Anreva Charlaine PalemoonNang mag bell muli ay niligpit na namin nina Min at Red ang aming mga pinagkainan at bumalik na kami sa classroom.
Naabutan namin ang tatlo na ganun sa ganoong pwesto simula nung iniwan namin sila, tila hindi man lamang sila kumibo.
Napadako ang tingin ko dun sa lalaking naka hoodie, laking gulat ko na lang nang nakatingin din pala ito sa akin. Nanunuri ang kanyang pula na mga mata, nilapitan ko naman ito na kanyang ikinabigla, marahil ay hindi nya inaasahan na lalapitan ko sya.
"Umm..bakit mo ako tinititigan?" Diretsahan kong tanong, nanatili naman ang reaksyon nito. Walang emosyon.
Tatanungin ko pa sana sya nang biglang may humigit sa akin, pagkalingon ko naman ay nalaman kong ang bampirang katabi ko kanina pala ang humigit sa akin. Nagtataka ko syang tinignan.
"Don't go near him." Malamig na sabi nito at tsaka ako pinaupo sa tabi nya na kung saan ako nakaupo kanina.
Ilang sandali lamang ay pumunta harap namin or should I say, sa harapan ko yung lalaking nakahoodie. Na sya namang ikinagulat ko, sobrang bilis kasi ng pagpunta nya sa harapan ko.
"Alam mo ba kung bakit kita tinititigan?" Malamig at may pag ka husky nyang sabi. Napailing ako, na sya namang nakapag pangisi sa kanya. Atsaka lumapit sa may tenga ko at bumulong. "Kasi gusto kita, I'm Chancellor by the way." At hinalikan nya ako sa pisngi.
Silang lima maski si Ara ay napatulala sa nangyari, samantala ako naman ay hindi mo malaman kung tao pa ba ako o kamatis na sa sobrang pula ng mukha ko. Napahawak na lamang ako sa parteng hinalikan ni Chancellor.
"Tsk." Rinig kong sabi ng bampirang katabi ko. Habang ako naman ay nanatili paring nakatutula at pilit na inaabsorb ang nangyari kani kanina lang.
OA na kung OA, pero first time kong makaranas ng ganun kaya nagkakaganito ako.
Natigil lang pagkatulala ko nang dumating na si Ena para magturo muli.
Nawala man ang pagkatulala ko ay hindi naman nawala sa isip ko ang sinabi ni Chancellor kanina.
Gusto nya ako? Napaka imposible!
"Si Chancellor ang iniisip mo 'no?" Napatingin naman ako kay Min nang sabihin nya iyon. Self study kami ngayon at nasa library kami nina Min, Red at Ara.
Sinulyapan ko naman yung dalawa na abala sa pagbabasa bago ko sinagot si Min. "Ganun ba talaga si Chancellor?" Hindi ko na maiwasang hindi magtanong. Pano ba naman napaka misteryoso nya kanina tapos bigla bigla na lamang sya manghahalik. Okay, halik sa cheeks pero kahit na!
A kiss is a kiss.
Napatawa naman si Min, napansin ko lang na laging natatawa si Min kapag naguguluhan ang ako. Kaibigan ko ba talaga 'to?
Tinapos nya muna ang pagtawa nya, pagkatapos ay tumikhim sya at sumagot. "Hindi ko rin alam An, pero isa lang ang masasabi ko.." Lumapit sya malapit sa tenga ko saka pinagpatuloy ang kanyang sasabihin. "Chancellor is a playboy, di lang halata." At kinindatan pa ako.
Playboy? Siguro nga, kaya siguro ganon sya umasta.
Pero kahit na, wala syang karapatang halikan ako, kahit sa pisngi pa yan.
To be continued....

BINABASA MO ANG
Memoirs of Blood
VampireAlam na sa sarili ni Anreva na hindi sya isang ordinaryong tao. At mas lalo nya pa iyong napatunayan nang pumasok sya sa Sienna Academy, ang academy para sa mga hindi ordinaryong tao na katulad nya. Ano nga ba ang tunay na katauhan ni Anreva?