CHAPTER 33:

1.6K 36 0
                                    


-Hera's Point of View-

Makalipas ang isang taon na hiwalay kay Harry matapos ang mga nangyari, hindi parin nawala sa isipan ko ang pangako ko sa ama niya, ang Master. Kahit na wala ng problema kailangan ko parin tuparin iyon para wala nang mangyari pa na masama.

Ngayon ay nasa tahimik akong lugar kung saan makapag-iisip ako ng mapayapa at makalimutan ang mga nagdaang nangyari. Kung paano ako napunta dito? Tumakas ako sa kamay nila Ethan at Eyhan matapos ang labanan at sana maintindihan ako ni Harry na hindi talaga kami pwede sa isa't-isa.

Isang taon akong mag-isang nabubuhay at walang inaasahan. May sariling negosyo at kung ano pang pwedeng bumuhay sa akin. Kung saan ko kinuha ang mga dugo? Simple lang, dugo ng mga hayop. Naisipan kong dugo na lang ng mga manok, baboy at kung ano pang hayop na pwedeng pagkuhaan ng dugo. Pero hindi parin mawala sa akin ang pagkatakam at pagkahayok ko sa dugo na minsang nagdulot nang pag-atake ko sa isang bukid. Hindi na muli naulit iyon. Mas sinanay ko pa ang sarili ko na mabuhay kahit walang dugo ng tao.

"Totoo nga ang sinasabi ng mga tauhan ko." Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa hallway na kasalukuyan kong tinatahak papuntang opisina ko.

"Ethan," sambit ko bago siya hinarap.

"Long time no see, baby." Ngumiti ito ng mapait.

Dalawang beses ko na silang tinakbuhan pero heto at nahahanap parin nila ako. Sinenyasan ko nalang siya na sumunod sa akin. Nakarating kami sa office, isang nakakahiyang tingin ang ibinigay niya sa akin. Sobrang tahimik lang kasi.

"For how many times would you like to runaway?" Panimula niya pero tahimik lang akong nakatingin sa kanya. "Mr. Montereal is waiting for you. He's crazy thinking of you right now," sabi niya pa.

Bakit ba hindi niya ako maintindihan?
Ipinaliwanag ko naman sa kanya pero bakit ganoon. Hinahanap niya parin ako?

"Ethan."

"Successful huh?" Inilibot pa ang kanyang paningin sa office ko. Mabilis ang paglago ng negosyo ko kasing bilis ng takbo ko.

"Paki sabi na hindi mo ako nakita. Tell him too that you don't know where I am," madali kong sambit sa kanya. Halata na rin sa kanya ang pagkabagot at irita.

Tumayo lang siya na walang kagana-gana at tumalikod. "Bakit mo ba ginagawa ito Hera? You shouldn't be here at all times, Paano kami ni Eyhan na gusto ka?" Muli siyang humarap sa akin. "You're right Hera, we care about you and I hope you'll understand us." Tuluyan na itong lumabas.

Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin. Kailangan ko na nga sigurong bumalik, pero paano ko sisimulan? Paano kung galit sa akin si Harry? Paano kung hindi na niya ako tanggapin? Paano kung wala na talagang pag-asa?

"Ma'am, may bisita po kayo." Puro pag-iisip lang ginagawa ko. Paano kung hindi na?

"Ms. Jacobs."

Kailangan ko lang siguro na irelax ang sarili ko. Hindi ako pwedeng bumalik kaagad dahil hindi ko alam ang maaaring gawin ni Master kay Harry. Ayaw kong mangyari iyon.

"Ms. Jacobs." Napatingin ako sa nakakatakot na boses ng nagsalita. Ang bampirang boses palang ay nakakatakot na, ang bampirang may hawak sa lahat ng buhay ng mga bampira.

"Kanina ka pa po diyan?" tanong ko sa kanya. Kahit medyo naiinis ay inaya ko parin siyang paupuin.

"It seems like you remembering someone, Ms. Jacobs?" Nakangising tanong nito. Bawat pagdedepina ng kanyang mukha mula sa sulok hanggang sa kanyang mga mata ay katatakutang talaga.

"Master ano ang ipinunta niyo rito, hindi ko na giunugulo ang anak niyo." Isang seryosong mukha lang ang ipinakita niya sa akin.

"I know Ms. Jacobs, and I'm sorry for what I'd told you. That command is for my son to let you go. I don't want my son die for you, like he wanted to do before," he said in a low voice.

