Anreva Charlaine PalemoonLahat ng estudyante ay nagtitipon na ngayon sa gym, kasama na kami dun ni Minerva.
Ngayon ko masasabi na iba talaga ang academy na ito, inilibot ko ang paningin ko sa buong gym at isa isang tinignan ang mga estudyante.
Ang ilan sa kanila ay pointed ang tenga na karaniwang palatandaan na yun ay isang fairy or elf.
Yung iba naman ay may mga hawak na wand at may suot rin na hat, yung hat na pang wizard ba. And that identifies them as a witch or sorcerer.
At ang huli, yung iba na may pangil at nagiiba ang kulay ng mga mata. Which means that its either they are vampires or werewolves.
Kakaiba nga ang academy na ito.
Nagulat ang lahat ng sumara ang mga pinto sa gym at kasabay nito ay ang pagsasalita ng boses ng isang babae.
"Welcome dear students, I am Mrs. Dyanna Drimlod your headmistress." Pagpapakilala ng isang may edad na babae. Pero hindi mo mahuhulaan ang totoo nyang edad sapagkat nagpapakita rin ito ng senyales na bata pa ito. Nakakalito.
Magsasalita pa sana sya ng bigla namang bumukas ang mga nasarahang pinto kanina at lumabas doon ang tatlong lalaki at isang babae.
At pagkakita sa apat na pumasok ay tumungo ang lahat ng mga estudyante maliban sa amin ni Minerva.
"Bakit sila tumutungo?" Tanong ko kay Minerva ngunit nginitian nya lamang ako.
Laking gulat ko nang tumigil sa aming harapan ang apat.
Tinignan ko sila isa isa.
Yung lalaking nasa kaliwa ay nakasuot ng hoodie na itim, may pagka mysterious ang dating nya. Kulay pula ang kanyang mga mata at nagitla ako nang may masilip sa gilid na labi nito. Kung hindi ako nagkakamali ay mga pangil ito.
At ang nasa katabi naman nito ay lalaki rin ngunit ang isang ito ay friendly ang dating, casual ang suot nito at ang lalaki ay may gintong mata at ang amoy nyang mabango na kapag nalanghap mo ay malalaman mo na isa syang werewolf.
Samantala, ang babae namang nasa kanan ay maputla ang mukha ngunit pulang pula ang labi nito, pati na rin ang mga mata nito katulad nung lalaking naka hoodie. Mayroon syang blonde na buhok na hanggang balikat nya lamang, para syang lolita sa suot nyang all black na dress. I'm guessing that she's also a vampire.
At ang nasa gitna naman ay nagbibigay ng aurang nakakatakot, pero hindi iyon sapat para matakot ako sa kanya. Kulay abo ang kanya buhok pati na rin ang mga mata nito, katulad nung babae na nasa kanan nya ay maputla din ito at nakasuot sya ng tuxedo. Isa rin itong bampira.
Doon ko lamang napansin na nakatingin rin sya sa akin na para bang sinusuri nya rin ako.
"Minerva, anong ginagawa mo dyan? Hindi ba dapat ay na nasa taas ka na ng stage?" Tanong nung babae kay Minerva.
Sandali, kilala nila si Minerva?
Napatingin naman ako kay Minerva na nakatigin rin sa akin. Binigyan ko sya ng titig na nagtatanong kung anong nangyayari. Ngunit katulad kanina ay nakangiti pa rin si Minerva at mukhang wala syang balak na sagutin ang aking mga katanungan.
"Sinamahan ko lang naman ang bago nating transferee eh. Tignan mo nga at bffs na kami hindi ba, Anreva?" Nakangiti pa rin sya habang tinatanong iyon sa akin.
Anong meron kay Minerva at sa apat nasa harapan namin?
Hinigit naman ako ni Minerva at tinungo nya ang stage na kung saan mayroong anim na upuan.
Para saan ang mga ito?
Pinaupo ako ni Minerva sa isa sa mga upuan at ganun din ang kanyang ginawa.
Di kalaunan ay sumunod sa kinaroroonan namin ang apat, katabi ko yung lalaking nasa gitna kanina.
"Bakit ba tayo nandito?" Pabulong kong tanong kay Minerva.
Buti naman at hindi nya lang ako nginitian kundi pati sinagot nya ang aking katanungan.
"Dito nakapwesto ang Section Alpha Committee." Nabigla naman ako sa narinig ko.
Section Alpha Committee? Ano naman iyon?
"Ano iyon?" Tanong ko kaagad kay Minerva. Buti naman at sinagot nya ang katanungan ko.
"Well, ang Section Alpha Committee or para sa mas madaling term ay ang Student Council ng academy na ito." Paliwanag niya. Dun naman naging malinaw ang lahat para sa akin.
To be continued....

BINABASA MO ANG
Memoirs of Blood
VampireAlam na sa sarili ni Anreva na hindi sya isang ordinaryong tao. At mas lalo nya pa iyong napatunayan nang pumasok sya sa Sienna Academy, ang academy para sa mga hindi ordinaryong tao na katulad nya. Ano nga ba ang tunay na katauhan ni Anreva?