Anreva Charlaine PalemoonNaalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin, ay mali may MGA nakatitig sa akin.
Unti unti kong minulat ang aking mga mata at tama nga ang aking hinala, silang lima ay nasa loob ng kwarto at mataimtim na nakatitig sa akin.
Bigla naman akong kinabahan sa mga titig nila, hindi kaya...
Alam na nila?
Narinig kaya nila ang aking mga sigaw? Pero ang pagkakatanda ko ay naglagay ako ng isang makapangyarihan na mahika.
Napadako naman ang tingin ko sa bampirang kulay abo ang mata. Pagod na pagod ang itsura nito at nakasilip na ang kanyang pangil.
"May nangyari ba habang tulog ako?" Naguguluhan kong tanong, ngunit nanatili lamang silang tahimik at mataimtim akong tinitignan.
Hanggang sa nagsalita si Ara.
"Ikaw ang magpaliwanag sa amin kung ano talaga ang nagyayari." Naging malinaw na sa akin ang lahat pagkatapos iyong sabihin ni Ara.
Alam na nga nila. At wala na akong dahilan para itago pa sa kanila. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Mayroon akong kondisyon.." Panimula ko at nakita ko naman na willing silang makinig sa sasabihin ko.
"Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing natutulog ako ay parang may sumasanib sa akin. Nilalabanan ko sya sa aking panaginip, ngunit lagi naman sya ang nagwawagi kaya ang katawan ko ay sinasaniban nya sa tuwing ako ay tulog." Pag papatuloy ko at napasinghap sila sa narinig, tumingin sila sa isa't isa na para bang may alam sila sa nangyayari sa akin.
"Kailan pa ito nagsimula?" Tanong ni Min. "Simula nang isinilang ako, kaya agad nyang nasaniban ang katawan ko dahil wala pa naman akong ka alam alam sapagkat sanggol pa lamang ako noon." Sagot ko sa kanya at muli silang nagkatinginan ang lima.
Nagtataka ko silang tinignan. May alam ba sila sa kondisyon ko?
"Hanggang ngayon ba ay nilalabanan mo ang sumasanib sa iyo?" Katanungan ni Ara, tumango na lamang ako.
"May alam ba kayo sa nangyayari sa akin? At papaano ninyo narinig ang aking mga sigaw? Ang pag kakaalam ko kasi ay nilagyan ko ang aking sarili ng isang makapangyarihang mahika." Sunod sunod kong tanong sa kanila, at base sa mga reaksyon sa kanilang mga mukha ay alam nga nila kung ano ang nangyayari sa amin.
"Isa lamang ang ibig sabihin nito.." Pagpapabitin ni Ara.
"Ikaw ang aming reyna, An." Nabigla naman ako sa sinabi nya. Anong reyna?
Tinignan ko naman sya ng nagtataka at sinabing. "Anong reyna, Ara?"
Huminga sya ng malalim bago nagsalita. "Nararamdaman namin ang paghihinagpis mo An, at ang reyna lamang ang nakakagawa nun. At kung nararamdaman namin iyon ay malamang na nararamdaman din ito ng hari." Lalo akong nagtaka sa kanyang paliwanag.
Reyna at Hari?
"Sige, sabihin na natin na ako ang reyna, ngunit sino naman ang hari?" Tanong ko na nakapagpa ngiti sa kanila. "Madali lang ang kasagutan dyan bff." Turan ni Min at lumingon silang apat dun sa lalaking bampira na abo ang mga mata.
"T-teka lang, hindi ko talaga maintindihan. Paano naman ako magiging reyna, hindi nga ako bampira o werewolf eh." Tanong ko at nagulat ako sa sagot nung lalaking bampira na kulay abo ang mata.
"You are a half blood." Sagot nya na nakapag palingon sa aming lima sa kanya.
"And how can you say that?" Tanong ni Chancellor. At nagsimulang mag paliwanag ang bampira.
"She's trying to fight the urge to become a vampire, and her body is not letting it enter because her body knows that it isn't the right time. Kaya lumalaban ang katawan nya sa kanyang panaginip, at nararamdaman natin ang pinag dadaanan nya dahil sya nga ang reyna natin." Mahaba nyang paliwanag. Unti unti na akong nalinawan sa pag katao ko.
Isa akong half blood.
To be continued....

BINABASA MO ANG
Memoirs of Blood
VampireAlam na sa sarili ni Anreva na hindi sya isang ordinaryong tao. At mas lalo nya pa iyong napatunayan nang pumasok sya sa Sienna Academy, ang academy para sa mga hindi ordinaryong tao na katulad nya. Ano nga ba ang tunay na katauhan ni Anreva?