“Kingina!” Napamura si Andrei matapos akyatin ang puno nang mangga at natuklasan na wala ring signal doon.
Kung alam lang niya na walang signal sa lugar kung saan sila nag-team building, gumawa na lang sana siya nang excuse para hindi umattend. Sa tingin niya ay sinadya ni Coach na dalhin sila dito upang hindi malayo ang atensyon nila sa goal ng team building.
Dahil walang signal, narealise ni Andrei na hindi niya na nga mapapanood ang live telecast ng Chelsea sa English Premier League. Pababa na siya sa pwesto nang bigla siyang nakarinig ng malakas ng lagabog sa baba. Napansin agad niya ang babaeng nakahandusay sa gitna nang kakahuyan. Napatalon siya at agad na tumakbo sa babae upang tulungan ito.
“Miss, ayos ka lang ba?” Nag-aalala niyang tanong.
Bahagyang napamulat ang babae para tignan siya. Saglit na nagtama ang paningin nila pero muli ring pumikit ang babae. Napansin niya na may suot itong ID tag at sa card na iyon nakasulat ang pangalan nito: Elystine.
(A/N: Finallyyyyy! Hahahaha. It took sometime but natapos din. LOL. Matagal na rin mula nung huli akong nagsulat ng time travel fic. Thanks sa bebe kong si Nick Joaquin dahil sa kanya ko inihulma ang pagkatao ni Andres Jose Claveria. My TinDrei heart is full of love because of these two babies. Thank you sa inspirasyon, TD! At sa lahat ng nagbasa, SALAMAT!)
YOU ARE READING
Evenfall
Historical FictionOne day, two souls, three names *subject to major revisions due to lack of research and grammatical errors/unpublishing due to lack of ganaps charot*