iyak. Niyakap nalang sya ni Marx. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Pinipilit ni Marx na huwag maiyak. Ayaw nyang ipakita kay Glaiza na mahina sya. Na natatakot sya.
"I'm sorry. Kailangan kong magpakatotoo sa inyong dalawa."
Lumingon si Glaiza sa doctor with a questioning look. "What do you mean doc?"
"Please sabihin nyo na lahat ng dapat namin malaman. Masyado na kasing masakit doc. Masyado ng masakit."may bigat sa damdaming sinabi iyon ni Marx.
"From stage 2.....Stage 3 cancer Glaiza. Kaya yung mga buhok ay unti-unti na ring nalalagas dahil sa sakit. Kailangan nyong maging handa sa lahat ng gagawing tests and theraphies. May madadaling test. Meron din namang dapat mas maging handa kayo kasi mahirap at masasaktan ka Ms.Galura. Kailangan kong maging honest sa inyo para maging handa kayo."

YOU ARE READING
Fixing Our Family | COMPLETED
Fiksi PenggemarHi this story is for AzPiren fans. Its just a fanfiction story. Hindi po ito totoong nangyayari sa kanila sa totoong buhay. Thanks