This Is Why I Need You

712 24 1
                                    

"That's it for today, Mrs. Ramos. I'm looking forward na sana mas magandang results na po ang makita ko sa next check-up mo." Nginitian ko naman siya.


"Thanks, Doc Madayag. We'll go ahead."

"Sige po, Mrs. Ramos. Ingat kayo."





Naiwan na akong mag-isa dito sa room dahil nakaalis na yung pasyente ko na si Mrs. Ramos. Siya yung last patient ko sa araw na to. I am Maddie Madayag. I'm an opthalmologist. It's been eight years since I've passed the board exam and started working. Sobra kong mahal ang trabaho ko kagaya ng pagmamahal ko sa course na kinuha ko nung college kaya naging madali na lang sakin ngayon ang ginagawa ko.





Since nung namatay si Cole two years ago because of a car accident, gumuho ang mundo ko at hanggang ngayon nagrerecover pa rin. Ikakasal na sana kami nun, kaya sobrang sakit para sakin. Nawala sa isip ko na makipagrelasyon ulit at tinuon ko na lang ang sarili ko sa propesyon ko.


Nag-aayos ako ng gamit ko nang bigla namang may tumawag sa cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot.





"Hello?"

"Uy twinny hindi ka ba sasama sa amin nina Kat mamaya?" Ay si Trey pala.


"Hindi ko alam. Hindi na muna siguro. Pagod ako eh tsaka ang dami kong pasyenteng naasikaso today. Next time na lang twinny."

"Sus naman twinny. Puro ka na lang trabaho. Try to have some fun naman! Tsaka yang next time mo ilang beses na yan ah. Gasgas na yan!"

"Oo promise talaga. Sige na, nag-aayos pa ko ng gamit ko. Enjoy na lang kayo dyan. Bye!"





Alam ko naman yang mga pakulo nina Trey eh. May iba-blind date na naman sila sakin. Dahil nga kaibigan nila ako, gagawin nila ang lahat maka-move on lang ako sa nangyari kay Cole. Gusto lang din naman nilang sumaya ako. Naa-appreciate ko naman yung ginagawa nila para sakin. Pero hindi ko pa rin talaga kayang kalimutan si Cole dahil nga mahal na mahal ko siya.


Nang matapos ko nang ayusin ang gamit ko ay umalis na ko ng room at lumabas na ng ospital at dumeretcho na ng parking lot para makalulan na sa sasakyan ko.


Nagsimula na kong magmaneho nang bigla ko naman maisipang bisitahin si Cole. Tama, dun na lang muna ako pupunta bago ako umuwi ng bahay. Dumaan na muna ako ng convenience store para bumili ng makakain ko.








Nandito na ko sa memorial park kung saan nakalibing ang mga labi ni Cole. Nai-park ko na rin ang sasakyan ko at pumunta na sa puntod niya.


Umupo ako sa damuhan sa tapat ng lapida ni Cole at nilapag ko na rin ang dala kong mga pagkain.





"Hi, love! I miss you. Kumusta ka na sa langit? Ako dito, ayos lang. Sina twinny Trey ayun paparty na naman sa bar. Mga gumu-good time na lang palagi. Niyaya nga ako eh pero di ako sumama kasi ewan ko. Di ko naman feel ang ambiance sa bar. Anyway, kain tayo love oh. Namili ako sa may convenience store kanina."





Nanatili lang ako ditong nakaupo at nakatingin lang sa langit habang inaalala ang mga memories namin ni Cole. Hay, Cole. Sobrang miss na kita. Kung pwede lang sanang maibalik ang panahon, gagawin ko. Kaso hindi naman pwede yun eh. Kailangan ko lang tanggapin.





Nagpaalam na ko kay Cole at tumayo na ko at nagsimulang magpagpag at ligpitin ang pinagkainan ko. Nang may napansin naman akong tao sa di kalayuan na tila parang kinakapa niya ang paligid niya at parang gusto yatang maupo sa bench na malapit na sa kanya. Tinapon ko na muna ang mga hawak kong paper bags sa basurahan at lumapit sa kanya para maalalayan siyang makaupo.





BeaDdie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon