Epilogue

8 1 0
                                    

Epilogue

"Someone's therapist knows all about you."

Alex's POV

It's been a month nung nawala si Gio at Julia. Nung araw na yun ng umuwi ako, wala. Napahinto ako sa pintuan at tinignan yung kabuuan ng bahay, I feel so empty. Ang laki-laki ng bahay pero nung nawala sila parang mas lalong lumaki yung bahay. Malinis yung mansion. Parang gusto kong guluhin yung buong bahay at magkalat para lumabas si Gio at sigawan ako dahil napakakalat ko. Gio may be a guy pero napaka organized nyang tao. Sa aming dalawa, sya yung laging gumagawa ng gawaing bahay. Maybe because wala syang magawa kapag walang namamatay. Julia on the other hand, sya yung nagpapaingay ng buong bahay na to. She would the speaker on at magpapatugtog, or she would watch tv with a loud volume. Ayaw na ayaw nyang tahimik yung bahay.

It's been a month. And I suffered from depression. Kaya nagpakuha ako ng therapist. Hindi ako kumakain masyado. Hindi ako bumabangon sa sofa. I've never been to my room, kasi nandun yung mga ala-ala ni Gio at Julia. I've never been to Gio and Julia's room either. I've never been outside. Simula nung nawala sila parang nakakatamad na. Tamad na tamad ako sa lahat ng bahay. If you're ever wondering kung ganito din ako nung unang namatay si Gio, hindi. Pinilit ko maging malakas at matibay kasi alam ko there will be a way para magtagpo ulit yung mga landas namin. My therapist is also a faery. He knows a lot about them. He knows well Julia and Gio dahil sa mga kwento ko. My therapist is good. Medyo gumagaan naman yung pakiramdam ko. But not that much.

Today I decided to move on. Dahil kung ikukulong ko yung sarili ko sa kanila, walang mangyayari sakin. Hindi rin naman ako mamatay even if I decided to kill myself. Someone must kill me. I woke up early this sunday morning. Naglinis ako ng bahay, ang dami na ring alikabok since it's been a month nung huli itong mawalisan. Tinanggal ko sa ref lahat ng nag-expired na pagkain. Inayos at nilinis ko din ang kwarto ni Julia at Gio bago ko ito i-lock. Ipapaupahan ko itong mansion ko pero ayokong alisin ang mga ala-ala ni Gio at Julia kaya nilock ko na lang yung kwarto nila. Naligo ako ng maigi at saka nilabhan ang damit kong isang buwan kong suot. Ew. I know. Pagkatapos ko maligo at magbihis ay umalis ako ng bahay para maggrocery dahil wala ng laman yung ref. Bumili ako ng mga karne, chocolates, milks, veggies, snacks, toiletries, beers, wines at madami pa. Pinafull tank ko na din yung kotse ko. Pagkauwi ko ay agad ko naman inayos yung mga pinamili ko, ng maayos ko yun at umupo ako sa sofa. Nasa harapan ko na yung mga bagahe ko papunta sa Paris, France. Oo lalayas na ko dito dahil ipapaupahan ko na nga diba? Binili ko lahat ng ginrocery ko para dun sa uupa ng bahay. Maybe we can party a little and talk tapos aalis na ko. Maya maya lang ay may nagdoorbell. Hindi yun yung therapist ko kasi kaya nya namang lumusot sa pinto. Hindi kaya yun yung client ko na uupa ng bahay? But it's still early. Mag-aalas kwatro pa lang ng hapon, eh ang usapan ay alas singko. Agad naman akong tumayo ng sofa at lumapit sa pinto. Napahinto ako sa harap ng pintuan na yun dahil sa narinig ko na boses. Dalawa sila at tila ba nagtatalo.

"Sa tingin mo ba nandito sya?! It's been a month!"

"Nandito lang yun! Sigurado ako!"

"Eh bakit nakapadlock yung pinto?! Niloloko mo ata ako eh!" Oo nakapadlock yung pinto sa labas kasi... hindi ko din alam...

Kumakabog ng malakas yung dibdib ko... nanginginig ako... di ko alam kung ano gagawin ko... dahil...

Dahil...

Dahil...

Dahil...

Dahil hindi ko alam kung paano ko bubuksan yung pinto dahil nga nakapadlock ito sa labas. Hindi naman ako maari lumusot sa pintuan dahil tao yung mga nasa labas. Baka hindi na nila upahan itong mansion ko. Ano na gagawin ko?!

*dingdong*

Nagdoorbell na naman sila...

Ewan ko na...

BAHALA NA!

Lumusot ako sa pinto at may sumalubong na confetti sa akin... at...

*bang!*

Binaril nila ko...

Putangina...

Someone really killed me...

Be careful for what you wish for...

"WELCOME BACK TO US ALEXANDER!!" At pinagbabaril nila ko. Tinatadtad nila ko ng bala. Putangina.

Nagblack out yung paningin ko at naramdaman ko ang malamig na sahig.

**

Dumilat ako. Nandito pa din ako sa sahig. What the fuck. May mga dugo na nakakalat. Kaluluwa na ba ko?

"HI ALEX! WE MISS YOU!" Napatingin ako sa nagsalita

"J-julia?! G-Gio?!" Agad akong napatayo ng makita sila. Punong puno ako ng dugo. Pati ulo ko dumudugo, zombie na ba ko?!

"Hi pare! Tinaga ka namin ng bala kasi sabi nung deity pag pinatay ka magiging tao ka naaaaa!!"

"YEHEEEEY!!" At nagpasabog na naman ng confetti si Julia

"What?! What are you?! Crazy?!" Pwede naman nila kong barilin ng isang beses lang pero puta yung paulanan ako ng bala?!

"Tao na kami! We didn't went to the afterlife. Nakiusap kami sa deity na kailangan ka namin at kailangan mo kami. So etoooo~" Gio explained. Just what the fuck?

"Tara pasok na tayo sa loob at kunin natin yung bala sa katawan mo!" Hinila ako ni Julia papunta sa pintuan at pinukpok naman ni Gio ng baril yung padlock para masira ito at pumasok kami sa loob ng mansion.


-End-

Messor Immitis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon