n i n e

116 11 0
                                    


HAPONG-hapo silang napatigil matapos marating ang dulo ng makapal na kakahuyan. Noong mga oras ding iyon ay halos palubog na ang araw. Alas seis na noon ngunit maliwanag pa ang daigdig. Inihatid sila ng dulo ng kakahuyan sa lawa kung saan mas tanaw ang palubog na araw.

Bahagyang nasilaw si Tin sa kumikintab na liwanag na tumambad matapos nilang malamapasan ang kakahuyan. Tila naging kulay ginto ang tubig na dumadaloy sa lawang ito. Nakaharap sila sa kanluran kaya naman tanaw na tanaw nila ang paghalik ng araw sa kabundukan sa di kalayuan. Tila nag-aalab na baga ang hitsura ng langit na malayang nililiparang ng mga ibon. Sa likuran nila,unti-unti na nagiging kulay lila ang langit. Sumisilip na rin sa langit ang mangilan-ngilan na bituin.

Natigil silang dalawa noong mga unang tagpong narating nila ang lugar. Mali na nandito silang dalawa na magkasama. Sobrang mali, pero bakit pakiramdam niya ay tama lang ito? Tumakas siya mula sa Tiyahin. At si Andres naman... Iniwan si Isabel. Tila nabalik si Tin sa loob ng kumpisalan kung saan sinabi ni Andres na nalilito siya at ang maling nararamdaman para sa isang tao.

Naisip doon ni Tin na baka ito na ang puntong mapapaisip si Andres kung ano ba ang gusto niya— liligawan si Isabel o ilalaan na lamang ang panahon sa karera niyang nagsisimula pa lamang. Siya pa ba ang magiging dahilan kung bakit hindi magtatagpo (o magkakatuluyan) si Andres at Isabel? Napatingin ang dalaga sa binatang kasama.

Nangahas nang magsalita si Tin sa puntong iyon, “Si Isabel!” Kahit na taliwas sa nararamdaman, inisip pa rin ni Tin ang tamang gawin.

“Si Isabel... na naman?” Tila nasusuya na niyang ulit. “May gusto ka ba kay Isabel?”

“Hell no!” Tin almost screamed. She didn’t know Andres Jose Claveria could be this open-minded.

“Bakit ba panay ang tanong mo tungkol sa kanya? Matalik ko siyang kaibigan.”

“Kailangan mo siya, Andres!” Pagpupumilit ni Tin.

“Hindi ko siya kailangan. Sino ka upang sabihin kung sino ang kailangan ko o hindi?”

“No. You don’t understand. Andres, magkikita kayo di ba?” tarantang tanong ni Tin. “Bumalik ka doon! Maghihintay siya sa’yo. Kapag hindi kayo nagkita baka...” Natigilan siya. Hindi niya maaaring sabihin kay Andres na hindi siya makakapag-asawa, tatanda siyang binata at mamamatay na mag-isa. Dahil kasabay nito ang pag-amin niya na galing siya sa hinaharap, na malamang ay hindi paniniwalaan ng binata.

“Baka ano, Adriana?” Mababatid na binigyang diin ni Andres ang pangalan nito. “Sandali muna. Adriana? Sino ba si Adriana?”

“Ako si Adriana.” Pag-amin ni Tin.

“Hindi ba’t Celestina ang pakilala mo sa amin?”

“Ako rin si Celestina.”

Napakunot ang noo ni Andres. Halatang naguguluhan ang binata sa pinagsasabi niya. Siguro nga sa huli ay mapupunta rin dito ang lahat, kaya minabuti ni Tin na kunin na ang oportunidad na sabihin ang totoo kay Andres. Wala siyang pakialam kung hindi maniwala ang kaharap, ang mahalaga ay nasabi niya ito.

“Tin ang tunay kong pangalan.”

Pakiramdam ni Tin habang tinitignan siya ni Andres, iniisip nito na isa siyang malaking sinungaling. Wala na siyang pakialam sa iisipin pa nito ukol sa kanya.

“Hindi ko alam kung maniniwala ka pero... I’m from the future.”

Tumango si Tin. Tila hindi naman nagulat si Andres sa sinabi niya. Iniisip kaya nito na nagbibiro siya?

“Naniniwala ako sa’yo.” Sagot ni Andres sa kanya.

“N-naniniwala ka?”

“Matagal na tayong nagkakilala.”

“Ha?”

“Sa mga panaginip ko... Matagal na kitang nakilala sa panaginip ko, Elystine.”

“You know my name?” Now it’s Tin’s turn to be surprised.

“Sinasabi ko sa’yo, palagi kang nasa panaginip ko.” Wika ni Andres. “Kaya laking gulat ko nang makita kita sa bakuran namin... Dumating ka sa buhay ko katulad ng pagdating mo sa mga panaginip ko.”

Napatingin si Tin sa palubog na araw sa harap nila ni Andres.

“Tangina.”

Napaka-pamilyar ng eksenang ito. Hindi ba’t ganitong ganito rin ang eksena kung saan natapos ang The Evenfall? Nang umalis si Cristina at iniwan si Roberto?

Itong ito ang deskripsyon ng setting ng huling eksena sa kwento ni Andres Claveria. Tin choked for words. Could it be? Could this be Evenfall? She was drowning in her own shallow pool of thoughts when Andres who was eyeing her from his peripheral vision spoke.

Naramdaman ni Tin ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. It dawned to her finally. Kung bakit sa ganoong paraang natapos ang Evenfall. Kung bakit nanatiling single si Andres Jose hanggang mamatay siya. Kung bakit nandito si Tin na maaaring sa isang iglap lang ay bumalik na siya sa panahon niya.

“Andres...”

“Alam ko, Elystine.” Sagot ng binata. “Kasama ito sa panaginip ko.”

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ng dalaga.

Sa puntong iyon ay muling lumapit ang binata sa kanya. Hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga. Damang-dama ni Andres ang init ng mga palad nito, kitang kita niya ang bawat linyang gumuguhit sa mukha ng dalaga. Humakbang siya nang mas malapit. Tanging ito na lamang ang nakikita niya. Pakiramdam ni Andres ay wala nang iba pang mas makabuluhan na bagay sa mundo maliban sa mga mata ng dalagang hawak-kamay niya.

“Kung sa ganitong paraan ako mamamaalam sa bawat araw...” wika ni Andres Jose Claveria. “Gigising ako tuwing umaga upang maghintay sa paglubog ng araw. Magkita tayong muli.”

Tuluyan nang tumulo ang luha ni Tin. Ito nga ang kwentong kanyang binabasa. Siya ang nawawalang unang pag-ibig ni Andres Jose Claveria. Tinitigan niya si Andres. Iniimprenta sa memorya ang bawat linya, bawat ukit, bawat parte ng gwapo nitong mukha.

Kasabay ng pamamaalam ng araw sa kanluran ang muling pag-ihip ng hangin at unti-unting pagdilim ng  paningin ni Tin.

(a/n: Missed writing for these two loveys. One last chap.)

EvenfallWhere stories live. Discover now