Phase 10: Finale

3 1 0
                                    

Phase 10: Finale

"Honest feeling and bad timing makes the most painful combination."

Johanne's POV

~3 months later~

It's been 3 months since the last night I saw her. 3 months na din akong tambay dito sa cafe ni Alex. Dito nagtatrabaho si Julia after school nya eh. It's been 3 fucking months of loneliness, although nandyan naman si Alex sa pagiging clown nya but it's not enough.

"Good evening po sir. Ano po order nyo?" Lumapit si Julia saakin at tinanong ang order ko.

"Yung usual." I said

"Hindi po ba kayo nagsasawa sa damo at alak?"

"Ano bang specialty for the day?"

"Uhm... blueberry cheesecake..." I dont eat sweets ugh!

"Sino gumawa?"

"Me? The patissier?" Julia by the way studies HRM

"You're not sure?"

"Uhm no. I mean yes. Im sure."

"Okay, I'll have two servings of your specialty" nanlaki naman ang mata ni Julia. Anong nakakagulat? Sinerve naman na nya sakin yung dalawang cake at isang water. Since then hindi na nya ko maalala. She only treats me as one of her loyal customer. Tumatambay ako dito hanggang gabi. Hanggang sa closing time nila. Kung 24/7 lang tong cafe ni Alex, di na ko aalis dito eh.

Kapag tapos na ko kumain ng inorder ko, oorder naman ako ng unlimited beer. Maglalaklak hanggang sa magsarado sila. Iiyak lang ako ng iiyak. Magluluksa. Magsisisi. Paulit ulit lang yun. Araw-araw. Tatlong buwan. Ewan ko kung kelan ko balak tumigil.

Nagkakaroon pa rin ng aksidente kay Julia pero sa mga panahong nakakatanggap ako ng name card nya ay sinusundan ko sya. I know I'm breaking rules pero I don't give a damn. Si Alex naman minsan sinusundo ako dito o di kaya naman sinasamahan nya ko. Magkakilala pa rin sila ni Julia dahil boss nya ito at ang sabi ko lang naman ay AKO lang ang kalimutan nya.

Natagalan ako sa pagkain ko ng cake at nakailang order ako ng pitcher ng tubig. I don't really likes sweets. Busog na tuloy ako agad. Matapos ang dalawang oras ko sa dalawang cake ay pinaligpit ko na ito. Nagpahinga lang ako sandali at lumabas na ko. Its already 9 in the evening. Dapat sarado na sila ngayon. Lumabas muna ko sa cafe nila, sinuot ko yung hat ko para di ako makita ng mga tao at sumilip ako sa loob.

Si Julia na lang lagi ang naiiwang mag-isa sa mga nagtatrabaho dito, yung iba kasi nag-aaral sa gabi at nagtatrabaho naman sa umaga. Si Julia naman ay nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi. Nakita ko sya lumakad papunta sa mesa ko, pinunasan nya yun ng basahan at saka umupo. She rested her face on her both palms na para bang nafufrustate ito. Maya maya lang ay tumayo ito at pumunta sa bar at may kinuha at saka bumalik sa mesa na inuupan ko kani-kanina lang. Nakita ko na may tubig na umaagos sa mga mata nito. Umiiyak ba sya? Inilapag nya sa mesa yung kinuha nya sa bar, yun ay isang kutsilyo? Di ako sigurado dahil medyo malayo rin ako sa kinaroroonan nya. Tinitigan nya yun ng matagal bago pinunasanang luha at saka kinuha muli ang inilapag nito at saka tinutok sa leeg nito. Kutsilyo nga.

Nagulat ako sa nakita ko dahil hindi ko iyon inaasahan, anong rason kung bakit nya gusto magpatiwakal? Agad akong nagteleport sa loob ng cafe at agad pinigilan ang kamay nya.

"Let go of me..." sabi nya. Nakikita nya pa rin ako kahit nakasumbrero ako.

"Huwag mong gawin yan." Seryoso kong sabi. Ngunit mas lalo syang humagulgol.

"I have to..."

"Bakit? Para saan?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Kasi wala naman talagang rason para magpakamatay sya. Wala namang rason... dahil inalis ko na yung rason na yun.

