AFTER four weeks...
“Pupunta ka ha?” May asked for the nth time over the phone.
Tin sighed. “Yes, May. Pupunta ako. Anong oras na nga ‘yon?”
“Alas seis mamayang hapon. Naku Elystine! Subukan mo lang talaga hindi pumunta, friendship over na tayo nila Adonis! Sige ha, ibababa ko na ‘to. Magpeprepare pa kami para sa general rehearsal. Bye, beshiewaps!” Paalam ni May sa kaibigan.
Natapos doon ang pag-uusap nila. Nang binaba niya ang telepono sa mesa kung saan nakatambak ang mga gamit nila para sa performance, hindi mapigilang isipin ni May nab aka sa huling minute ay biglang magbago ang isip ni Tin at magdesisyong hindi sila siputin.
Wag naman sana! She thought wistfully.
Final presentation ngayon ng Actor’s Guild para sa semestre. Isa itong organisasyon sa pamantasan kung saan kabilang si May at ang kaibigan niya pang si Adonis. Si Tin naman ang bestfriend niya. Matagal na rin noong huling napalabas si Tin sa bahay nila over a weekend.
Apat na linggo na rin halos ang nakalilipas mula nang nagsimula ang pagbabago kay Tin. Nag-umpisa ito nang pumunta sila sa Quezon para sa isang educational trip sa tahanan ng National Artist na si Andres Jose Claveria. Yun na ata ang unang beses na napalabas si Elystine ng weekend ayon na rin sa memorya ni May. Mula noong magkakilala silang dalawa, bihirang talagang gumala si Tin kaya laking pasalamat ng lahat nang magpakita siya sa araw ng pag-alis nila. Alam naman ni May na kaya lang ito sumama ay dahil involved si Claveria na paboritong writer ni Tin sa balat ng lupa.
Nang nasa bahay na nga sila ni Claveria, nagpaalam si Tin na maghahanap ng signal upang tawagan ang Mommy niya. Tapos, bigla na lamang itong nawalan ng malay sa kakahuyan. Mabuti na lamang may isang student from another school na may trip din doon ang nakasaksi sa mga pangyayari at tinulungan si Tin kaya naibalik ito sa mga kasama niya. Hapon na nang nagkamalay ito at sa pagkagising niya, panay iyak na lang ang ginawa niya. Dahil doon, maagang natapos ang trip at kinailangan nilang bumalik sa Maynila.
Tin refused to tell everyone what happened. She simply said that she fainted because she felt tired and she cried because her leg hurt so much. Hindi naniwala si May dito, of course. She knew it was more than that. Bumalik sa pagiging recluse si Tin kaya naman todo effort sila nang kaibigang si Adonis na ibalik ang sigla sa kaibigan.
Tin remained distant despite their efforts. May could only hope that this effort to bring Tin outside her house on a weekend will not go into waste.
---
Four weeks has been enough. Tin thought.
Sapat na ‘yong panahon upang magmove on sa kakaibang pangyayaring naranasan niya sa Quezon. Ang kakaiba at nakakatwang pangyayari kung saan bumalik siya sa nakaraan at nakilala ang batang si Andres Jose Claveria na nakasama niya sa buong araw. Akala niya ay bumalik siya sa panahong iyon upang hanapin ang sagot kung bakit nanatiling binata si Andres Jose hanggang mamatay ito. Sa huli ay napagtanto niya na siya pala ang dahilan dahil siya ang nawawalang unang pag-ibig ni Andres.
Ang malupit na parte nga lang sa naratibong ito ay nang magising siya at sa pagmulat ng mga mata ay bumalik siya sa kasalukuyan. Hindi tuloy malaman ni Tin kung totoo bang nangyari ang lahat o hindi.
Apat na linggo niya itong pinag-isipan at noong isang araw lang napagtanto niyang hindi siya makakamove on kung patuloy niyang iisipin ito. Kung totoo ngang siya ang the one that got away ni Claveria, wala na rin naman siyang magagawa dahil matagal nang patay ang manunulat. Perhaps, it was a love that wasn’t meant to be at all. Tin eventually gave up and gave life another try.
