Chapter 10 ~ Birthday (Part 3)
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kayleigh's POV
Napakahaba ng aming binyahe at hindi ko inasahan na natiis pala namin yun. Sayang hindi ko nakita kung ano yung dinaanan namin kanina. Nakatulog kasi ako sa balikat ni Layron, hindi ko naman alam na doon sumanday yung ulo niya. Kanina pa siya walang kibo dahil pag kababa na pagkababa namin sa bus umiwas na siya sa akin kaagad. Hanggang ngayon hindi pa rin siya namamansin kaya hinayaan ko na lang. Dapat na isipin ko ngayon ay Birthday ko 'to at dapat masaya ako. Hindi ko muna siya iisipin kung ayaw niya talaga, wala akong magagawa yun ang choice niya pero siguro, sa susunod na pagkakataon baka maging kaibigan ko siya. Sana nga.
Hinihintay nanaman namin si Jasper kasi siya ulit yung umorder para sa amin but now kasama niya naman si Layron at Xylon para tulungan daw siyang magbuhat so, naiwan kami dito ni Pamella.
Ito kwentuhan lang kami ulit ni Pamella. Mas excited nga siya sa Birthday ko kaysa sa akin. Kasi ngayon lang daw siya pinayagan na lumabas na walang kasama, kaya siguro ganon siya kaexcite. Ako din naman eh, ngayon din pinayagan haha pero sadyang 'di pa ako showy kasi hindi ko pa naman sila masyadong close. Ito habang naguusap kami ni Pamella sabi na siya ng sabi kung anong mga rides daw ang dapat naming sakyan.
"Ow Kayleigh look, gusto ko 'tong puntahan na ride later. Then this, and then this. And this one too. Ang dami dami feeling ko gagabihin tayo ng uwi. Yiee excited na ako."
"Hahahahaha sige sige gusto ko din yan, matagal tagal na din akong hindi nakakasakay ng mga rides eh simula ng nasag-"
"Mga kaibigan ito na yung food natin, lafang na!"
Hindi na natuloy yung sasabihin ko kay Pamella dahil dumating na silang tatlo at dala na yung foods namin. Malapit na namin maubos yung pagkain namin ng bigla na lamang kaming kinausap ni Pamella.
"suggest ko na mas lalo nating maeenjoy ang araw na ito kung hindi natin gagamitin ang ating mga phone. Right?"
"Yeah, I'm okay with it."
Lahat naman kami ay pumayag at binigay na namin yung phone namin kay Pamella. Of course siya nakaisip kaya siya daw dapat ang magtago hahahahahah
Kinuha ko na yung phone ko sa bag ko at akmang ibibigay ko na sa kanya biglang may tumawag sa phone ko. Hindi ko alam kung sino kasi bigla na lamang inoff ni Pamella yung phone ko at pati na rin sa mga kasama namin. Hindi naman siguro yun importante kasi nakapagpaalam naman na kaming lahat bago kami pumunta dito.
Unting usapan lang ang ginawa namin at nagsimula na kaming pumasok sa loob ng EK. Dahil likas ng excited sa lahat ng bagay si Pamella at hinding hindi magpapahuli sa lahat hinigit niya na ako kaagad para makabili kami ng ticket. Ride all you can ang kinuha namin. Para maenjoy lalo 'tong birthday ko. But for me mas maeenjoy ko 'tong birthday ko if Haley is here. Wish ko sana gising na siya, yun ang pinakawish ko sa birthday ko ngayon.
Ayun nga, magkatapos namin bumili ay dumiretso na kami kina Layron. As usual parang tinatamad nanaman siya. Ano nanaman ba kasi yung problema ng lalaking 'to? Kanina nakikipagtawanan pa siya kina Xylon at Jasper tas pag dating lang namin sumimangot na. Lakas talaga ng problema nito sa akin nako talaga. Napapaface palm na lang talaga ako ng dahil sa kanya. Nakakabaliw siya para sa taong tulad ko.

BINABASA MO ANG
Dream Traveler
FantasySi Haley Mackenzie Rouge ay isang teenager na may malaking hinaharap na pagsubok sa buhay para matakasan niya ang reyalidad Paano niya malalampasan ito kung ang dami daming humahadlang sa kanya? Kanino ba siya kakapit sa mga pagkakataong nahihirapan...