06

49 0 0
                                    

Kinaumagahan, maaga pa talaga akong gumising. Bale dito ako ngayon sa stable.

Marami pala ang kabayo ni grandpa. Dalawang babae at apat na stallion.

Kasama ko rin si grandpa at si mang Kinan ang inutusan kahapon ni grandma na asawa pala ni Aling Mafiang.

"Pili ka na ng kabayo hijo."

Pinili ko ang itim na malaking stallion.

"Kaso may pagka suplado ang kabayong yan hijo. Hindi 'yan kayang sakyan ng isang baguhan. Pag sanay kana, pwede mo na siyang gamitin. Yan ang mas mabilis sa lahat ng kabayo dito."

"Yan nalang grandpa."

Ang brown na stallion nalang ang pinili ko. Medyo maliit nga lang sya.

Kinuha na nga ni mang Kinan ang kabayo sa stable niya at nilagyan ng saddle.

Sumampa na ako sa likod ng kabayo at tinuruan ako ni mang Kinan at grandpa ng mga dos and donts about riding a horse.

Sumampa rin sila sa tig-isang kabayo.

Sinimulan ko ng patakbuhin ng mahina lang at naka alalay lang sila.

Ang sarap pala sa pakiramdam.

Hiya!

Bumilis ang takbo ng kabayo at biglang ang layo ko na sa kanila.

Yahooo! Marunong na akoooo. Kahit na medyo kinakabahan ako enjoy naman.

I pulled the rope kagaya ng sabi ni mang Kinan para patigilin ang kabayo at unti-unti na ngang bumabagal at naglalakad nalang nga.

"Good boy." marahan kong hinimas-himas ang kabayo.

Bumalik nalang ako muli kina grandpa. Pero pinalakad ko nalang ang kabayo.

"Ang dali mo palang matuto hijo."

Nakasakay parin kami sa kabayo at naglalakad nalang.

"Good boy kasi ang kabayo na 'to gran. Pwede ba akong maglibot papunta dun?"

Tinuro ko sa kanya ang kakahuyan na may ilog.

"Oo naman hijo. Sakop pa rin niyan ng hacienda kaya safe diyan."

"Ah sige gran. Kukunin ko lang ang camera ko."

Bumaba na ako sa kabayo at iniwan ko muna kina mang Kinan para kuhanin ang camera ko sa kwarto tas bumalik agad at sumampa ulit.

----

Hindi ko na nakita sina gran. Dito na nga ako sa loob ng kagubatan. Itinali ko muna ang kabayo sa isang puno at naglakad lakad habang kumukuha ng picture.

Sobrang ganda ng lugar na 'to at ang lamig pa kahit sumisikat na ang araw.

At naririnig ko na nga ang lagaslas ng tubig. Na excite tuloy ako. Ayos!

Kaya dali-dali kong tinungo ang ilog at napa wow talaga ako.

Hindi lang pala basta ilog kundi may maliit din na falls.

Ang ganda. Ngayon lang ako nakakita ng falls sa personal.

You know, i'm a city boy and i'm not the adventuruos type. Puro building at mga tao lang ang kinukunan ko ng picture.

At ngayon ko lang na appreciate ang probinsya. Tahimik, fresh air at maraming fresh fruits and vegetables.

Kinuhanan ko muna ng picture ang whole place.

Tiningnan ko ang paligid at wala namang ni isang tao.

Ipinatong ko ang camera at cp ko sa isang may kalakihang bato. Hinubad ko lahat ng suot ko at inilagay din sa ibabaw ng bato.

He Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon