01

71 0 0
                                    

Chapter 1

"Mga pare, quantum tayo."

Katatapos lang nang klase namin sa last subject at nagyayaya naman ang mga  ugok kong kaibigan sa quantum.

Sumama na nga ako. Siyempre mag aarcade na naman kami. Adik eh.

By the way, I'm David Cordova. Sixteen and fourth year highschool na.

At malas ko lang dahil sa kotse ko naman sila sasakay. Mga walang hiya kasi ang mga ugok na 'to eh. Dati may tig-isang kotse yan silang tatlo kaso sumali sa drag race kaya ayun prisinto yung binagsakan. Buti nalang at mayayaman ang mga yan kaya binayaran nalang nila ang mga pulis. At ayun nga, nalaman ng parents kaya ikinuha nalang sila ng driver.

Buti nalang at may photo shoot ako kaya hindi ako nakasama sa kanila. haha

--------

Natapos na nga kaming mag arcade. Mga 500 rin ang nagastos ko.

"Una na ako sa inyo."

May gagawin pa kasi ako. Mag eedit pa ako ng pictures na kuha ko kahapon.

Isa pala akong freelance photographer sa isang photo shop. Actually hindi ako professional. Hobby ko lang 'to at good thing, napagkakakitaan ko rin.

"Daya mo naman parekoy. Tambay muna tayo."

"Some other time nalang. May gagawin pa ako. Umuwi narin kayo kung ayaw nyong ikuha pa kayo ng bodyguard ng mga magulang niyo.haha"

At napakamot nalang sila ng ulo. hahaha.

Ang swerte ko naman dahil puro busy ang parents ko kaya hindi nila ako nababantayan at wala naman silang pakialam sa akin eh.

Sumampa na ako sa kotse ko at pinaharurot na.

Pagdating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Alas sais y media palang naman kaya mamaya nalang ako magdi-dinner.

Tinapon ko sa kama ang back pack ko at binuksan agad ang laptop.

Haaaay, ang dami ko pang ieedit na pictures.

*tok tok tok*

"Bukas yan"

Si Debi ang scholar ng parents ko na anak ng katulong namin.

"Ah Ser Deyb, punta daw kayo sa library sabi ni ser at mam." nahihiya pa niyang sabi.

Nandyan na pala sila.

Hinubad ko yung polo ko at itinapon sa laundry basket saka lumabas na ng kwarto na naka sando.

Pagkarating ko sa library hindi na ako nag abala pang kumatok. Agad na akong pumasok at nabungaran ko silang nakaupo. Naupo na rin ako sa sofa sa harap nila.

"How's your studies?"

Si papa. As usual, yan naman ang palagi niyang tinatanong eh.

Tinatanong niya ba kung kumusta ako? Huh! Never in my entire life.

"Fine."

Yan lang ang nasagot ko.

"In less than a month ga-graduate kna from highschool. And i want you to take Business Administration course."

As expected.

"Okay."

I have no choice but to follow my father's legacy. I'm their only child and wether i like it or not, ako ang magmamana ng mga negosyo nila eventhough photography is what my heart desires.

He Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon