Phase 1: Julia Mari Hale

28 2 0
                                    

Phase 1: Julia Mari Hale

"We all know exactly ­who he is and what he wants. He comes for every person, hourglass in hand, waiting for the last grain of sand to fall."

Julia's POV

~19 years later~

"So the story of The Masque Of The Red Death by Edgar Allan Poe is very metaphorical, symbolizing the phase of life. From birth to death. Overall, the message of the story is whoever or whatever you are, rich or poor, child or adult, we can never escape death..." pageexplain ng professor/teacher namin. Grade 11 kasi ako, pero yung teacher ko ay isa ring professor sa isang kilalang paaralan. Tahimik lang akong nakikinig sa lamesa ko.

Reading and Writing ang subject ngayon, last subject at ang ganda nga naman ng topic, ang galing ng pagkakasulat ni pareng Edgar sa kanyang akda. Kung babasahin mo lang at hindi mo iintindihin, eh hindi mo talaga maiintindihan ang napakagandang mensahe sa kanyang akda. Nailahad nya ang nakakatakot na kamatayan sa isang napakaganda at napakagaling na paraan. Speaking of death...

Naalala ko nung bata pa lang ako. Ayoko talagang maalala yun dahil napakasakit sa damdamin nung nangyari, pero kailangan ko alalahanin para magkaroon ng kwenta yung kwento.

~10 years earlier~

9th birthday ko.

"Happy Birthday to you~ happy birthday to you~ make a wish!" Masaya at masiglang pagkanta ni mama

"Pero ma, wala akong mawish, may birthday cake na ko!" masaya kong sabi kay mama, tanging birthday cake lang ang nais ko, kasama si mama.

"Then blow your candle!" Excited na sabi ni mama, agad ko naman hinipan yung kandila

"Anak..." naging seryoso ang tono ni mama, pero nandoon pa rin ang mga ngiti sa kanyang labi.

"Ma?"

"Mamayang alas diyes. Dalawang minuto mula ngayon. May tatawag sayo, galing sa hospital. Sasabihin nilang naaksidente ako, sabihin mo papunta ka na, makakarating ka dun after 5 minutes. Pupuntahan ka dito ni lola, magpasama ka muna sa kanya okay? Sa may tabi ng telepono, may scarf dun, suotin mo dahil malamig sa labas. Malaki ka na anak. Kaya mo na ang sarili mo, mag-iingat ka palagi, ingatan mo sarili mo dahil binigyan ka pa ng pagkakataon para mabuhay. Hanggang dito na lang ako anak, mahal na mahal ka ni mama..." sabi ni mama sa gitna ng kanyang pag-iyak. Umiiyak din ako kahit hindi masyado nagsisink in saakin yung mga sinasabi ni mama saakin, pero alam ko sa sarili ko na hindi na to si mama... Multo nya ito... Kaluluwa ni mama... Niyakap nya ko, nginitian at saka naglaho...

Masakit. Ewan ko kung gaano kasakit basta alam ko masakit! Namatay ang papa ko noon bago pa lang ako ipanganak. Ngayon, wala na si mama. Ang bata ko pa masyado para mabuhay mag-isa. Wala na kong ibang kilalang kamag-anak na maaasahan sa pag-aalaga sakin. Ang tita ko na kapatid ni mama ay masungit, mataray, at masama ang ugali. Ano na?... ano ng gagawin ko sa buhay ko?!

Maya-maya lang nagring na yung telepono

"Hello po?" Pagbati ko sa kabilang linya habang pinipilit pakalmahin ang sarili ko.

"Eto ba si Julia Mari Hale? Anak ni Lucy Hale?"

"Oo ako nga po"

"Naaksidente ang mama mo, nasa hospital sya ngayon."

"Papunta na po ako." Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko. Kinuha ko yung pulang scarf sa tabi ng telepono gaya ng sabi ni mama at saka ako lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ng bahay ay may bumungad sa akin na isang matangkad na maputing lalaki, nakaitim na coat at nakasumbrerong mukang tanga na kulay itim din. Nakipagtitigan sya sa akin. S-sino sya? May kung anong familiar na pakiramdam na bumabalot sa akin habang nakikipagtitigan ako sa kanya, pakiramdam na hindi ko mawari kung ano...

"Huwag mo syang tignan sa mata Julia!" Agad akong napalingon sa sumigaw, isang matandang babaeng nakapula. Lagi syang nakapula na tila ba yun lang ang nagiisang damit nya.

"LOLA!" Tumakbo ako at saka yumakap sa kanya. Hindi ko sya lola talaga, nakilala lang sya ni mama sa may tulay, nagbebenta ng gulay. Wow rhyme!

