Prologue:
Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday,
Happy birthday
Happy birthday Andrea
Yehey!
( confetti all over the place)
Yeah birthday ko ngayon. Dito ako sa condo ko nag celebrate. All the people who are closed to my heart ay nandito except for......
....one person.
"Drei, you blow the candles na and then make a wish."
Inilapit ni Amanda sakin ang chocolate cake na maraming candles.
She's my bestfriend.
I closed my eyes at nag wish then binlow ko lahat ng kandila.
Nagpalakpakan silang lahat at ang iba naman naghihiyawan.
I'm so happy kasi hindi nila nakalimutan ang pinakamahalagang araw sa buhay ko.
All of them hugged and greeted me then kainan na! Actually, sila ang nag prepare ng party na 'to. And im so happy to have them.
I checked my wristwatch and it's only 3pm.
I suddenly rushed to my room then took my car's key and my sling bag.
Hindi ko namalayan na sumunod pala sa'kin si mama.
"Oh anak, saan ka pupunta?"
"Sa pinakamahalagang lalaki sa buhay ko ma."
Sinasabi ko 'yan habang may ngiti sa mga labi. ^___^
Lumabas na kami ng kwarto ko.
Humarap ako sa kanilang lahat with my mom beside me.
"Everyone, thank you sa party na 'to. Naappreciate ko talaga 'to sobra. I'll be leaving for awhile at babalik din ako agad. May sisingilin lang akong regalo sa isang tao. Enjoy muna kayo dito. Byeee."
Humalik ako sa pisngi ni mama tas nag wave sa kanilang lahat.
After 20 mins., nandito na ako sa park. Hinanap ko ang kinaroroonan niya at finally nahanap ko din.
"Hi handsome, namiss kita sobra."
Bati ko sa kanya na may kasama pang giggle. hehe
"Asan na yung gift ko? "
Inextend ko yung palad ko sa kinaroroonan niya tas nag pout.
" Alam mo ang daya mo talaga. Ikaw lang ang kulang sa birthday ko. Lahat ng malalapit sa akin at sa'tin nandun lahat sa bahay."
Napabuntong-hininga ako.
" Ang tanda ko na. Three years nalang mawawala na ang edad ko sa calendaryo. haaay. Pero mas matanda ka pa kesa sa'kin. hahaha"
Ayun. Hapon na talaga ako nakaalis dun. Mga three hours din siguro akong nakipag kwentuhan sa kanya.
Ang laki na talaga ng pinagbago ng buhay ko ngayon. Dati isa lamang kaming mahirap pero ngayon, lahat ng gusto ko mabibili ko na.
At nandito na nga ako sa parking area ng building na tinitirhan ko. Pinark ko muna yung kotse then sumakay na sa elevator. Nandun pa siguro sila. Haaaay.
"Wait up!"
Pa close na yung elevator ng biglang may humahangos na lalaking umabot sa pagsara kaya dalawa na kami ang sakay.
"Whoah!" -lalaki
He pressed the 10th floor.
Tumingin sya sakin. Bale nasa gilid lang niya ako.
He smiled at me.
Tsss. Hindi ko sya pinansin.
Ting!
Nasa floor ko na ako. 8th floor. Palabas na sana ako ng bigla siyang nag salita.
"Bye pretty lady"
Duh! Dire-diretso akong lumabas ng elevator. Ba't ba may mga nakakainis na tao sa mundo? Yung tipong papansin? Tssss..
BINABASA MO ANG
He Captured My Heart
Teen FictionAuthor's Note: This is my second story. My first story was My Larcenist Wife <3 Hope you'll like this story. ;-)