Naalimpungatan ako ng katok sa pinto.
Andilim na sa loob ng silid. Kinapa ko yung cellphone ko sa bedside table at tiningnan ang oras.
What?!
Alas otso na ng gabi?!
Dali-dali akong bumangon at binuksan ang pinto.
Bumungad sakin ang may katandaang babae kanina.
"Señorito, baka ginugutom na po kayo. Dumulog na kayo sa hapag kainan at ihahanda ko na ang hapunan nyo."
"Sige po. Ano nga pong pangalan nyo?"
" Aling Mafiang nalang ang itawag nyo sa'kin."
"Okay po Aling Mafiang. Bababa na po ako."
Umalis na siya.
Inayos ko muna ang sarili ko saka bumaba narin.
Naabutan ko sina grans sa sala na nanonood ng TV.
"Good evening grans."
Lumapit ako sa kanila.
"Gising kana pala hijo. Ipinahanda ko na ang hapunan mo. Pagpasenayahan mo na dahil nauna na kaming maghapunan sa'yo. Alam kong pagod ka sa byahe kaya hindi ka na namin muna ginising."
" Okay lang po yun grandpa. Napasarap nga po ang tulog ko eh."
Dumiretso na ako sa kusina at naka handa na nga ang hapunan.
Wow! Andami namang pinaluto nina grans. Mga paborito ko pa talaga. Mauubos ko kaya lahat 'to?
Whoah! Mukhang mawawala ang abs ko dito ah.
BINABASA MO ANG
He Captured My Heart
Teen FictionAuthor's Note: This is my second story. My first story was My Larcenist Wife <3 Hope you'll like this story. ;-)