Chapter 3 ~ Wish Granted
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kayleigh's POV
"Haley! wag kang susuko! nandito na ako oh, wag mo naman akong iwan malulungkot akong sobra!" malakas na sabi ko sa kanya pero kahit isa wala man lang akong natanggap na sagot
"Haley! Gising na! Dalian mo diba papasok pa tayo bukas huhuhuuu" sabi ko ulit sa kanya pero ni kahit isa wala akong nakuhang sagot, asaan na ba si nanay bakit ba napakatagal nila
"Ma'am hanggang dito na lang po tayo" sabi ng nurse sa akin pero hindi ako pumayag
"hindi sasama ako sa loob!" nagpumilit akong pumasok pero ayaw talaga ng nurse na papasukin ako
"sorry talaga Ma'am" wahhhh bakit ang tagal nila nanay at tatay
"hello nay asaan kana ba nandito na ko sa hospital?" huhu bakit pa nangyari kay Haley yun. kasalanan ko 'to, dapat hindi ko na siya pinapunta para hindi na ito nangyari sa kanya kasalanan ko 'to eh
"Anak! Anak! Anak! Asaan si Haley, anak ko Haley asaan ka na? Nurse nurse asaan si Haley Rouge yung anak ko!" tanong ni Nanay doon sa nurse pero ako ito nakaupo na patuloy paring lumuluha
"hon, pupunta lang akong kulungan para sampahan ng kaso yung nakasagasa sa kanya ha dito lang kayo" sabi ni tatay kay nanay, kasama ko pala yung mga bagong kaibigan ni Haley sa school at sumama ang isa sa kanya yung lalaki nakalimutan ko na yung pangalan
Bumalik na si nanay sa tabi ko at nagsimula nanaman akong umiyak
"nanay, *huk *huk kasi bakit ganon yung nangyari kay Haley, kasi nay dapat kasama ko siya ngayon dito o kaya katabi ko siya ngayon, nay, kasalanan ko to eh dapat hindi ko na tinext si Haley na papuntahin doon, kasalanan ko 'to *huk *huk kasalanan ko" malakas na sabi ko kay nanay kasi kasalanan ko talaga 'to dapat ako na lang yung pumunta sa tabi niya para walang masamang nangyaring ganito
Naalala ko tuloy yung mga happy moments namin ni kambal yung magkasama kami lagi, yung kahit saan man kami pumunta, yung piling na malungkot ako kasi inaway ako ng kaklase ko, tapos mga ilang minuto na lang nandiyan na siya para ipagtanggol ako doon sa mga umaway saakin kasi sa amin ni Haley siya yung tagapagtanggol ko lagi siyang nandiyan para i save ako kumbaga super hero ko siya, kasi sa aming dalawa siya yung matapang hindi niya hahayaan na tapakan kami ng kahit na sino
Makalipas ang ilang oras lumabas yung doctor na nag aasikaso kay Haley
"sino po dito ang kamag anak ni Ms. Rouge?"
"ako! Ako yung nanay ni Haley" sabi ni nanay at tumayo kami ni nanay at nakikinig ang mga kaibigan ni Haley
"Misis Rouge marami pong dugo ang nawala sakanya, at dapat masalinan siya kaagad ng dugo at may namuo ring dugo sa katawan niya at kailangan tanggalin ito para hindi kaagad mapunta sa kanyang puso at nabalian rin siya ng buto sa kamay at Misis Rouge pwede pong macomatose ang iyong anak sa lagay niya ngayon" matapos kung marinig iyon mas lalong bumilis ang agos ng aking luha
BINABASA MO ANG
Dream Traveler
FantasíaSi Haley Mackenzie Rouge ay isang teenager na may malaking hinaharap na pagsubok sa buhay para matakasan niya ang reyalidad Paano niya malalampasan ito kung ang dami daming humahadlang sa kanya? Kanino ba siya kakapit sa mga pagkakataong nahihirapan...