o n e

693 18 1
                                    

"TIN-TIN!"

Mabilis na napamulat si Elystine mula sa saglit na pagkakahimbing nang maramdaman niya ang mahinang mga tapik ng kaibigang si May sa kanyang braso. Napamulat siya at saka napatingin sa paligid. Nasa loob pa rin sila ng bus na sinakyan patungo sa *Lucban, Quezon na siyang lugar na napili para sa kanilang literary field trip sa pangunguna ng propesor nila sa Philippine Literature na si Ms. Sarah Evangelista.

"Have we landed?" Tanong ni Tin at saka minasahe ang leeg na tila nangalay sa layo ng binyahe nila.

Natulala si May sa tanong niya. "Bes, hindi tayo lumipad." Seryosong sabi nito. "Ano? Naalog ba utak mo habang nasa biyahe tayo?!" Nag-aalalang tanong ni May sa pagkakataong ito. Tila namutla pa ang dalaga dahil sa napagtanto. "Maw lagi akong giingon!" ('Yan na nga ba ang sinasabi ko!)

"Huh?" Usal ni Tin na hindi na pinansin ni May sa puntong iyon.

"Kulit mo kasi e. Patay ako sa nanay mo nito, sana talaga di na ako pumayag na sumama dito." Mangiyak-ngiyak na bulong nito. "Halika na, bumalik na tayo sa Manila."

Natawa naman si Tin na noon din ay nabalik na sa ulirat at napagtanto na ang dahilan ng paranoia ng kaibigan. "Bes, chill. Ano ba? I'm totally fine. Kagigising ko lang naman kasi kaya pasensya."

"Tawagan mo na si Mama Bear, bes. Naloloka ako sa'yo." Wika ni May. Wala naman talaga sana siyang balak na sumama sa field trip ng klase nila dahil nais niyang samantalahin ang tatlong araw na tour para umuwi sa Davao dahil bibinyagan ang pamangkin niya. Kaso ay nakiusap nga ang nanay ng matalik niyang kaibigan na si Elystine kung pwede ba siyang sumama sa field trip dahil na rin sa wala itong ibang kasama na close friend niya.

Kung hindi kasi makakasama si May ay hindi rin papayag ang Mama ni Tin na sumama siya sa field trip na ito unless isama ni Tin ang isa sa mga Ate niya na sobrang dyahe naman kapag nagkataon. Dahil na rin sa pamimilit ni Tin sa kanya (tatlong araw lang naman siya nitong kinulit na sumama) ay napapayag na rin si May sa huli. Kasama naman daw ang crush niyang si Stephen kaya laban na rin.

"Hey don't stress yourself too much." Pakiusap ni Tin.

Napabuntong-hininga si May. "Stop acting like you know my pain." Bitaw ni May ng linyang pinasikat ni Daniel Padilla sa huli niyang pelikula.

"What? Hahaha! Stop it, bes. You don't need to worry. I'm a big girl already. Ano ba?"

"Wow. Big girl. Big baby girl 'ka mo. E ni ayaw ka pa nga payagan ni Mama Bear sa field trip na 'to. Woooh Elystine Gayle! Don't me ha. Wag ako." Sunod-sunod na patutsada ni May sa kaibigan.

"Hahaha! Okay. I'll call her later." Pangako niya sa kaibigan. Sa puntong iyon ay kinuha na nila ang mga bagahe at saka naglakad palabas ng bus.

"Where's everybody?" Nagtataka namang tanong ni Tin nang malapit na sila sa pinto.

"Nasa baba na po sila, Senyorita. Nag-hahasik ng lagim sa lupain ni Andres Claveria."

Nakadama ng kakaibang excitement si Tin ng marinig ang huling pangalang namutawi sa labi ng kaibigan.

Napansin ni May ang ngiti sa mukha ng kaibigan. "Hala hala. Kinikilig ka, bes? Ikaw na talaga!"

Namula si Tin habang binibuksan ang pinto ng bus. Nakakababa na silang dalawa nang may pahabol na pang-aasar sa kanya si May.

"Harot!" Natatawang bitaw ng kaibigan niya. "You ready to meet him?"

"I am." Excited na sabi ni Tin bago inilipat ang tingin mula sa kaibigang si May papunta sa malaking bahay kung saan natigil ang sasakyan nila. "I am very much ready to meet him."

EvenfallWhere stories live. Discover now