Anreva Charlaine PalemoonNapatingin naman ako sa bampirang kasama ko ngayon na sa kasalukuyan ay nag aayos ng kama.
Napaisip ako sa sinabi nya kanina. Alam nya ang kondisyon ko? Eh ngayon pa nga lang kami nagkakilala. Stalker ko ba 'to?
Bunalik naman ako sa katinuan nang tumikhim ito, napatingin ako sa kanya, sa mga abo nyang mata.
Ngayon ko lang narealize na ang gwapo pala ng bampirang ito, kaso masyadong misteryoso.
"Matulog ka na." Utos nya sa akin, nagtataka ko naman syang tinignan. "Dyan?" Turo ko sa kama nya, tumango naman ito. Seryoso sa kama nya ako matutulog?
"Eh ikaw, san ka matutulog?" Tanong ko at lalo akong nagtaka sa isinagot nya. "Hihintayin muna kitang makatulog." Naguguluhan man ay humiga na ako sa kama nya at sya naman ay umupo sa isang tabi.
Hindi ko alam kung bakit, pero gumaan ang loob ko nang malaman kong alam nya ang kondisyon ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan mamaya sa kung ano man ang mangyayari.
Hindi kalaunan ay sinakop na rin ako ng kadiliman.
Minerva Amber Catania
Nang maka alis si An, ay napag desisyunan naming tatlo na bumalik na lamang sa aming mga kwarto.
Sa totoo lang, nagbigla ako nang maki usap sa amin si An na kung pwede ay sa susunod na lamang kami mag sleep over.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng kanyang mga kamay na tila kinakabahan ito..
Na tila ba may mangyayari kapag doon kami natulog.
Napatingin ako sa aking orasan.
1:49 a.m
Inaantok na ako pero hindi pa rin ako makatulog.
Nang biglang may sumigaw. Para itong naghihinagpis na sigaw, nasasaktan. At sigurado ako na dito mismo sa dorm nang gagaling ang sigaw.
Lumabas ako ng aking kwarto at nakita ko rin sina Red, Aradia at Chancellor na nasa labas. Nagtipon naman kami.
"Saan nang gagaling ang sigaw na iyon?" Tanong ko kaagad. Tila nahihirapan kasi ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil.
Napadako naman ang tingin namin sa kwarto na katabi ni An.
Unti unti kaming lumapit doon at palakas ng palakas ang sigaw habang lumalapit kami.
"Dito iyon nang gagaling, sigurado ako." Pahayag ni Aradia, napag sang ayunan namin na buksan ang pinto.
Na dapat pala naming hindi ginawa.
Tumalsik kaming lahat sa corridor ng dorm. Nilagyan ito ng mahika. Isang malakas na mahika.
"Ano ang nangyayari doon?" Tanong ni Chancellor, maski ako ay nagtatanong na rin. Hindi kaya..
"Si An, nandyan sya sa kwarto na yan." Sinabi ko sa kanila na naka pag pagulat sa kanila. Syempre, matagal na kaming magkakaklase at alam namin wala pang nakakapunta ni isa sa loob ng kwarto..
Ni Alaric.
Ilang sandali pa ay tumigil na rin sa wakas ang pagsigaw. Para kaming nabunutan ng tinik nang matapos na iyon. Hindi ko alam pero tila..
Nararamdaman din namin ang sakit ng sumisigaw.
Nagulat kaming lahat nang lumabas si Alaric na pagod na pagod, at naka labas na rin ang mga pangil nito. Agad naman naming syang nilapitan.
"Anong nangyari?" Agad kong tanong, bumaling naman sya sa akin at pagkatapos ay tinignan kami apat.
"Si Anreva.." Tanging sabi nya, na nagpakaba sa akin. Si Anreva ang sumisigaw?
Hindi na kami nagpa tumpik tumpik pa at agad naming pinuntahan ang kwarto ni Alaric.
At doon namin nakita si Anreva. Tulog ito pero..
Pawisang pawisan ito at hinahabol ang kanyang paghinga, tila hirap na hirap ito.
Parang may tumutusok sa aking dibdib nang makita ang kanyang kalagayan. Napadako ang tingin ko sa tatlo kong kasama na tila nararamdaman din nila ang sakit na nararamdaman ko.
"Ano ka ba talaga, Anreva?" Napalingon kaming lahat kay Aradia na syang wari ko ay tanong rin ng aming mga isipan ngayon.
To be continued....

BINABASA MO ANG
Memoirs of Blood
VampirAlam na sa sarili ni Anreva na hindi sya isang ordinaryong tao. At mas lalo nya pa iyong napatunayan nang pumasok sya sa Sienna Academy, ang academy para sa mga hindi ordinaryong tao na katulad nya. Ano nga ba ang tunay na katauhan ni Anreva?