Ngayong Sabado siyang magsisimula ulit. Dadalo siya sa huling performance ng org ni May at Adonis. Matagal na siyang niyayaya nang mga ito pero sa twuing nakikita niya silang magkasama bumabalik ang memorya niya kay Delfin na kaibigan ni Andres at ng kasinatahan nitong si Salome. Naniniwala kasi siya na si May at Adonis ngayon ang Salome at Delfin ng nakaraan. Tin does not know who to blemace, the resemblance is uncanny.
Pero kakalimutan niya ang lahat nang nangyari sa nakaraan at tuluyan nang yayakapin ang kasalukuyan.
Pagkatapos na pagkatapos mananghalian ay naghanda na siya upang umalis. Bago pa man mag-alas tres ay nasa audio visual hall na siya ng university. Maraming nanood bilang huling araw ito nang pagtatanghal at malamang nirequire ni Miss Rafols ang mga estudyante niya na manood. Punong-puno ang AVH.
Nang matapos ang pagtatanghal, tuwang tuwang binati ni Tin ang mga kaibigan.
“Congrats, May and Adonis! Ang galing ng performance niyo.”
“Akala namin di ka na pupunta, Tin.” Sabi ni Adonis.
“Grabe naman kayo sa akin. Papalampasin ko ba ‘to?”
Nagkatinginan na lang si May at Adonis.
“Hahahahaha! Besh ha, wag kang mawawala. Magbibihis lang kami tapos gora na tayo.” Wika ni May.
“Gora?” Nagtatakang tanong ni Tin.
“Magcecelebrate... Kasi lumabas ka na ulit. Hahahaha. Subukan mong tumakas, Tin. FO na tayo.” Pagbabanta ni Adonis.
Napangiti na lang ang dalaga, “Don’t worry. Hindi ako tatakas.”
Sa puntong iyon ay nagpaalam na sila sa isa’t-isa. Sinabi ni Tin na maghihintay lang siya sa labas.
Dahil crowded ang harap ng AVH na bunga ng mga taong nagkukumahog na lumabas, naglakad siya sa likod ng AVH at saka umupo sa isang bench sa ilalim ng mga nakahilerang firetree. Nirenovate ito ng admin few years back para gawing Fire Tree Park. May mga inilagay na benches sa ilalim ng mga punong ito para na rin magsilbing study area ng mga estudyante. Sa kabilang dulo ng park ay may utility personnel na nagwawalis.
In full bloom kasi ang Fire Trees noon kaya naman kulay orange ang buong paligid. Nagkaroon tulay ng instant cherry blossom feels ang atmosphere. It’s almost evenfall but the place is still so fiery and festive.
As Tin sat, she fished out her phone from her pocket upang kumuha ng Instagramable shot of the Fire Tree Park when suddenly nakarinig siya ng sigawan at naramdaman niyang may tumama sa kanyang bola, with an impact strong enough to send her to the ground.
“Miss! Miss, ayos ka lang ba?” Nag-aalang tanong ng tinig ng isang lalaki sa kanya.
Tin felt dizzy so it took her a while to open her eyes.
“Miss, sorry. Ano? May masakit ba sa’yo?”
Sa puntong iyon ay napamulat na si Tin, at nakita ang binatang nagsasalita na nakaluhod sa tabi niya lang. The same moment she opened her eyes, the young man fixed his eyes on her. She was too dumbfounded to even open her mouth to speak. The man in front of her... Thick eyebrows, chubby cheeks, warm eyes.
“A-Andres?”
Bumalik ba ako? Tanong ni Tin sa sarili. Agad siyang napatingin sa paligid niya at napansin na nasa eskwelahan pa rin nila siya. Naroon pa rin ang ale na nagwawalis sa park at sa field, may practice game pa rin ang football team laban sa neighboring school. Her momentary paralysis eased when she realised that she had not gone back to the past. She was still in the present.
Napatingin siya sa suot ng lalaki. Football player din ito, pero hindi sa university nila. Yung kalaro ng team. Sa shirt nito nakadikit ang pangalang, Andrei.
Tin brought back her gaze to the guy and noticed that he was giving her the same intense stare.
“Nagkita na tayo,” The guy finally said at last.
Tin swallowed the lump in her throat.
“A long time ago.” He finished with a smile.
THE END
YOU ARE READING
Evenfall
Historical FictionOne day, two souls, three names *subject to major revisions due to lack of research and grammatical errors/unpublishing due to lack of ganaps charot*