Phase 4: Lady In Red

15 2 0
                                    

Phase 4: Lady In Red

"When in doubt. Wear Red."

Johanne's POV

May pangalan na ko! Johanne. Yow-han. Naks. Tunog musician. Out of 600 years of existence finally may pangalan na ko! Masaya ako syempre, hinintay ko mag-umaga para ipaalam kay Julia na may pangalan ako! Sya ang dahilan kung bakit ginawan ako ni Alex ng pangalan!

6:00 am

Pumunta ako ng kitchen para magluto ng almusal ko. Sakto namang pumunta rin si Alex para magluto ng kanyang napaka unhealthy na almusal.

"Kabayo ka ba?" Tanong ni Alex sakin. Yung itsura niya kala mo isa akong nakakadiring nilalang. Hindi damo tong kinakain ko. GULAY TO! GULAY!

"Aswang ka ba?" Ganti ko sa kanya. Puro lamang loob yung kinakain. Puro karne. Kadiri. Ewan ko bat pa nabuhay yan ng matagal.

"Tss" tss mo muka mo!

"GOOD MORNING!! Woooow, sarap naman nyaaaan" nandito na pala si Julia. Naka uniform na sya at dala ang bag.

"Good morning/Good morning" bati namin ni Alex saka umupo sa lamesa dala ang kanya kanya naming pagkain.

"Di nyo ko nilutuan?" Tanong ni Julia, kaya naman hinatian ko sya ng pagkain ko sa plato sa mesa, at hinatian din sya ni Alex ng karne. Hindi maipinta ang itsura ni Julia. Para syang naweweirduhan na natatawa na naiinis na natatouch? Parang ganun. Dali dali naman syang kumain at nagreact pa na tila ba nasasarapan sa pagkain namin. Mas nauna syang natapos kaysa samin ni Alex.

"BYE GUYS PASOK NA KO!" Paalam nya. Saya nya ah.

"Julia!" Tawag sa kanya ni Alex. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa.

"Bakit Alex?" Tanong ni Julia

"You can start working later sa bagong branch ng cafe ko after ng school mo. Ikaw ang magmanage ng cafe." Sabi ni Alex. Nagliwanag naman yung mga mata ni Julia. Iba talaga to si Alex. Yaman talaga.

"OMG THANK YOUUUUUUUU!!!" Sakit sa tenga putcha!

"Oh shit..." seryosong banggit ni Alex. Ano meron?

"Uy grim reaper! Ano nga pala yung pangalan mo?" Tanong sakin ni Julia.

"Johanne" simpleng sagot ko

"Johanne??" Tanong nya na parang iniisip nya kung nagsasabi ba ko ng totoo

"Problema mo?" Tanong ko.

"Johanne, bagay sayo. Bye Johanne and Alex!" Sabi ni Julia at nginitian ako. Pretty.

"Johanne! Psst!" Tawag sakin ni Alex, may sasabihin sana sya kaso,

"GUYS! Bili pala kayo phone! Bye!" Pahabol ni Julia at saka tuluyan ng nagpaalam.

"Phone?" Tanong ko kay Alex

"Magpadeliver na lang tayo ng phone. Order online" sabi ni Alex

"Oh? Okay." Sabi ko at tumayo na para hugasan yung pinagkainan ko. Ganun din si Alex

"Yow han... Nakita ko yung future ni Julia kanina..." seryosong sabi ni Alex, gwapo nya pag seryoso, pero mas gwapo pa rin ako.

"Oh ano nangyari?" Tanong ko sa kanya matapos ko banlawan yung pinggan at ilagay sa lagayan nito. Pumunta kami sa sala saka umupo.

"Si Julia pare... Mamamatay." Seryosong sabi nya

"Ay weh?" Di ako naniniwala, baka pinagtitripan lang ako neto

"Seryoso pare. Nakita ko yung bagong branch ng cafe ko, mamaya, pagkabukas ng ilaw sa second floor ng isang waiter dun, dahil dumadami na yung mga customer ng mga ganung oras, nagspark yung kuryente sa ilaw tapos sumabog. Masusunog yung cafe ko! Ano gagawin natin?!" Inalog alog ni Alex yung buong kaluluwa ko.

Messor Immitis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon