CHAPTER 11:

1.7K 53 0
                                    


-Harry's Point of View-

'Masyado na akong napapalapit sayo at isa pa bampira ka, kailangan ko ring mag-ingat sayo noh'

Remembering what she just told me. It hurt me a lot. I like her or should I say I really love her. Bakit kung kailan mahal mo na saka pa lalayo? Higit pa doon ay kinatatakutan niya ako. She really believe I would hurt her again.

Ayoko na ulit mangyari iyon.

Ayokong makitang nasasaktan si Hera nang dahil sa akin at mula sa mga kamay ko.

"Harry hindi mo ba ako bibitawan?" she said.

"Sorry" I said then release her hand.

I don't know but I want to kill those people who are near her. I know this is too much possesive. "Please h'wag mo na akong iwasan or layuan, wala naman akong gagawing masama sayo, and I'm sorry sa lahat" I sincerely apologize.

"Hindi naman kita ano ah-ano kasi" Hindi siya mapakali, hindi alam ang sasabihin. I suddenly smile at that. Akala niya siguro hindi ko mapapansin ang paglayo niya.

"Payakap nga" I grab her onto me and I think she can't do anything but to keep in silence and feel my love.

"A- -ano nandyan na ba si Mary?" she asked. Nakayuko pa siya habang pinaglalaruan ang daliri niya na parang bata.

Si Mary? Yung maid ko? Ang sabi niya babalik din siya agad pero kahapon pa at hindi parin siya bumabalik hanggang ngayon. Akala ko may bibilhin lang.

"Go to your room" utos ko sa kanya.

Kahit papaano ay napapasunod ko pa siya. Pero hindi ko talaga tanggap ang hindi pagpapaalam niya sa akin minsan. I contacted Mary but she didn't answered it. Maybe she is with her family.

~*~

-Third person's Point of View-

"Master, mukhang unti-unti nang nagugustuhan ng binata ang alaga niya" pambungad ng isang babae na ngayon ay nakayuko sa lalaking pinakamataas at mayaman sa mundo ng mga bampira.

Siya ay si. . .hindi pwedeng sabihin ang kanyang pangalan hanggat hindi mo pa siya nakikita at nakikilala. Ang pangalang nakakapagpangilabot sa tuwing babanggitin ito.

Walang imik ang lalaking nakaupo lang na pinagdikit ang dalawang kamay. Animo'y nag-iisip ng malalim.
Tumingin ito sa babae at ngumisi nang nakakakilabot. Kasabay ng pagpula ng kanyang mata.

"Hayaan mo lang siya, alam niya ang ginagawa niya, bantayan mo lang at ibalita sa akin ang lahat, makakaalis ka na." tanging sambit na tinatawag nilang master.

Tumayo na ang babae at umalis.
Halata sa kanya ang pagkadismaya sa narinig niya mula sa lalaki.
Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga kamao habang papalayo sa teritoryo ng nakatataas.

Malayo na siya sa teritoryo ng nakatataas, ngunit malalim parin ang kanyang iniisip, tila may binabalak na masama. Nagpunta siya sa isang masukal gubat.

May isinuot siya sa kanyang mukha, at tinungo pabalik ang teritoryo, hinarap niya ang mga armadong bampira na sa kanya'y humarang, hindi siya nakilala nito. Ilang saglit pa ay pinaslang nito ang halos kalahati ng bampirang tauhan ng nakatataas at nilisan ang lugar na duguan.

Agad niyang inayos ang sarili saka tumungo sa lugar kung saan maraming tao, kung saan naninirahan ang kanyang angkan.
Luminga-linga pa muna ang babae bago siya pumasok sa isang madilim na eskinita papunta sa kanyang mga angkan.

Angkan na tatapos sa buhay ng mga bampira.

Grupo ng mga babaeng gustong gumanti at mawala ang mga bampira. Inuuna nila ang lahat ng matataas.

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon