f i v e

229 16 5
                                    


BATID ni Tin ang init ng panahon. Mahigit sampung minuto na rin noong iniwan siya ni Delfin at hanggang sa puntong iyon nga ay panay pa rin ang paglalakad niya. Dahil magtatanghali na noon, wala halos tao sa plaza maliban sa mga paslit na hindi pa rin maaawat sa paglalaro.

Sa kanluran ng plaza ang simbahan ng bayan. Gawa sa bato at korales ang malaking simbahan. Nakahiwalay ang kampanaryo. Sa silangan ay mayroong hilera ng mga tindahan. Sa hilaga ay ang mababang paaralan ng bayan samantalang sa timog ay mga malalaking bahay.

Ayon sa naalala ni Tin sa isa sa mga lecture nila sa Kasaysayan, noong panahon ng mga kastila, ang mga bahay na malapit sa simbahan ay tahanan ng mga mayayaman. Kung nasa lokasyong ito ang bahay ng mga De Torres, tunay ngang makapangyarihang pamilya sila.

"Ugh. Where do I go from here?" Tin asked. Huminto na siya sa paglalakad, nakapamaywang siya sa ilalim ng puno ng Talisay. Naisip niya noon na tignan ang cellphone niya ngunit ng kapain niya ito sa bulsa ay wala na ito roon. "Hala. Naiwan kaya sa 2017???" Takang tanong niya. Napasipa siya sa lupa. Uupo at maglulupasay na lang sana siya sa ilalim ng Talisay noong may narinig siyang babae na sumisigaw.

"ADRIANA!"

Hindi naman siya si Adriana ngunit natigilan si Tin. Lumingon siya at nakita ang isang babaeng marahil ay nasa trenta na ang edad. Balingkinitan ang katawan nito at may matangos na ilong. Kapansin-pansin ang natural na kurba ng kilay at mapulang mga labi. Marahil ay kasing tangkad ito ni Tin. Maputi ang nasabing babae kaya naman bumagay rito ang suot nitong kulay berdeng bestida.

"Adriana!" Muling tawag nito. Napansin ni Tin na papunta sa direksyon niya ang magandang ale. Tumabi na lamang ng kusa ang dalaga dahil na rin sa paparating na babaeng tumatawag kay Adriana kung sino man siya.

"Kanina ka pa namin hinahanap, Adriana. Saan ka ba nagsuot?!" Tanong nito at nagulat na lang si Tin noong huminto ang babae mismo sa tapat niya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"A.. Ako po?" Taka niyang tanong. "Sino po kayo?"

"Magtatampo na ako niyan. Pumunta ka lamang sa Pransya ay hindi mo na maalala ang iyong magandang Tiya."

"T-tiya?" Siya ba si Victoria De Torres?!

"TIYA VICTORIA?" Tanong ni Tin.

Nangiti ang babae.

SIYA NGA! Bakit ang bata at ang ganda niya?

"Hindi ka man lang ba magmamano sa akin, hija?" Inilahad ng magandang babae ang kamay niya kay Tin.

Sa pananaw ni Tin ay napakabata pa nito upang magmano siya. Kaso hindi pa rin binababa ng ale ang kamay niya kaya naman kinuha na lang iyon ni Tin.

"Kawaan ka ng Diyos." Malapad ang ngiti niyang wika. "Naku! Tunay ngang ang laki mo na, Adriana. Naalala ko noong nililigawan pa lamang ako ni Tomas, isa ka pang maliit na paslit. Tunay ngang kay bilis ng panahon." Pagbabalik tanaw nito.

"Ahh.. Haha." Ninenerbyos na tumawa si Tin. "O-oo nga po."

"Halika na sa loob, mahal kong pamangkin." Nakangiting wika sa kanya ni Victoria de Torres.

Naglakad sila mula sa ilalim ng Talisay papunta sa napakalaking bahay. Sa labas nito ay 

nakaukit ang malalaking letra na DE TORRES.

----

Elystine

Celestina

EvenfallWhere stories live. Discover now