"To save you..." Agad kong nabitawan ang kamay nya sa pagkagulat. Nabitawan nya rin ang hawak nyang kutsilyo at narinig ko ang kalansing nito sa sahig. Inulubog nya ang kanyang mukha sa kanyang palad at bago ito ihayo sa kanyang buhok. Hinakawan ko ang magkabilang braso nito at pinatayo. Hinarap ko ito sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alex told me how to save you. I should kill the most precious one of yours. And I know that's me. I need to kill myself. Bukod kay Alex, I am the most precious to you. From then. Until now. I am still the one you treasured the most." Nakayuko nitong sabi

"W-what? Pero dapat nakalimutan mo na ko! I told you to forget about me! How come you still remember everything when I told you to forget everything about me?" Hindi ko alam kung bakit ko sya sinisigawan

"Yes you did. You told me to forget about you. But you also told me to remember only the wonderful things happened... You are the most wonderful thing that ever happened to me... It's contradicting. So I ended up keeping my memories with you." Lumuhod ito at saka tumayo ulit...

"I love you Gio..." and she stab the knife directly to her heart, agad ko syang sinalo but I was numb, hindi ko na alam kung ano yung mararamdaman ko, walang pumapasok sa isip ko. All I ever did was to cry.

"Julia Mari Hale
October 10 1998 - August 18 2017
Suicide"

"Pietro Giovanni Guarnerri
October 9 1417 - August 18 2017"

Alex's POV

I saw everything. Umiiyak ako habang pinapanood sila. Yes, I did told Julia how to save grim reaper. Akala ko nung unang nakita ko si Julia when she summoned me, It was just a coincidence. But on my way home, I saw Gio, my best buddy, then I said it was fate. Pero habang tumatagal, nung tumira sa bahay si Julia, I knew it was meant to be. Masaya ako para sa kanila, pero minsan nalulungkot ako kapag naiisip ko yung nakaraan nila, of much they both loved each other. Pero inaalis ko na lang yung lungkot kasi kung iisipin its all in the past. Ang importante ay yung ngayon. Magkakasama na ulit kaming tatlo, I am with my best buddy and with his beloved wife. Then I was contented once again.

Pero yung contentment na yun napalitan ng galit at lungkot when I found out that they both have to die to save Gio or Julia will die because she's a missing soul but Gio will forever again suffer.

Galit na galit ako sa mundo kasi ginawa akong Faery o Fairy or whatever you call it, I saved a lot of people since day 1. Pero wala man lang ako magawa to save my best buddy and his wife!

Sana may magmagandang loob na patayin ako. Being immortal is too much pain! I witnessed my best buddy die twice! Now, I am left alone once again. Hihintayin ko na naman yung panahon na mareincarnate sila at magsasama kami, if they became normal people tatanda sila and will die once again. The cycle repeats endlessly. They will be happy once they met each other. I will be happy for them. But in the end ako lang yung magsusuffer. I just want someone to kill me...

I saw a grim reaper recited their names. Lumapit ako at sumamang magteleport sa kanila. I flashed my beautiful smile to Julia and Gio pero deep inside durog na durog na ko. Alam ko nakakabakla lahat ng sinasabi ko, but not all faeries are happy forever. Baka nga habang buhay silang nagluluksa hindi niyo lang alam.

"Alex, Sobra akong nagpapasalamat dahil ikaw yung naging "best buddy" ni Gio. You even named him Johanne which is Gio's favorite musician. Thank you kasi naging best friend na din kita. But I'm so sorry to steal Gio away from you, alam ko ang selfish pero—" I cut Julia's speech. Tinitimpla pa lang nung Grim Reaper yung tea nila so we still have time to talk.

"Wala ka namang kasalanan. Nagmahal ka lang. And fyi, hindi ko pag-aari si Gio." I told her to make her feel better

"Pasensya na pare, iiwan na naman kita. Wag ka mag-alala. Babalik ako at babawi." Sabi ni Gio habang tinatapik ang balikat ko. Nginitian ko lang sya.

"Drink the tea and forget everything." Sabi nung Grim Reaper habang inaalayan sila ng tsaa

"Hindi namin yan iinumin." Julia said with an authoritative tone

"Are you sure? You will suffer in your next life—" Tanong nung grim reaper, choice naman talaga nung tao kung gusto nya kalimutan lahat sa buhay nya o hindi.

"No. I assure you Nathan." Pinutol ni Gio yung sasabihin sana nung Nathan na grim reaper. Nasa gild lamang ako at pinapanood sila.

"Okay then. Paglabas nyo ng pinto, kanan kayo tapos may hagdan dun. Akyatin nyo na lang."

They both smiled at me before they went out. They are gone...

Messor Immitis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon