04

44 0 1
                                    

Pick-up ni daddy ang dinala ko. It's a 5-hour drive papunta doon. Actually hindi ko alam ang exact place ng grandparents ko pero what's the use of a google map? Basta alam ko lang pangalan ng lugar madali lang yan tuntunin. I dont know if how long i'll be staying there.

It's my first time na pumunta doon dahil ayoko talaga sa probinsya. Ang grandparents ko na kasi ang bumibisita sa'min at mga 3 years narin siguro na hindi ko sila nakita.

Sabi pa nila mommy wala daw dun signal at medyo malayo sa town ang place. Oh man! How can i live there? No internet, no bars, no coffee shop and no hot girls.

Iniisip ko palang ngayon, parang babalik nalang ako sa City. Ughh.

Mga tatlong oras narin akong nagda-drive kaya tumigil muna ako sa nadaanan kong restaurant. Medyo province narin 'to pero civilized pa. Maganda rin ang restaurant na'to, malinis at naka aircon pa.

Mag e-early lunch nalang muna ako para dire-diretso na ang byahe. 11 am pa lang naman kaya early pa naman ako makakarating dun.

After an hour, nag drive ulit ako. 2-hour drive nalang. From time to time tinitingnan ko ang cp ko at f*ck! Wala nang signal ngayon. Wala na rin akong internet at hindi ko na ma access ang gmap. Oh man!

Nagtanong-tanong na lang ako. Mga kalahating oras nalang daw at makakarating na ako.

Medyo mga palayan narin ang nadadaan ko. Rural area na talaga.

Nagtanong ulit ako sa mga tao na nagha harvest ng palay.

Thank God at kilala nila sina grans. Binigyan ko sila ng papel at ginuhitan nila ako na parang mapa.

After 2848448 millinium.

Atlast! Dito na ako. Nakita ko na ang kalawanging arc ng Villa Forteza na nagsisilbing gate siguro.

Actually it's my mom's. She said she grew up in this place. 

Pumasok na nga ako. Halos puno ng mga  fruit bearing trees ang paligid. It's like an hacienda. Wala akong nakikitang tao kaya dumiretso nalang ako.

And from here, nakita ko na ang 2-storey old house na gawa sa kahoy. Yan na siguro ang bahay nila.

Bumaba na ako ng sasakyan. Wala man lang ka tao-tao sa paligid. May umuuwi pa ba dito? Medyo creepy kasi eh. Alas tres pa lang naman ah.

Sumigaw ako kung may tao ba. At pasigaw ko rin tinawag ang pangalan nina grans.

Biglang may lumabas nga na isang may katandaang babae.

"Anong kailangan nyo hijo? May hinahanap ka ba?" Lumapit sakin ang matanda na parang kinikilatis ang hitsura ko at may dala pang talong.

Bigla akong napatawa sa isip ko. Sa dami ng dadalhin talong pa. haha

"Ah opo. Ito po ba ang bahay ni Lola Teresita?" pormal kong tanong

"Bahay nga nya ito hijo. May kailangan ka ba sa kanya?"

"Apo niya po ako na taga syudad at magbabakasyon po ako dito. Hindi nga po niya alam na pupunta ako dito eh."

"Ganun ba. Halika hijo pasok ka. Nasa loob si Donya Teresita. Ngayon lang kita nakita dito ah."

Sumunod ako sa kanya papasok sa kabahayan.

"Ngayon lang po ako dito nakapunta."

Gumagamit na ako ng po at opo. Nanibago nga ako sa sarili ko eh. haha. Nahiya lang siguro ako.

At nakita ko na nga si grandma na nakaupo sa tumba-tumba na upuan at parang nananahi.

"Hi grandma."

Tumingin siya sakin at parang nakakunot ang noo. At sa isang iglap biglang parang sumaya yung expression niya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"David apo. Salamat at naka bisita ka dito."

I missed my grandparents so much pala.

Umiyak si grandma at pinipigilan ko lang maiyak. Oh how i hate myself now for not seeing them for 3 years already.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap ni grandma.

"Where's grandpa?" naitanong ko while wiping her tears.

"Nandoon na naman sa kapehan hijo. Hina harvest na nila ang mga bunga ng kape. Ipapatawag ko nalang."

May tinawag siya at isang lalaki ang lumapit. Medyo may katandaan na rin. Nasa late 40s na siguro.

Inutusan ni grandma na iakyat na daw sa magiging room ko lahat ng dala kong gamit. At tawagin si grandpa after.

Nag-usap kami ni grandma while waiting for grandpa.

"Binata ka na talaga apo. At ang gwapo pa. Sigurado akong maraming mga kadalagahan ang mahuhumaling sa'yo dito."

Nagsasabi talaga si grandma ng totoo. haha.

"David apo."

Napalingon ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko at nakita ko si grandpa na humahangos papalapit sa'kin.

"Grandpa."

Sinalubong ko sya ng yakap at tinapik-tapik nya ang likod ko.

"Mabuti naman at binisita mo kami dito hijo. Balita namin ga graduate kna daw."

"Actually grandpa kaka graduate ko lang po two days ago."

" Sayang naman apo hindi kami nakadalo sa pagtatapos mo. Hindi kasi namin alam ang petsa."

"Okay lang yun grandpa. Sa graduation ko nalang sa college kayo babawi ni grandma."

Nagkwentuhan muna kami pagkatapos umakyat na ako sa magiging room ko. Maliligo muna ako at magpapahinga.

Pinagmasdan ko muna ang silid ko. Maayos naman, malinis at may sariling banyo. Wala nga lang aircon pero may standfan naman.

Biglang may kumatok sa pinto at binuksan ko.

"Okay lang ba sa'yo hijo ang silid na 'to?"

"Don't worry grandma okay na okay."

"Ito ang silid ng ina mo noong dalaga pa siya kaya pinananatili kong maayos at malinis parin ito tulad ng dati."

Parang may biglang kumurot sa puso ko ng tingnan ko si grandma. Parang ang lungkot niya habang pinagmamasdan ang loob ng kwarto.

Naaalala niya siguro si mommy. Nag-iisang anak lang kasi ito at ako nag-iisa rin nilang apo. haaaay.

"Oh siya hijo, magpahinga kana muna. Bumaba ka nalang kung nagugutom kana."

"Okay grandma. Thank you."

Humalik ako sa pisngi niya at saka umalis na siya.

Napatingin ako sa glass doors, binuksan ko ito at tumambad sakin ang azotea at ang forest and...what is that? A river? River nga!

It's a nice view and picture perfect!

Buti nalang at dinala ko yung DSLR ko.

Pupunta ako sa river na 'yan tomorrow morning. At sabi ni grandpa tuturuan daw niya ako ng pangangabayo. It's sounds interesting. Never pa kasi akong nakasakay sa kabayo.

At naligo na nga ako. Sobrang lagkit na kasi ng pakiramdam ko.

He Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon