CHAPTER 32:

1.3K 34 0
                                    


-Hera's Point of View-

"Please kailangan ko lang na sunduin si Tita Jing," pagmamakaawa ko pa na kahit na anong pilit ko ay ayaw parin nilang pumayag.

"Hera, please. She was an ancienter, a Dracula. She can protect herself but you? Dito ka na lang," ani Ethan.

Paulit-ulit lang ang mga pangungulit ko, pero tinatapalan din niya ng mga pauli-ulit na pagbabawal at dahilan. Pati rin si Harry ay pinagbawalan ako bago siya umalis. Hindi ko naman siya asawa o kahit na anong relasyon o ay wala kami. Mayroon lang kaming koneksyon. Ano ang gagawin ko roon sa koneksyon na mayroon kami?

"Kahit na, matanda na si Tita Jing. Maaaring hindi niya kayanin." Paiyak na ako at hindi ko na mapipigilan ang galit ko kung hindi niya talaga ako papayagan.

Halos ilang araw na akong binabantayan ni Ethan at Eyhan. Hindi na sila natutulog, ganoon naman talaga ang mga bampira. Maliban nalang kung gusto talaga nilang magpahinga. Napatigil kaming dalawa nang may sumira sa pinto at harasang pumasok ang mga armadong babae at lalaki. Napaatras kaming tatlo. Lumingon-lingon pa kami para makita kung gaano karami ang mga kalaban. We use our abilities para makalayo sa bahay ni Ethan.

"They're so aggresive, we have to be alert." Palinga-linga si Ethan matapos kaming makalabas sa bahay.

Marami akong naririnig na mga yapak at tunog ng mga armas. "Sumunod kayo sa'kin may alam ako kung saan tayo ligtas," utas ko. Tinungo ko ang bahay ni Tita Jing, sinundan lang ako nila Ethan at Eyhan.

Kalmado lang ang buong bahay. Pumasok ako at tinawag ang pangalan ni Tita Jing, ni anino ay wala akong nakita. Nadatnan kong nakatingin sa sahig sila Ethan kaya't napatingin din ako roon. May ilang mga patak ng dugo sa paligid at abo na hugis ng isang tao.

Alam kong tama ang pumapasok sa utak ko pero. . .
Hindi, hindi pwede mangyari ito.
Hinaplos ni Ethan ang likod ko, napaiyak ako dahil wala na si Tita Jing, ang itinuturing kong ina, wala na. Napalitan nang pagsiklab ng galit ko ang lungkot na nadarama ko. Hindi sila makatarungan. Paglabas namin ng bahay ay maraming nakapaligid na Hunters hindi na sila puro babae, may kasama naring mga lalaki.

"H'wag natin silang patayin. Please lang Ethan, Eyhan patulugin lang natin okay?" Tumango lang sila pareho.

Isa-isa namin silang pinatulog. Si Eyhan naman ay ginamit ang ability niya para utusan ang iba na bumalik sa kani-kanilang pamilya. Sa ganoong paraan ay hindi na namin sila kailangang masaktan o mapatay.

"Yes Hello? We're fine. Okay bye." Mga narinig kong sagot ni Ethan sa tumawag sa kanya.

Hinawakan niya kami ni Eyhan nang walang binibigay na eksplinasyon at sa isang iglap ay nasa ibang lugar na kami. Kitang-kita ko si Harry na nasa gitna ng maraming armadong tao. Napansin kami ng ilang mga armadong babae kaya agad nila kaming pinalibutan at pinagbabaril. Hindi ko alam kung mga tanga o baliw ang mga ito. Nakaiwas kami agad at ginamit namin sa kanila ang ability to persuade. Lahat sila ay sumunod lang at iniwan kami.

"Well, well talo talaga kami kung ang kalaban namin ay may mga kapangyarihan," sambit nang nakapamewang na babaeng papalapit sa amin.

Para kaming nasa isang malawak na battle field at siya ang kontrabida na biglang susulpot sa kung saan. "Sheriaa." Ang babaeng napakasama at walang konsensya.

"You! Harry. Stene. Montereal. Because of you bastard, my sister died! At kung hindi dahil sa pakialamero mong ama sana nandito pa ang kapatid ko!" Dinuro-duro pa niya si Harry na ngayon ay nagtataka na.

Sa lahat ng bampira siya na lang ang walang alam sa mga nangyari noon. Pinuntahan namin si Harry, maya-maya pa ay nagsilabasan na ang iba pang mga armadong babae't lalaki na pinamumunuan ng babaeng ito. Sobrang dami na nila halos palibutan na kaming lahat. Bantay sarado ako sa tatlong lalaki na 'to.

"Kahit kailan maswerte ka parin Hera. Before you were a human like me, but now you're such like them pero duwag ka parin!" Nainsulto ako sa sinabi niya.

Hindi dahil pinoprotektahan ako ay duwag na! Kapag ako nakawala sa tatlong ito malalagutan ka sa'kin ng hininga. Walang mga senyales na nangyari, walang anu-ano ay sinugod kami ng mga kampo ni Sheriaa. Ni hindi na nila magamit ang kakayahan nila kaya walang choice kung 'di ang lumaban at pumatay. Masyado silang marami para utusan. Humanap ako ng tiyempo para makatakas sa pagbabantay nila sa akin. Agad kong kinuha ang pagkakataon nang magkalayo-layo sina Harry, Ethan at Eyhan.

Mabilis ang bawat galaw namin, marami narin ang dumating na ibang bampira. Nakatuon lang ako sa papaalis na si Sheriaa. Iiwan niya ang hukbo niya at uupo at panunoorin ang pagkamatay ng mga ito? What a life Sheriaa, napakaduwag.

"At saan ka naman pupunta?" Nagulat siya pero agad din naman niya itong pinalitan ng isang matapang na mukha.

"Oh ikaw pala Hera, akala ko mananatili kang magtatago sa likod ng tatlong iyon," pang-aasar pa nito.

"Itigil mo na ito Sheriaa, utusan mo ang mga tao mo na itigil na ito. Wala kang mapapala darami lang ang mga taong mamatay!" Tinitignan niya lang ang mga kuko niya, ipinapahiwatig na wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko.

"Wala akong pakialam, ang gusto ko lang ay makaganti sa lalaking iyon!" Sinugod niya ako ng kutsilyo, 'buti nalang at naiwasan ko iyon kung 'di baka namatay na ako ng maaga.

"Tumigil ka na." Mabilis ang mga pangyayari hindi ko alam na nasaksak na siya sa may bandang dibdib. Paano ko nagawa iyon?

"H-halimaw ka!" Nakita ko nalang ang sarili ko na may hawak ng kutsilyo, nabitawan ko iyon.

Nalalanghap ko ang amoy ng sariwang dugo na nagkalat sa hangin, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naghalo ang galit, takot at ang pagkauhaw.

"Control it Hera!" Tanging narinig ko bago ako lamunin ng kapangyarihan ko.

Hindi ko alam ang mga ginagawa ko pero ang alam ko lang ngayon ay masaya ako. Bawat dugo ay inubos ko, sobrang saya ang nararamdaman ko.
Parang pinuno lahat ng pagkauhaw ko ngayon. Nakarinig ako ng isang pitik mula sa lugar ng utak ko kaya't natauhan ako. Napabagsak ako ng may sumampal sa akin. Nagising ako sa katotohanan. Kitang- kita ko ang sarili ko na punong-puno ng dugo.

"Are you alright sweety?" Hindi parin ako makapaniwala na nagawa ko ang lahat ng iyon. Halos lahat ng kalaban namin ay wala ng buhay, hinanap ng paningin ko si Sheriaa. . .si Sheria wala na ring buhay.

Anong ginawa ko!

"It's okay Hera, let's go home." Pero bago kami maglakad ay may narinig akong pagkasa ng baril.

"No!" sigaw ng babae.

Isang babae ang yumakap sa likuran ni Harry. Umalingawngaw ang putok ng baril.

"A-aira?" Si Aira ang sumalo ng bala na ipinaputok ng isang babae. Tumama sa kanyang puso ang kakaibang bala. Naging abo ang kaninang katawang tao na nakahandusay.

"She's gone." Malungkot na sambit ni Eyhan.

Ang mga natitirang mga kalaban ay kinontrol nilang tatlo, si Ethan, Eyhan at Harry. Hanggang sa kami nalang ang naiwan sa malawak na lugar na ito. Rinig ang malakas na ihip ng hangin mula sa palalim na gabi.

"Almost done," bulong lang ni Harry.

Tapos na nga ba ang lahat? Hindi parin ako mapakali kung tapos na nga ba ang mga maaaring masamang mangyari. Hindi ako nakasisiguro, kailangan parin naming mag-ingat.

Published: May 15, 2017

Revised: August 12, 2017

Her Knight In Shining Fangs [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon