Anreva Charlaine Palemoon"Anreva, wake up." Sabi ng isang pamilyar na boses at kasabay nun ay ang pag tapik sa aking pisngi. Inaantok man ako ay nag mulat na ako ng mata.
Nakita ko naman kaagad ang nang gising sa akin.
Si Alaric.
Bagong ligo na ito at nakabihis na rin ng uniporme. Bumangon na ako mula sa kama at humarap sa kanya. "Salamat sa pag babantay sa akin kagabi. Babalik na ako sa kwarto ko." Pag papaalam ko at akmang aalis na ako nang pigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking pupulsuhan. Napalingon naman ako at nagtataka ko syang tinignan.
"Hihintayin kita sa labas ng kwarto mo." Sabi nya at pagkatapos nun ay binitawan nya rin ako, at tuluyan na akong lumabas sa kanyang silid.
Nang maka pasok na naman ako ng aking silid ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. Pagkatapos ko naman ay lumabas na ako ng aking silid at nasorpresa na nandun nga si Alaric, nakadantay ito sa tapat ng aking kwarto kaya pagkabukas na pagkabukas ko ay sya agad ang bumungad sa aking harapan.
Sabay kaming pumunta ng cafeteria para mag umagahan. Nabanggit nya sa akin na nauna ang apat doon at nireserba na rin kami ng upuan.
Ngunit pagkapasok namin sa loob, ang mga nag iingay na mga estudyante kanina ay biglang tumahik nang makita ang pagpasok namin. At sumunod nun ay nag bow silang lahat sa amin ni Alaric. At bumati sila.
"Magandang umaga, aming Reyna at Hari." Pag bati nila.
Nailang tuloy ako, habang si Alaric naman ay walang pakielam sa pag bow at pag bati sa kanya ng mga estudyante. Hinanap namin kung nasaan ang apat at nang makita namin sila ay pumunta na kami sa kanilang kinauupuan.
"Magandang umaga, aming Reyna." Bati sa akin ng apat kaya mas lalo akong nailang. "Maganda umaga, aming Hari." Pag bati naman nila kay Alaric na wala pa ring pakielam sa nangyayari.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo ako mula sa aking inuupuan. Dumako naman ang tingin ng lahat ng estudyanteng nasa cafeteria sa akin, tila alam nila na may sasabihin ako.
"Alam ko na ginagawa nyo ito bilang pag respeto, pero pwede bang huwag nyo na lamang akong tawagin na reyna? Hindi kasi ako sanay sa ganito eh. Tamang Anreva o An na lang, okay na yun. Salamat." Pahayag ko at umupo na sa aking upuan. Mukhang nakuha naman nila ang aking sinabi dahil nag simula na ulit na mag ingay ang buong cafeteria.
"You look like a queen already!" Tuwang tuwa na sabi ni Min. Napangiti na lamang ako sa kanya. "Hindi talaga ako sanay sa mga ganun eh, atsaka pare parehas naman tayong estudyante dito sa academy." Sabi ko at nag simula na akong kumain ng agahan.
Nasa gitna kami ng klase ng tumunog ang speaker, kasunod nun ay ang pagsasalita ng isang boses.
Ang headmistress.
"May we all request the students to immediately evacuate their classrooms and proceed to the gates. I repeat, May we all request the students to immediately evacuate their classrooms and proceed to the gates." Napatingin naman kami kay Ena at parang nagkaintindihan kaming lahat na kailangan naming sundan ang sinabi ng headmistress.
Ang ipinagtataka ko lamang ay hindi man lang nag papanic ang mga estudyante. Kalmado ang lahat na pumupunta sa mga gates. At nang makapunta na ang lahat ay nag pakita na sa amin ang headmistress.
Umubo muna ito bago nagsalita. "First of all, I am very pleased that the queen has been found." Napatingin naman ang lahat sa akin. "And since we have already found the queen, there is no need for us to hide our façade." Nagtaka naman ako sa sinabi nya.
Façade? They are hiding something?
Nakita ko naman ang mga amused na mukha ng mga estudyante habang nakatingin sa akin. So, alam nila ang tinatagong iyon ng headmistress.
"The queen has arrived." Sabi ng headmistress at nagsimula nang lumindol. At sa lindol na iyon ay unti unting gumuho sa aming harapan ang Sienna Academy. Lalo akong naguluhan sa nangyari. At mas lalo akong naguluhan nang biglang may umahon na..
Castle? Kinusot ko pa ang aking mga mata para masiguradong hindi ako namamalik mata, at totoo nga. Ang Sienna Academy ay gumuho at ang tunay nitong 'katauhan' ay isang napaka laking palasyo.
Napakaganda nito at napakataas.
"Welcome your majesty, to the Kingdom of Arilmario."

BINABASA MO ANG
Memoirs of Blood
VampireAlam na sa sarili ni Anreva na hindi sya isang ordinaryong tao. At mas lalo nya pa iyong napatunayan nang pumasok sya sa Sienna Academy, ang academy para sa mga hindi ordinaryong tao na katulad nya. Ano nga ba ang tunay na katauhan ni Anreva?