"Umalis ka na, wala dito ang nanay nya" sabi ni lola dun sa lalaki na para bang kilala nya ito, pero ang lalaki ay nakatitig lang sa akin na tila ba may malaki akong atraso sa pagkatao nya. Matapos ang ilang sandali ay bigla namang naglaho ay lalaking iyon na may muntangang sumbrero

"Julia, ito para sayo, makinig ka sakin, umalis ka na sa bahay na ito at dun ka muna manirahan sa bahay ng tita mo, ang kapatid ng mama mo. Sa ganung paraan para hindi ka na mahanap ng lalaking yun. Tandaan mo palagi na wag na wag kang titingin ng  derekta sa mata niya." Binigay sakin ni lola ang isang plastic ng lettuce, at saka nya ko binalaan.

~End of Flashback~

Simula ng araw na iyon na pumanaw si mama, nagsimula na kong makakita ng mga maligno, at yung lalaking nakita ko sa harapan ng bahay namin ay ang Grim Reaper...

Pero ang galing lang, akala ko nanay ko yung kausap ko nun, pero multo na pala nya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung swerte nga ba akong maituturing dahil binigyan ako ng kakayahan para makita ang mga bagay na hindi nakikita ng mga normal na tao, o malas ba ko dahil lagi nila akong ginagambala at nagmumuka akong tanga kapag bigla bigla silang sumusulpot at napapasigaw ako sa harap ng maraming tao.

Kung sakali mang magkita ulit kami ng grim reaper na yun, sasama na lang ako sa kanya. Wala lang, ayoko na kasi umuwi ng bahay. Hindi din naman nila ako hahanapin kung sakaling mawala ako, mas matutuwa pa mga sila kung ganun eh. Tsaka ang sabi ng mga multo sakin, ako daw ang makakasagip sa buhay ni grim reaper. Madaming grim reaper sa mundo pero ewan ko lang what made that grim reaper special para sagipin ko right? In the first place that's their fate for being too sinful. Well, sabi kasi nila pag may ginawa kang malaking kasalanan magiging grim reaper ka sa afterlife mo. At mabubuhay ka ng matagal na kumukuha ng mga kaluluwa. Pag ba namatay ang grim reaper susunduin din sya ng grim reaper? Hmmm...

Tsaka bakit ba ang sama ng tingin natin sa mga grim reaper? Hindi naman sila yung pumapatay eh, ihahatid ka lang naman nila papunta sa afterlife, ang bait na nga nila para samahan ka papunta dun. Imaginin mo na lang kung ikaw lang mag-isa. Mga tao talaga napaka eh.

Birthday ko nga pala ngayon. Araw din ng pagkamatay ng nanay ko. Magcecelebrate ba ko o hindi? Syempre hindi. Matino akong anak. Napakalungkot ng buhay ko sa totoo lang. Nakikitira ako dun sa punyetang tita ko na walang ginawa kundi pag initan ako ng pamilya nya. Kala mo ang ganda. Si lola? Ayun, bigla na lang naglaho na parang bula, di na kami nagkita pagkatapos nya ko ihatid sa hospital.

Bibili ako ng birthday cake ngayon. Ngayon lang talaga promise! Kailangan ko lang magwish ng tatlong bagay. Boyfriend, para naman di masyadong malungkot tong buhay ko. Trabaho, para kumita ako at makalayas na ng tuluyan sa bahay ng tiyahin kong panget! At pangatlo... ano nga ba? Guardian? Isang Fairy? Genie? GOBLIN! Naks dokkaebi, kim eun tak! Kim shin! WAHAHAHAHAHAHA shet kenekeleg eng leleng me!

So, nakabili na nga ko ng birthday cake ko. Huhuhuhu mader dear forgive me ngayon lang talaga, desperado na si acqoe. Pumunta ako sa may tabing dagat. Ang sabi kasi ni mama, makakahanap ka ng kapayapaan kapag nakikita mo ang dagat, sa ngayon kasi, hindi mapayapa ang puso't isip ko. Nagdasal ako. Yung taimtim. Yung buong puso.

Papa Jesus, alam mo naman po na mabuti akong nilalang. Hindi po ako nananakit ng kapwa ko. Palagi po akong nagdadasal bago matulog at pagkagising sa umaga. Please po, bigyan nyo po ko ng jowa, trabaho at kaibigan... Yung kaibigang tao po ah, ayoko na po ng invisible sa paningin ng iba. At tsaka yung jowa ko po sana gwapo tsaka tao din. Thank you po father dear, I love you so much huhuhu. Amen.

Pagkatapos ko magdasal ay hinipan ko na nga yung candles. Lalabas kaya si Goblin? Hihihi joke lang. Hays buhay parang life. Alam ko namang imposible yung hinihingi ko pero please lang, gusto ko na talaga lumaya sa bahay ng tita ko.

Makauwi na nga. Tinakpan ko ulit yung box ng cake at saka tumayo at naglakad. *fart* ay shet ang lakas, buti ako lang tao dito. Wala naman amoy eh.

"WHERE AM I?!" Huh? Lumingon ako sa likod ko, kasi doon galing ang boses.

"S-SINO KA?! TANGINA BAT ANG GWAPO MO PAPI?!" M-may... May nakita akong lalaki. Gwapong lalaki to be exact.

Messor Immitis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon