Let Your Heart Hold Fast

1K 26 0
                                    

She is close in giving up finding the right one for her. Parang feeling niya hindi sang-ayon ang tadhana sa kanya every time na may makikilala at mamahalin siyang babae. She is always left brokenhearted. This is too much for her.


"Bea tumigil ka na dyan. Akin na yan." Sabi ni Deanna habang pilit na inaabot yung baso na hawak niya na may lamang whiskey. Nasa bar sila ngayon, mga around 9pm. "Umuwi na tayo." Dagdag niya pa.


"No Deanna. We're not going home yet. Nagsisimula p-pa l-lang yung g-gabi o-oh..." Mabagal na sambit ni Bea na pinipilit pa ring ubusin ang nasa laman ng baso niya. Basically, she's already tipsy.


"Bea please... Makinig ka naman samin, tama na yan." Pagmamakaawa ni Therese sa kaibigan niyang malapit na namang malasing.


"No, Trey... T-tara s-samahan niyo naman a-akong uminom!" Pasigaw na sabi ni Bea sa mga kaibigan niya.


Napa-facepalm na lang si Jho sa sinabi ni Bea. Alam nilang hindi na naman nila mapipigilan ang isang to. Kaya uminom sila't sinamahan si Bea pero light lang. Sinabi na lang din ni Jho kina Therese, Deanna at Ponggay na hayaan si Bea sa pag-inom dahil naiintindihan nito ang pinagdadaanan. Sumang-ayon naman ang tatlo sa kanya.


Kaya lang naman sila nasa bar ngayon ay dahil nagyaya na naman si Bea na uminom kasama ang mga kaibigan niya sa kadahilanang gusto niyang makalimot sa break up nila ng girlfriend niyang si Ej.


"T-trey... B-bakit l-lagi na lang a-akong iniiwan? M-masama ba akong t-tao?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Bea. Agad namang nilapitan ni Trey si Bea at niyakap ito. "No Bea hindi ka masamang tao. Wag mong isipin yan." Sagot naman ni Therese habang hinahagod ang likod ni Bea at pinapatahan.


"E-eh b-bakit g-ganito... P-pagod na k-kong m-masaktan..." Bea unconsciously said. She drifted to sleep after that. Nadala na ng alak. Therese let out a heavy sigh.


Even Therese and her friends are already tired seeing Bea's current state. Every time na may ipapakilala si Bea sa kanila na babae, how they wish they will end up together. Bea has gone through a lot of heartbreaks at kahit sila ay nasasaktan na para sa kaibigan nila. Laging ganito ang setup. Bar, malalasing si Bea, uuwi at babantayan siya at kinabukasan, babalik na naman ang sakit. Sanay na sila, at pagod na rin.


"Ate, nakatulog na si Bea. Tara na, iuwi na natin siya. Ako na magbabayad, mauna na kayo ni Deanna at Jho sa parking lot. Susunod na lang ako." Sambit ni Ponggay na nagpabalik sa diwa ni Trey.



"Sige. Hihintayin ka namin." Pagsang-ayon ni Jho at saka tumayo na at tinulungan si Deanna na alalayan si Bea.





Gumising si Bea na may hangover dulot sa pag-inom niya kagabi. Napasapo naman siya sa ulo niya sa sakit. "Ouuuuuch. I c-can't stand..." Sambit niya. Bigla namang pumasok si Therese na may dalang tray na may basong laman ay tubig, mainit na kape at saka gamot.


"Here, Bei. Drink the coffee first para mahimasmasan ka. Then take the medicine para mawala yung sakit ng ulo mo. Be careful with the coffee, it's hot."

"Thanks, Trey."

"You're welcome."





Little did Bea know, her friends planned a surprise getaway in Palawan for her. It's a big break for her because of the stuff she has gone through, as well as to her friends also.


When Bea was done with her morning rituals, she went down in the dining room to have brunch with her friends. "Oh, Bea. Tamang tama. Let's eat na." Jho said. "How are you?" Tanong naman ni Trey. "I'm fine, Trey. Thanks pala for the medicine and the coffee." Bea answered back. Trey gave her a thumbs up.





BeaDdie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon