Anreva Charlaine Palemoon"Since nandito na rin naman ang Section Alpha Committee, lets start in dividing your sections." Panimula ng headmistress.
Pumila at nagsama sama ang mga elves, fairies, witches, sorcerers, werewolves at vampires.
"Hindi ba tayo pipila?" Tanong ko kay Minerva. "At bakit pa tayo pipila? Section Alpha Committee na tayo, kaya no need na pumila." Sagot naman nya sa akin.
Nagtaka naman ako sa sinagot nya.
"Section Alpha Committee ka?" Tanong ko ulit sa kanya at nginitian nya ko. "And so are you, Section Alpha Committee Officer ka din, Anreva." Sagot nya na kinagulat ko.
Kailan pa ako naging Section Alpha Committee Officer?
Napalingon naman ako kay Minerva nang mapansin kong natatawa ito sa reaksyon ko at batid nya rin siguro na nalilito ako sa mga nangyayari.
"Simula nang kausapin kita ay naging miyembro ka na ng SAC." Natatawa nyang sabi sa akin. At habang tinitignan syang tumawa, dun ko napagtanto na si Minerva ay isang werewolf.
Habang tumatawa kasi ito ay biglang nagflicker ang kanyang mga mata from pure black to gold.
Nang matapos na ang pag pila at pag alam ng kani kanilang mga sections, ay nag opening remarks na ang headmistress.
"This school year is very different from the past school years that we've already spent.." Panimula ng headmistress.
Nagkaroon ng bulong bulungan sa buong gym.
"Silence." Mahinang sabi nung babaeng blonde.
Mahinang mahina yun, pero narinig ito ng mga estudyante at tumahimik na ang mga ito, marahil ay natakot sa kanya.
Umubo naman ang headmistress bago muling magsalita. "So, I was saying. This year very different because of our transferee." Nakaramdam naman ako ng hiya ng bumaling sa akin ang headmistress na sinundan ng mga estudyante.
Hindi ako sanay sa ganitong atensyong nakukuha ko. May pagka introvert kasi rin ako.
"Our transferee will be in the Section Alpha Committee. Surprising, right? Cause it takes 3 years just to get to Section Alpha and here she is, on her first day and she gets to be one of the SAC Officers." Lalo akong nagulat sa sinabi ng headmistress.
3 years? Para makapunta sa Section Alpha? At eto ako, walang kahirap hirap na naging SAC Officer.
Just, wow. All I can say.
"That's all for today. I'll just announce another gathering some other time. Aradia, ikaw na bahala." At pagkatapos nun ay bumaba na sa stage ang headmistress, tumayo naman yung babaeng blonde at pumunta sa unahan.
Aradia pala ang pangalan nya.
"Go to your respective classrooms and have a nice day." Walang emosyon nyang sabi at tsaka pumunta ulit sa aming pwesto.
"Lets go na." Yaya sa akin ni Minerva at naglakad na kami papunta sa respective classroom namin.
Ang Section Alpha.
To be continued....

BINABASA MO ANG
Memoirs of Blood
VampireAlam na sa sarili ni Anreva na hindi sya isang ordinaryong tao. At mas lalo nya pa iyong napatunayan nang pumasok sya sa Sienna Academy, ang academy para sa mga hindi ordinaryong tao na katulad nya. Ano nga ba ang tunay na katauhan ni Anreva?