Anreva Charlaine PalemoonNang matapos ang klase, sabay sabay kaming pumunta sa aming dorm.
Yun ang isa pang kakaiba sa academy na ito. Ang mag kakasection ay mag kakadorm din. Oh diba, wala nang hiwalayan.
Pagkatapos ko namang kasing maenroll dito ay kaagad na pinadala na sa dorm ang mga gamit ko, kaya wala na akong poproblemahin.
Nang makapasok kami sa loob ay talagang napamangha ako.
Mayroong anim na pinto. May dalawang pinto na kulay ginto, ang isa pang dalawa ay kulay pula at ang huling dalawa ay kulay abo.
"Bakit ganyan kulay ng nga pinto?" Tanong ko kay Min, ngunit si Red naman ang sumagot sa akin.
"Base iyan sa mga mata natin kapag nagfiflicker ito. Yung dalawang gold na pinto ay para sa amin ni Min, ang dalawang red ay kina Aradia at Chancellor, at ang gray na pinto ay sa inyo." At ngumuso ito sa bampirang kulay abo ang mata.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan nito. Hindi naman sya pipi dahil nagsalita sya kanina. Baka naman sadya syang ganyan, yung tipong pa mysterious ba.
Kung napamangha ako sa labas ng dorm, mas lalo akong napamangha sa magiging kwarto ko.
Yung totoo, kwarto ata 'to ng prinsesa eh. Kulang pa ang ganda sa pag describe ng kwartong ito. Grabe lang.
Maayos na rin ang mga gamit ko, nakalagay na ang mga damit ko sa walk in closet, at kumpleto rin ang mga necessities.
Matapos kong mag toothbrush at mag bihis ng pantulog ay humiga na ako sa queen size bed kong kama. Ang sarap matulog kapag ganito ang kwarto.
Papikit na sana ako nang may kumatok sa pinto. Bumangon naman ako para pagbuksan iyon.
"An, pwede ba kaming maki sleep over?" Tanong ni Min na naka pantulog at may hawak na unan, maging sina Ara at Red ay naka pantulog at may kanya kanyang unan na hawak.
Di pa man ako nakakasagot ay pumasok na agad sila sa aking silid at humanap ng kani kanilang pwesto tsaka doon nag latag at humiga.
"Um..Min, Ara, Red. Sorry pero hindi kasi ako sanay na may kasamang natutulog, pwede bang next time na lang kayo maki sleep over?" Pag kukumbinsi ko sa kanila. Hindi sila pwede ritong matulog.
Delikado masyado.
Lumungkot naman ang mukha nina Min at Red, samantalang si Ara naman ay nananatiling poker face ang mukha.
"Sige na An, ngayon la-" Hindi na natapos ni Min ang kanyang sinasabi nang biglang bumakas ang pinto at lumabas roon yung lalaking bampira na kulay abo ang mata.
Teka, pano sya nakapasok? Nilock ko naman yung pinto.
Tumingin sya sakin at tsaka lumipat ito kina Min, at lumipat muli sa akin tsaka kinuha ang aking pupulsuhan at sinabing. "She'll be sleeping in my room." At hinila ako palabas ng aking kwarto.
Ano bang problema ng isang 'to at lagi na akong hinihila kung saan saan?
Bago pa man kami makapasok sa kwarto nya ay tinanggal ko ang pagkaka hawak nya sa aking pupulsuhan, and with that he glared at me. Hindi nya naman ako matatakot sa tingin nya. "Ano bang problema mo?" I asked, irritated.
"I know your condition, kaya sumama ka na lang sakin." Bahagya naman akong nagulat sa pag tatagalog nya. Tss, marunong naman pala english pa ng english.
In the end, pumasok na rin ako sa kwarto nya at ang loko talagang nilock pa ang pinto.
Napalibot tuloy ang tingin ko sa kwarto nya.
Katulad rin ito ng akin, puro black and white ang furnitures, ang pinag kaiba lang siguro ng kwarto ko sa kanya ay ang king size bed nya. May pumasok tuloy na tanong sa isipan ko.
Saan ako matutulog?
To be continued....

BINABASA MO ANG
Memoirs of Blood
VampireAlam na sa sarili ni Anreva na hindi sya isang ordinaryong tao. At mas lalo nya pa iyong napatunayan nang pumasok sya sa Sienna Academy, ang academy para sa mga hindi ordinaryong tao na katulad nya. Ano nga ba ang tunay na katauhan ni Anreva?