t h r e e

260 20 8
                                    


NAALOG nga ata ang utak ni Tin sa biyahe tulad ng sabi ni May kanina. Nanghina ang tuhod niya.

Muling napaupo sa lupa si Tin, hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig sa binatang kaharap. Alam na niya kung saan niya nakita ang lalaki. Sa loob ng bahay, sa portrait. Si Andres nga itong kaharap niya, walang duda.

Ang makapal na kilay, ang matambok na pisngi, ang mga nangungusap na matang nakatitig sa kanya ngayon. Napatingin sa malayo si Tin.

So lumabas si Andres mula sa portrait? Oh gods. How? How? Napahawak siya sa ulo niya habang tinatanong ang sarili. Habang tila nawawala na sa katinuan si Tin, ay nanatili namang nakatayo ang binata at nakatingin sa kanya. Mawawari sa mga mata nito ang labis na pagtataka sa kakaibang ikinikilos ng dalaga.

Hindi maintindihan ni Tin ang nangyayari sa paligid niya. Kanina lamang ay nakaupo siya sa kakahuyan sa labas ng mansion, tapos noong babalik na sana siya ay bigla namang bumuka ang lupa at kinain siya ng buhay. Nahulog si Tin ayon sa huling naalala niya. Pag mulat ng mata ay nasa kaparehong pwesto naman siya kung saan siya nahulog. Iyon nga lang ay tila may kakaibang pagbabago ang nangyari sa paligid. Maliban pa diyan ay nagkaroon bigla ng binatang kamukhang-kamukha ni Andres at nagmamay-ari din ng kaparehong pangalan. Gusto niyang isipin na naglakbay siya sa nakaraan pero napakaimposibleng mangyari nun. Kung gayon ba ay nababaliw na siya?

Hindi. Hindi rin siya nababaliw. Napakurap siya at muling nag-isip. Naalala niya bigla ang pelikulang Austenland kung saan ang bidang babae ay nagtungo sa Britanya, sa lugar kung saan nanirahan ang paborito nitong manunulat na si Jane Austen. Sa Austenland ay namuhay ang bida na tulad ng panahong nabuhay si Jane Austen. May mga aktor lamang na nagpapanggap bilang mga character.

Baka naman katulad lang nito ang nararanasan niya. Dahil sikat si Andres at dinadayo talaga ang kanyang bahay ng mga estudyante at mananaliksik, baka may ganito ring pakulo ang mga katiwala niyang naiwan? Hindi siya nababaliw. This is only part of the whole meet Andres Claveria experience.

"Shit. Okay. Kumalma ka. You got this Tin." Bulong niya sa sarili bago muling hinarap si Andres. Tumayo siya at saka pinagpag ang suot na bestida. Kung bakit ba kasi naisipan niya pang magbestida sa biyaheng ito. Naramdaman niyang masakit ang talampakan niya sa loob ng sneakers na suot niya dahil na rin siguro sa pagkakabagsak niya.

"Hi!" Nakangiti niyang bati ulit sa binata. "Artista ka?"

Napataas ang mga kilay ng binata na tila nagtataka sa tanong niya.

"No. I mean..." Napatingin siya sa puno bago muling tinignan ang binata. "Performer, ganun? Kasama ba 'to sa lecture mamaya? Like nagpeperform ka as Andres Claveria kasi Kuya..." Tumawa siya. "HAHAHA. Epic! Grabe kasi oh!" Lumapit pa siya upang mas matitigan ng malapitan ang binata. "Kamukhang-kamukha mo siya." Manghang bitaw ni Tin.

Nanatiling nakatitig sa kanya ang binata. Habang tumatagal ay mas lalong lumilinaw ang pagkakahawig nito sa batang si Andres, at habang mas tumatagal pakiramdam niya ay natutunaw siya sa mga titig nito.

Tin stared. "So artista ka nga, Kuya?"

Dahan-dahan itong umiling sa kanya. "Ang pangalan ko ay Andres Jose Claveria." Muling pagpapakilala ng binata. Her heart twisted in a knot when the guy gave him another sardonic gaze.

Shit. Mura ni Tin sa isip niya.

Sa puntong iyon ay may tumigil na calesa sa unahan lang ng dalawang nag-uusap. Calesa? Bakit may calesa dito?!

EvenfallWhere stories live. Discover now