"Naiintindihan ko p- -"

"Please go back to my son, Ms. Jacobs." May kakaunti paring pagtataka ang gumugulo sa utak ko. Bakit? para saan pa at babalik ako? Yung una nagsorry siya tapos ngayon pababalikin na niya ako. "I know this is sound crazy but I want you be with my son." Nag-alala naman ako dahil baka may nangyaring masama sa kanya kaya pinapabalik na nila ako.

' Mr. Montereal is waiting for you, He's crazy right now'

"S-sige po, Master," pagsang-ayon ko. Bumuntong hininga ako bago ko siya tinignan.

"Master Devogne(de-vo-ni)." Unang beses kong narinig ang pangalan niya mula sa kanya. Ano ba ang nangyayari sa ama ni Harry at nagbabait-baitan na tila anghel?

"Dad matagal pa ba iyan?" Nakita kong pumasok yung. . . teka iyan ang step-brother ni Harry ah.

"Nice meeting you again." Ngumisi lang ito sa akin, katulad ng dati. Minana niya ang nakakatakot na taglay ng kanyang amang bampira.

"We have to go, Ms. Jacobs. Thank you." Naglaho sila sa harapan ko.

Hindi ko alam ang mukhang ihaharap ko kay Harry. Matapos ang isang taon ay babalik ako? Ano pang kahihiyan ang maitatago ko? Sa huli inisip ko parin ang huling pakiusap sa akin ni Master Devogne. Ang kailangan ko lang ngayon ay lakas ng loob.

Napagpasiyahan kong pumunta kung nasaan si Harry. Ang dati kong tinitirhan. Ang mansyon na binigyan ako ng memories. Ang mansyon na nagturo at naging saksi sa akin para mas makilala at mahalin si Harry.

Nang makarating ako roon ay maigi ko itong pinagmasdan. Sinisipat ang bawat sulok ng mansyon kahit nasisinagan lang ito ng buwan. Dahan- dahan akong lumapit sa pintuan. Nagdalawang-isip pa ako kung ako'y kakatok na o hindi pa. Pinili kong buksan na lang ang pinto at pumasok sa loob. Pagkapasok ko, pinagmasdan kaagad ang madilim na paligid. Anong nangyari rito? Nagmukha itong hunted house dahil sa dilim.

Pinakiramdaman ko ang paligid kung sakaling may presensya akong maramdaman. Dinala ako nito patungo sa dati kong kwarto. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang nakaupo sa higaan na si Harry.

"Harry," tawag ko.

Tinignan niya ako ng may lungkot sa mata. Kaagad aiyang tumayo at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hera."

"I'm sorry kung iniwan kita," sabi ko sa gitna ng aking paghikbi.

"I pleaded you to understand all," mahinahon niyang sambit sa akin. Para akong kinokonsensya dahil sa inaakto niya ngayon.

"Pasensya na, kailangan kong gawin iyon kasi, ano-" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang saglit niya akong halikan.

"Dad told me everything. He apologized and I think it's time for us to move on about what had just happened." Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang ipinapaliwanag ang lahat.

Paano nangyari ang mga ganito? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa lahat nang pinagdaanan ay ito ang pinaka napagtagumpayan namin.

"Will you, Hera Jacobs marry me?" tanong niya sa akin.

"Kasal kaagad?" Kumunot ang noo niya nang sabihin ko iyon. Bakit may masama ba akong nasabi?

"I thought you want me to marry you," seryosong tono niya.

"I love you, Harry. And yes, I will marry you, sweety." Gumuhit sa kanyang mga labi ang ngiti na hinihintay ko. Ngiti na nagpapakilig sa akin, at ang ngiti na nagpapahiwatig na mahal niya ako.

Mga ilang gabi pa ang lumipas bago kami nakabalik sa pagpasok. Palagi na rin kaming dinadalaw ni Master Devogne sa tuwing may oras ito.

"You will be the Queen and King of the Vampires, we, together with the Vampires Huntresses decided that," sabi ni Master Devogne. Tahimik lang kami ni Harry na nakikinig sa kanyang ama. "What can you say my son?"

Tumingin muna sa akin si Harry bago muling ibinalik sa kanyang ama. "We will." Mariing hinawakan ni Harry ang kamay ko kaya't napangiti ako bigla.

"Well, good. By the way, I have to go." Tumayo na kami para ihatid na sa labas ang kanyang ama.

"Paano ba iyan hindi ka na pwedeng tumanggi, my wife." Nakangising sambit ni Harry sa akin. Kinurot ko lang siya sa tagiliran dahilan para matawa siya nang malakas.

Published: May 15, 2017

Revised: August 13, 2017

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon