Purpose

1.4K 32 0
                                    

Nakalipas na ang apat na taon simula nang mawala si Maddie; and it feels like yesterday. Fresh pa sakin ang mga alaala. Namimiss ko na siya. Namimiss ko na ang girlfriend ko—na sana asawa ko na ngayon.


Flashback


"Uy Bei! Tulungan mo naman akong mag-impake dito oh!" Hala. Ang cute naman ng girlfriend ko. Naka-pout pa, aba. Tine-tempt ata ako ng babaeng to eh!

"Hoy Bea! Wala ka bang naririnig? Ngingisi ngisi ka pa dyan ah!" At ang babaeng ito pinaghahampas ako sa braso.

"Hala uy babe! Ouch! Teka! Aray!" Grabeng sadista ng girlfriend ko no? Pero mahal ko yan. Yuck ang cheesy ko. Ako ba to?

"Eto na eto na tutulungan ka na! Tama na aray!" Grabe kung di ko lang mahal tong babaeng to eh.

Matapos kong tulungan si Maddie ay nahiga kami sa kama para makapagpahinga. Niyakap ko naman siya.

"Babe, wag ka na lang kasing umuwi." Pagpapacute ko naman sa kanya. Sana lumusot!

Binatukan niya naman ako. Aray! Nakakarami na to ah. Pero okay lang mahal ko naman. Ay shet!

"Saglit lang naman ako dun, Bei. Para namang di ka babalikan dito eh." Hinimas niya naman yung parte ng binatukan niya sakin. Hehe ang sweet naman ng Maddie ko. Kinikilig ako.

                    

"Hmm, sige na nga. Kiss mo na lang ako." Nag-pout naman ako. Galawang de Leon syempre!

"Hay nako, breezy mo talaga."

"Sige na. Mamimiss kita eh."

"Wag na magpacute! Kainis."

And then we shared a loving kiss.

I got my own house, my own business and cars pero balewala sakin lahat dahil alam kong may kulang. Kulang ako. Walang Maddie sa tabi ko. Walang Maddie na kasama ko ngayon. I'm half a heart without her.


Flashback


Nandito na kami nina Jho, Therese, Deanna at Maddie sa airport dahil kami ang maghahatid sa kanya pauwing Davao.

                    

"Mag-iingat ka dun babe ah?" Bilin ko kay Maddie.

"Yes Bei. Ikaw din ah? Kain ka on time. Wag magpapalipas ng gutom."

"Opo, boss."

                    

"Ay under naman pala." Singit ni Deanna. Panira talaga ng moment to! Binatukan ko nga.

"Aray naman Bea!" Sinamaan ko lang siya ng tingin at ang loko nag-peace sign sakin. Akala nito ah!

                    

"Uy twinny, pasalubong ah. Hehehe love you!" Aba grabe naman tong si Trey. Di pa nga nakakaalis ang Maddie ko pasalubong agad? Eh di wow.

"Oo na! Grabe ka Trey!" At nag-hug naman silang dalawa.

                    

"Jho, bantayan mo tong si Bea ah. Nako, sinasabi ko sayo Bei." Bilin naman ni Maddie kay Jho. Natawa naman ako.

BeaDdie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon