Snow POVUnang gabi ni Scarlet at tanging pamilya muna ang pinayagan bumisita. It's our Family tradition ganito rin kasi ang nagyari noong namatay si Lola. First night is only for our family at kahit nga ang mga kaibigan ni Scarlet ay di muna pinayagan kahit rin si Kleff na Fiancé ng kapatid ko.
Nandito lahat ng angkan namin, lahat sila kahit busy ay pumunta dito bilang bigay galang sa isang 'Ho' na nawala. Nandito rin ang pamilyang Dizon na unang pamilya daw ni Papa. Ang mag kakapatid na sila Zander, Zylie, at Zylary kita ko kung gaano kaseryoso ang mukha nila may pagkakahawig ang mga ito kay Scarlet na half sister nila. Simula kanina di ko pa sila nakitang umiyak lalo na si Zylie kakaiba ang awra nito yung tipong pipiliin mo nalang lumayo kesa makatabi mo siya.
Tumingin din ako sa kabilang dako at doon nakita ko ang mga pinsan ko at mga tiyahin at tiyuhin ko pero isang tao lang ang gusto kong lapitan ngayon at yun ay si Lolo
"Apo... Ang laki mo na"bati sa akin ni Lolo nang puntahan ko siya
"Syempre naman Lo tsaka tignan niyo naman gumanda din ako"pagbibiro ko dahil gusto ko lang din pagaanin ang loob ni Lolo
"Oo nga apo, sayang lang at di ko man lang nakita ang kapatid mo na lumaki kagaya mo. Inunahan pa ako ng batang iyun"pagtutungkol niya kay Scarlet
"Ano ka ba Lo ayaw ni Scarlet ng drama kung nandito yun baka nasimangutan na tayo nun"sabi ko
"Ay oo nga pala ahahaha sige na apo tutulog muna ang Lolo wala pa akong tulog eh"sabi ni Lolo kaya naman inalalayan ko na siya papunta sa guest room
Pagkatapos nun ay bumalik na ulit ako sa chapel at nakita ko na may pinag uusapan sila Flint, Ushan, Dylan, Kleff, Zander, Zylary at Zylie kaya naman lumapit ako
"Ayan na pala si Snow eh so ano na yung ibibigay mo Zylie?"tanong ni Dylan
"This one"sabay labas ng isang kahon, na may nakasulat ng 'My kobtrabida Sister' ? Tss childish..
"Ano naman ang gagawin namin jan?"tanong ko
"This box is full of Scarlet CD, and each CD according to her is her life and she want to give it to you"sabi ni Zylie sabay bigay sa akin
"Huh? W-wait eh ano naman gagawin ko dito? Di naman ako collector ng CD's"sabi ko
"Let's watch it! Together I want to watch Scarlet clips you know I miss her already"sabi ni Ushan
"Good idea, tara sa bahay mas maganda panoorin ito dun"sabi ni Zylary dahil nga malapit lang ang bahay nila dito
Napag desisyunan namin na pumunta doon tapos dumaretso na kami sa movie room...
"This is the last place where Scarlet got her second blackout"sabi ni Zander
Maya maya pa ay may nag flash na video na at may title pa talaga...
"My Seventh b day... Hmm her debut"rinig kong sabi ni Kleff
"Uhm Hi guys!!! This is my first ever secret video, today is my seventh birth day but sad to say there is no party, no cakes, no balloons, and no Mama and Papa!!!" Sabi ng isang bata sa video at sa itsura palang masasabi mo na si Scarlet na ito
BINABASA MO ANG
My Kontrabida Sister [COMPLETED]
HumorPrologue Kay ba ay may ate? yung ate na tipong lahat ng gagawin mo kokontrahin niya,wala na ata siyang nakitang maganda sayo? Well kung meron man,magkakasundo tayo... May ate ako, at kung ako tatanungin niyo,kung gusto ko ba siya....ang sagot ko ay...