Phase 9: Pietro Giovanni Guarneri

2 2 0
                                    

Phase 9: Pietro Giovanni Guarneri

"One bullet is a lifetime supply."

Johanne's POV

Nakauwi na kami dito sa lungsod. Balik sa normal na buhay. Si Julia bumalik na sa eskwelahan. Ang sabi nya na dun muna sya boarding school nya tutuloy. Magdodorm na lang muna sya dahil gusto nyang tumutok sa acads. Pinayagan naman namin sya dahil kung sakaling may masamang mangyari eh may makakarating naman na name card saakin. Madaming nangyari nung nakaraang dalawang linggo naming pamamalagi sa boracay. Nakilala namin kung sino talaga yung babaeng pula. Nakita ko ang nakaraan ni Julia. At ilang beses na din syang muntik muntikang mamatay. Kung kaya't kinakailangan masagip na nya ko para mabuhay na sya ng tahimik at mawala na ang kanyang titulo na "missing soul".

Tumunog yung phone ko kaya agad ko namang tinignan kung sino ang tumatawag. Si Nathan, yung kaclose kong grim reaper din.

"Pare, pinapatawag ka dito sa office ni Thanatos."

"Sige, papunta na ko." Sagot ko at binaba ko na yung tawag.

"Nayari na. Ingat pare!" Sabi ni Alex, naka loud speaker ata yung phone ko kaya narinig nya. Yari na talaga. Nagteleport ako papunta sa office ni Thanatos. Yung Head reaper. Sya talaga yung original na grim reaper.

"Magandang hapon po." Bati ko pagkapasok ng kanyang opisina. Maliwanag dito. Puting puti yung buong kwarto. Pati yung mga gamit puti. Nakakasilaw.

"Maupo ka." Umupo naman ako sa upuan sa harap ng mesa nya.

"Pinapatawag nyo daw po ako?" Tanong ko

"Oo. Dahil nalaman ko ang lahat ng kalokohang pinaggagagawa mo. Sumuway ka sa mga utos. Hindi lang isa, dalawa o tatlo. Apat na utos na sinuway mo..." kalmado nyang pagsabi. Masyado syang kalmado. Hindi ko alam yung mararamdaman ko.

"Pasensya na po"

"Unang sinuway mo ay sa tuwing nakatatanggap ka ng name card ay sinasabi mo ito sa iyong kaibigan na Faery. Pangalawa, sinasagip mo ang buhay ng taong may ari ng name card. Pangatlo, naghypnotize ka ng limang estudyante. Pang apat, nakahawak ka ng kamay, at nakita mo ang nakaraan nito..."

Hindi lamang ikaw ang nakakita ng nakaraan nito. Pati na rin ang may ari ng ala-ala. Babalik sa taong yun ang lahat ng ala-ala nya. Kaya ito pinagbabawal... Bilang kaparusahan, masususpend ka ng isang linggo. At bilang kaparusahan sa paghawak ng kamay, ay ibabalik ko ang alaala mo at magdusa ka sa mga kasalanan mo..." pagpapaliwanag ni Thanatos. Hindi ako umiimik. Nagulat ako sa nakita ko sa mga alaala ko. Ngayon lang naging malinaw lahat saakin.

"Maaari ka ng umalis"

"Salamat po" sabi ko bago ako magteleport pabalik ng bahay. Pumunta ako sa kwarto ni Alex at kinuha yung violin na nakatabi sa tabi ng cabinet nya na puro butingting. Kinuha ko iyon at pinatugtog.

Ako... Ako si Pietro Giovanni Guarneri. Ako yung lalaking lubos na minahal ni Julia. Pinakasalan ko sya. Oo kinasal kami. At buntis sya nung panahong namatay sya. Dalawang buwang buntis. Namatay sya kasama nung anak ko, namin. Dahil sa pagkamatay ni Julia, nasira na yung buhay ko. Simula ng mawala sya araw araw na kong lasing, inaalala ko noon yung mula pagkabata ko. Baby pa lang ako ng mamatay ang parents ko sa car accident, ako lang yung tanging nakaligtas sa aksidente. Then a couple adopted me. Forced me to play violin, expect me to win first place in every recital. Oo gusto ko magviolin but they were way too much. As a child I suffered from depression, stress and extreme broken heart. Nasanay na lang sa ganung pakiramdam nung bata ako. But when I grew up, I met Julia. She's just like me. We were both happy then, I gave my all to her and she does the same way too... But all the happiness was took away from me when she died. Together with my child. Too depressed. Too broken. And that's it. I decided to kill myself with a single bullet. So everyone who commits suicide becomes a grim reaper in afterlife.

Messor Immitis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon