Anreva Charlaine PalemoonNgayon ang unang araw ng pasukan at kasalukuyang nakasakay ako sa school bus na papunta sa naturang academy.
Sa Sienna Academy.
Nang malaman kong dito ako itatransfer ng mga magulang ko ay hindi na ako nagdalawang isip na magresearch tungkol sa nasabing academy, ngunit ni isang impormasyon ay walang lumalabas tungkol dito.
Kaya naman nagtataka ako ngayon kung totoo ba ang academy na ito.
Tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa mga tanawin sa labas, sa sobrang dami ng puno ay nag mistulang kakahuyan na ang pupuntahan namin.
"Transferee ka 'no?" Nagulat naman ako nang may nagsalita at kasabay nun ay umupo sya sa tabi ko.
"Oo." Maikli kong sagot.
Sanay na akong walang kaibigan, meron akong mga naging kaibigan pero hindi rin sila nagtagal...
Iba kasi ako sa kanila.
"I'm Minerva, you?" At inabot nya ang kamay nya sa akin.
"Anreva." Sagot ko at tinanggap ang kamay nya.
"Wow, that's unique. So, bffs na tayo ha?" Magiliw nyang sabi, napangiti na lamang ako sa isipan ko.
Tignan natin kung hanggang kailan tayo mananatili na bffs.
Tumango na lamang ako sa kanya at tumahimik na rin naman sya.
Ilang sandali lang ay tumigil na ang bus at kasunod nito ay ang pag aannounce ng isang boses.
"Students, we have arrived at Sienna Academy. We request that all students must gather at the gym for you to know your sections. That's all, and welcome to Sienna Academy!"
Pagkatapos naman nung announcement ay sabay kaming lumabas ni Minerva mula sa bus at naglibot kami sa buong campus.
Malawak at malaki ang Sienna Academy, I must say. Halatang halata na mayayaman ang founders ng academy.
"Sana parehas tayong mapapunta sa Section Alpha 'no?" Pag-oopen up ng topic ni Minerva, but wait. Alpha?
"Section Alpha?" Curious kong tanong sa kanya, mukhang may alam sya na hindi ko alam tungkol dito sa academy.
Napangiti naman si Minerva sa naging tanong ko. "Ay, transferee ka nga pala. Explain ko sayo, alright?" Napatango na lang ako at nagsimula na syang magpaliwanag.
"Ganito kasi 'yan, may three sections na pwede kang mapabilang. Ang Section Alpha, Beta, at Charlie. Ang Section Charlie, also known as Section C dun mapapabilang ang mga Elves at Fairies." Natiligan naman ako sa sinabi nya.
Elves at Fairies?
"Anong pinagsasasabi mo?" Naguguluhan kong tanong at tinignan naman ako ni Minerva na parang 'di sya makapaniwala na tinanong ko iyon.
"Huh? Wait. Matanong ko lang ah, alam mo ba kung anong klaseng school ang Sienna Academy?" Tanong nya, naguguluhan man ay umiling na lamang ako, napangisi naman sya sa sagot ko.
"Kaya naman pala." She said.
"Well, let me tell you. Sienna Academy is an academy for mythical and mystical creatures." Literal na napanganga ako sa sinabi nya.
Mythical and mystical creatures?
Sabi ko na nga ba at may kakaiba sa academy na ito.
Kung ganon.. ay isa rin akong mythical creature?
"So, lets continue okay?" Tumango na lamang ako bilang pag sang ayon. "And then sa Section Beta or Section B, dun ang mga witches at sorcerers." Pagpapatuloy nya.
"And lastly, ang Section Alpha or Section A ito ang pinaka malakas sa lahat ng section at dun naman napapabilang ang.." Pagpapabitin nya.
"Vampires and Werewolves!" Excited nyang sabi.
Elves, Fairies, Witches, Sorcerers, Vampires, and Werewolves.
Alin kaya sa mga ito ang tunay kong katauhan?
To be continued....
BINABASA MO ANG
Memoirs of Blood
VampireAlam na sa sarili ni Anreva na hindi sya isang ordinaryong tao. At mas lalo nya pa iyong napatunayan nang pumasok sya sa Sienna Academy, ang academy para sa mga hindi ordinaryong tao na katulad nya. Ano nga ba ang tunay na katauhan ni Anreva?